26

25.6K 358 8
                                    

Chapter Twenty-six
Mira

KINABUKASAN AY MAAGA akong nagising para bumili ng regalo kay Kish. Nakaligtaan ko kasing bumili dahil masyado akong nag-focus sa mga trabaho ko nung nakaraang mga araw.

Pool party ang napagdesisyunang gawin ni Kish. Iimbitahan niya ang mga kaibigan namin at ibang mga kakilala noong high school at college. Parang magiging mini reunion ang dating ng birthday celebration niya.

Mamayang 6pm pa ang pagpunta sa bahay nila and it's still 9am. Mahabang oras pa ang gugugulin ko kaya naman nagdesisyon akong after kong bumili ng regalo ay magpapamasahe muna ako o kaya ay pumuntang salon para makapag-relax naman. Feeling ko sobrang stressful ang mga nangyayari ngayon sa buhay ko. Mula noong nangyari ang one night stand na iyon, naging sunod-sunod na ang mga nangyari.

I still can't believe na bumalik na si Hunter tapos kasal na siya. Tapos malalaman ko na siya 'yung naka-one night stand ko? At naulit pa kaya naging two night stand! And then si Tyrone. Tuluyan na siyang nag-give up. For now, friends na lang kami.

Pagkatapos kong makabili ng regalong purse ay naglibot-libot muna ako at tumingin-tingin ng mga damit. Pampalipas muna ng oras since mahaba pa naman ang araw ko.

Mga bandang 10:30 nang mag-decide akong magpa-full body massage pero bago iyon ay nagtungo muna ako sa comfort room dahil naihi ako. After kong gumamit ng banyo ay naghugas muna ako ng kamay saka nag-ayos ng konti. Pagkatapos ay lumabas na ako.

Naglalakad na ako nang biglang tumunog ang phone ko kaya hinalughog ko ang bag ko para makuha ang phone. Saktong nakita ko na ang phone ko at sasagutin na sana nang biglang may makabanggaan ako. Nabitawan ko ang phone ko dahil doon.

"Oh, I'm sorry", hinging-paumanhin ng nakabanggaan kong babae.

Mula sa pagtingin ko sa phone na nahulog ay lumipat ang tingin ko sa babae. Napatingin din siya sa akin.

"M-Mira?"

"G-Gaea..", mahina niyang sabi.

Hindi ko maalis ang paningin ko sa kaniya. She's wearing a denim pants at simpleng blouse. Light lang din ang make-up niya at maiksi na ang buhok niya. Ibang-iba na ang itsura niya ngayon kumpara noon. Mas simple siyang tignan ngayon.

Umiwas naman siya ng tingin sa akin at nagulat ako nang pinulot niya ang phone ko. Inabot niya iyon sa akin. Hindi ko tinanggal ang paningin ko sa kaniya.

"I'm sorry. Hindi kita napansin kaya nabangga kita. Uhm.. do you have time? Gusto kitang makausap", malumanay niyang sabi.

Hindi siya makikitaan ng dati niyang ugali noon.

"Yeah", maiksi kong sagot.

Ngumiti siya pagkatapos ay niyaya na akong pumunta sa ibang lugar upang makapag-usap ng mas maayos. Pumasok kami sa isang kainan na wala masyadong tao. Okay na 'to, early lunch bago ako magpa-massage.

Um-order muna kami ni Mira ng mga pagkain at hinintay iyon na ma-serve. Walang umiimik sa amin.

"Uhm.. K-Kamusta na?", parang kinakabahang tanong ni Mira.

"Okay naman. I'm doing good. Ikaw? How have you been for the past 5 years?"

"I'm good", sagot niya. "I just came back here last year.. para sana kausapin ka.. kayo ni Hunter at ng mga Monteverde but I'm scared.. I was.. I was so scared."

Habang nag-sasalita siya ay tinitignan ko lang siya. Suddenly she burst out crying.

"I'm so sorry, Gaea! I became so obsessed but I don't have any intention to kill your child, I swear! Gusto ko lang talaga si Hunter all by myself. Noong naging boyfriend ko siya, I fell out of love pero nandun pa din yung feeling na gusto ko siyang kasama pa din. Gusto ko akin lang siya. Hindi ko in-expect na magugustuhan ko si Gunther because he's so caring. Then, Hunter saw us kissed. I kissed Gunther pero pinalabas kong si Gunther ang humalik sa akin and that he liked me kaya sila nag-away. Walang pasabi akong umalis at sumama sa mommy ko papuntang US. Nung nagkaroon ako ng pagkakataon na ma-contact ulit si Hunter, I grabbed the opportunity to get him back. Nalaman kong may girlfriend na siya but I don't care. I was so happy nung pumayag si Hunter. Kahit na nung pinakasal na kayo, I didn't care at all as long as sinasabi sa akin ni Hunter na mahal niya ako. Then I met you. I was so jealous of you. Gusto ka ni tita, ng buong Monteverde for Hunter. At nung time na makita mo kami sa condo ni Jake? Hindi kami magkatabing natulog noon dahil ayaw niyang gawin namin iyon. Kontento na siya sa halik at yakap lang kasi meron ka. Asawa ka na niya. That's when I realized na hindi na niya ako mahal pero hindi niya makita iyon dahil sa akin. Hanggang sa nung marealized na niya ang katotohanang iyon, he's breaking up with me. Ayoko, hindi ko siya kayang mawala sa akin. Kaya I tried to kill myself para lang bumalik siya sa akin. He did. Nung time na mag-away tayo at nawala ang baby niyo, sobra-sobra ang galit niya sa akin. He almost killed me and he told me that he'll sue me. I was so scared kaya agad-agad akong umalis at nagpakalayo-layo. Noon ko lang na-realized na sobrang toxic na pala ng tinatawag kong pagmamahal kay Hunter. Obsessed na ako sa kaniya kaya inayos ko ang sarili ko. By the time na nagkaroon ako ng lakas ng loob para kausapin kayo, that's the time I went back. Pero wala si Hunter. Wala ka din. Ang mga Monteverde ang nakausap ko and I asked for their forgiveness already. Masaya ako na pinatawad din naman nila ako.. Nakausap ko na din si Hunter kahapon.."

Pinahid ko ang mga luha kong tumutulo na din habang nakikinig sa kwento ni Mira. We're both crying.

"I'm so sorry, Gaea! I'm really really sorry!", humahagulgol niyang sabi.

Hinawakan ko ang kamay niya. "I've already forgive you. Gaya mo ay nabulag din ako sa pagmamahal. Narealized ko din noon na wala namang magandang maidudulot sa akin ang pagkamuhi at galit ko sa 'yo. Walang papantay sa sakit na naramdaman ko noong namatay ang anak ko but we have to continue moving forward. And I believe na okay na din ang baby ko kung nasaan man siya ngayon. He's in good hands. Siguro nangyari iyon to taught us all a good lesson in life and we did. Nagsisisi ka na din naman e. Okay na sa akin na nag-sorry ka."

Nagpahid siya ng mga luha at tumayo. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Thank you! Thank you, Gaea! Thank you!"

Matapos ang pag-uusap namin ni Mira ay kumain na kami. We had a light conversation. Nalaman ko na bumalik siya sa pag-aaral and she's living alone dahil namatay na ang mommy niya 2 years ago. Ang daddy niya naman ay walang pakialam sa kaniya. Simple na lang ang pamumuhay niya ngayon that explains why I can't see the old Mira in her anymore. And I'm happy for her.

Matapos ang pagkain namin ay nagpaalaman na kami. Pumunta na ako para magpa-massage. Habang nagpapa-massage ay sobrang narerelax ang pakiramdam ko. This is all I need right now.


The Unwanted Wife
by rhomexx

The Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon