Because I Love U (One Shot)

3 4 1
                                    

Sabado ng umaga...

"Ate Princess? Ate!?" ,tawag sakin ng kapatid ko sa labas ng pinto, habang kumakatok.

"Hmm..." ,sagot ko habang pilit binubuksan ang mga mata ko.

"Ate gising na! bilisan mo!" ,sigaw niya with urgency,

"Tumabi ka nga!" ,sigaw ng tao sa labas, anak ng?! tiningnan ko kung anong oras na, luh! 8:00am na pala sira ata tong alarm clock ko, nako lagot.

Bumukas ng pagkalakas lakas ang pinto, nasira tuloy ang lock neto.

"Alam mo ba kung anong oras na?!" ,galit na sigaw ni tatay ,napatahimik nalang ako at dahang dahang tumayo at inayos ang hinihigaan ko.

"Isang linggo akong nagtrabaho at minsan nalang ako umuwi! Tapos ito ang dadatnan ko, huwag kang tatamad tamad kung ayaw mong magutom," dagdag pa niya.

"Itigil mo na yan at unahin ang pagkain natin!" ,itinigil ko naman ang paglilinis ng kama ko at lumabas na, bago pa man ako makalampas sa pinto dinuro ako ng ama ko, at itinulak pa pababa ng hagdan.

Dali dali na akong nagsaing at nagluto ng ulam, pagkatapos kumain na rin kami.

"Hugasan mo na agad tong mga pinggan" ,sabi ni itay

"Opo, um... kamusta po kayo?" ,maikli kong tanong medyo hina-high blood siya, mahina siguro ang kita o kaya nagka-aberya sa trabaho, hindi niya ako sinagot.

Matapos kumain inayos ko na ang pinagkainan,

"Labhan mo lahat ng to," inihagis niya ang bag niy  na may laman ng sinuot niyang damit sa trabaho.

"Opo," habang patuloy ako sa pag-aayos ng mesa, iniligay ko na ang mga ito sa lababo upang hugasan ang mga ito, dumaan uli si itay sa lababo para kumuha ng baso,

"Bilisan mo, maglaba ka na, huwag kang babagal bagal!" ,bilin niya,

"Opo," binilisan ko naman ang paghuhugas ng pinggan at sa sobrang pagmamadali ko nadulas sa kamay ko at nahulog ang tasa, nabasag ito.

"Ano ba?! Huwag ka ngang tatanga tanga!" ,saway niya sa akin

"Opo," sabi ko sabay yoko at pinulot ang mga bubog, umalis na siya, napabuntong hininga nalang ako at ipinagpatuloy ang pagpulot sa mga bubog,

"Aray!" ,napasigaw nalang ako ,katangahan nga naman... nasugatan ako, hays...

Tinalian ko nalang ito at nagpatuloy sa paghuhugas,

"Ano ba?! Maglalaba ka o hindi?! Baka umulan mamaya at wala akong maisuot lagot ka sakin!" ,sigaw niya at nagbanta pa,

Nagpunas nalang ako ng kamay at dali daling nagtungo sa likod ng bahay dala ang labahin, 

Hays, Princess nga ang pangalan ko ulila naman ako sa pamamahay na ito, labing anim na taong gulang na ako samantalang anim na taong gulang palang ang nakakabata kong babaeng kapatid kaya ako lang ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay.

Nakakahiya naman kung ang tatay pa ang gumawa ng mga to diba?

"Aray! Ah..." ,mahapdi na yung sugat ,kainis naman

"Hoy! ano tong mga hugasin ba't hindi pa tapos to?!" ,sigaw ni itay sa loob kaya agad agad naman akong tumakbo papunta sa loob ng bahay,

"Ah, pasensiya na po ano kasi..." ,pagdadahilan ko,

"Tumahimik ka! tapusin mo to!" ,medyo nagulat na ako ,hays

"Opo," dali dali ko na ring tinapos ang hugasin,

"Ouch!" ,tsk ,mahapdi yung katiting kong sugat, kaimbiyerna naman to. Mabuti naman at malapit na akong matapos sa hugasin ko,

"Bwesit!" ,sigaw uli ni itay ,nagulat nanaman ako, nako ang labahin... minadali ko na ang mga plato at dumiretso agad sa kinaroroonan niya.

Because I Love You |One Shot|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon