++++++++++++++++++++++++++++++++++
SHOT 01: “143 HANNAH”
+++++++++++++++++++++++++++++++++
“Maganda ba Michael?”
Kinuha ko yung bulaklak na pinakita sakin ni Hannah. White Rose.
Ngumiti ako. “Ang ganda.”
Hinawakan ni Hannah yung kamay ko at inihilig ang ulo sa balikat ko.
Nakaupo kami ngayon sa isang batong upuan dito sa may ospital.
Naaksidente kasi yung kotse na sinasakyan namin noong isang linggo.
Buti nalang at ako ang nasaktan at hindi si Hannah. Buti nalang…
“Kailan ka daw ba pwedeng lumabas dito?” tanong niya.
“Hindi ko alam eh. Ayaw pa kong palabasin ng mga doktor,” sabi ko.
“Hindi ka ba naiinitan sa suot mo na yan?” sabi ni Hannah na tinutukoy yung putting hospital gown na suot ko.
Ngumiti ako at umiling. “Hindi naman.”
“Eh, hindi ka ba nababagot sa lugar na to? Ang tagal mo nang nandito,” nag-aalalang sabi niya.
Tinitigan ko siya sa mata at pindot ng mahina yung kamay niya. “Hindi. Nandito ka naman sa tabi ko para alagaan ako eh..”
Ngumiti siya sa akin.
“Tara, dun tayo sa may tulay.” Hinila niya ko patayo.
Lumakad kami papunta dun sa may maliit na tulay.
“Ang ganda ng tubig,” puri ni Hannah sa makitid na daluyan ng tubig sa ibaba ng tulay. Mula dito sa taas, kita ko ang repleksyon naming dalawa at ang makukulay na isdang lumalangoy sa tubig.
“Ah..” Kinuha ko yung isang maliit na notebook sa bulsa ng hospital gown ko. “Heto nga pala…”
BINABASA MO ANG
1 SHOT STORIES by Nikkidoo
Teen FictionAll Rights Reserved. Copyright 2012 by Nikkidoo.