Clara Edosma's POV
Umalis si Bingka, may bibilin daw eh ba't kali dinako sinama? Nakakainis. Nakaupo ako sa bench sa bayan. Ang tagal tagal niya. Kanina pa siya umalis eh. Nilibot libot ko na muna ang mga mata ko. Nag libang libang ako kasi sobrang nakakabagot pala talagang mag isa pag nasanay kang may kasama.
Yumuko ako sa sobrang inip. May kumalabit sa'kin. Nilingon ko siya agad. Lumawak ang ngiti ko, sa wakas!
"Sorry, Bingka natagalan ako." Sabi niya at tumayo ako. Nag taka ako ng may dala siyang bouquet ng roses.
"Bakit may bulaklak ka?" Tanong ko.
Ngumiti siya sabay abot ng roses. "Date 'to, diba?" Napaingit ako sa sobrang kilig! Kinuwa ko agad ang bouquet at nag lakad lakad na kami.
Nakahawak lang ako sa braso niya at walang paki kung saan man kami pumunta.
"Aano tayo dito?" Tanong ko. Asa mall kami at pinagtitinginan ng mga tao siguro dahil sa dala ko. "Alis na lang tayo, Bingka."
Ngumiti lang siya. "Hoy, wag kang mahiya hindi naman sila napapangitan sa'yo eh sa tingin ko nga ang nasa isip nila special ka at gano'n din ako." Sambit niya at mas binatak niya ako palapit sa kaniya.
Huminto kami sa isang silver shop.
"Bingka, pasensya na ah, hanggang silver lang ang kaya ko ngayon." Sabi niya at medyo nalungkot ang mukha niya. Bago pa kami pumasok ay tinanong niya kung okay lang ba. Hindi niya ba alam na kasama ko lang siya buo na araw ko.
"Hindi na nga kailangan nito eh." Sabi ko at nginitian siya. Ngumiti narin siya at pumasok na kami.
"Good afternoon, Maam and Sir." Sabi nung saleslady. Nilibot ko na agad ang tingin ko sa mga bracelets at mga kwintas. Ang gaganda! Kaso mukhang mga mahal.
"Turo mo lang yung gusto mo." Sabi ni Sebastian.
"Tulungan mo rin akong pumili." Sabi ko. Hindi mawala ang ngiti sa mukha ko. Nag tingin tingin ako ngunit wala akong nagustuhan.
"Bingka, ito kali?" Sabi niya habang naka turo. Lumapit ako sa kaniya. Maganda! Simple lang yung braclet, dalawang puso na mag kadikit yung pendant. Mas lumawak pa ang ngiti ko.
"Ito na lang, Bingka?" Tanong niya sa'kin at madalian akong tumango. Kinausap niya na ang saleslady at nag hintay.
Ewan ko ba kung bakit sa dinami dami naming pinagpilian yung simple pa yung napili ko. Nakangiti lang ako sa kaniya habang hinihintay ang saleslady.
"Masaya ka ba, Bingka?" Tanong niya.
"Sobra! Alam mo ba na first time lang may bigay sa'kin ng ganto!" Masigla kong sagot. Naka seryoso parin ang mukha niya.
"Bingka, masasaya ako sa binigay mo. Promise kaya wag ka ng malungkot, kuntento ako sa mga binibigya mo. Sayo pa nga lang kuntento na ako eh." Sa wakas! Ngumiti din siya.
"Sir, eto na po." Sabi ng salesaldy. Kinuwa niya ang kahon at nilabas ang bracelet, kinuwa niya ang kamay ko. Nakatitig lang ako sa mukha niya. Alam niyo yon, mapapatitig ka na lang sa kaniya sa sobrang saya, sa sobrang pagiging blessed mo dahil dumating ang katulad niya sa buhay.
Inangat ko ang kamay ko ng maisuot niya ang bracelet sa'kin. Tinignan ko ito. Ang ganda!
"Thank you." Bulong ko sa kaniya. Lumabas na kami. Naka kapit ako sa braso niya.
Nakalabas na kami, medyo hapon na.
"Uwi na tayo?" Tanong niya. Umiling ako.
"Diyan ka na muna!" Sabi ko at tumakbo ako palayo sa kaniya. Lumingon ako sa kaniya ng maka layo ako, nakatameme lang siya doon! HAHAHAHA
YOU ARE READING
Risking My Ephemeral Heart
RomanceDo you believe in love at first bond? Siguro malabo pero that thing happened to me. She's the first and last woman I've ever loved. This is our lovely story, a fast story I guess yet it will last for a lifetime, for us. Wala ng kwenta kung mabubuhay...