27

26.5K 382 10
                                    

Chapter Twenty-seven
Surprise


"ATE, TARA na!", yaya sa akin ni Ghet nang mag-6pm na.

Tinignan ko muna ang repleksyon ko ng huling beses sa salamin bago mabilis na kinuha ang bag ko at regalo saka lumabas ng kwarto.

"Ang tagal mo!", reklamo ng kapatid ko.

"Tss. Halika na!", sabi ko na lang saka siya hinila palabas ng bahay.

Paglabas namin ay saktong huminto ang sasakyan ni Kit. Binaba niya ang salamin ng binatana ng sasakyan.

"Let's go!", yaya niya.

Sumakay ako sa front seat kaya sa back seat naupo si Ghet.

"Akala ko ba umalis ka na?", tanong ko kay Kit.

"Inutusan ako ni Kish na balikan ka", natatawa niyang sabi.

"Huh! Akala mo naman hindi ako pupunta kung hindi niya ako i-papasundo."

"Paano naman kasi, late ka na! Baka kinabahan 'yun na hindi ka dadating", tumatawang sabi ni Ghet sa likod.

"Ganun ako ka-VIP kay Kish?"

"Of course! You're her best friend, Gaea. Remember her 16th birthday na halos hindi ka makapunta dahil nilalagnat ka? Sobrang pinilit niya akong sunduin ka para lang dalhin sa celebration niya. Iyak siya ng iyak nung hindi ako pumayag", tumatawang kwento ni Kit.

I remember that day. Pagdating ko noon sa venue ng birthday niya niyakap niya ko ng sobrang higpit. Ewan ko ba sa babaeng 'yun. Ayaw na ayaw niyang wala kami ni Kit sa mga birthday celebrations niya. Bukod daw kasi sa family niya, kaming dalawa ni Kit ang treasure niya. Kahit nga kaming dalawa lang daw ang maging bisita niya sa birthday niya ay ayos lang.

Pagdating namin sa bahay nila Kish ay maririnig na agad ang malakas na tugtog. Pumasok kami sa loob ng kabahayan kung saan kami sinalubong nina tita. Naroon din ang ibang mga kapamilya nina Kish from her mother's side.

"Nasa may pool area si Kish kasama ng ibang mga friends ninyo at mga bisita niya. Dumiretso na lang kayo doon", sabi ni tita sa amin.

Tumango ako at niyakap ulit si tita bago niyaya na sina Ghet at Kit na pumuntang pool area kung saan nanggagaling ang malakas na tugtog at may mga party lights din. Humiwalay na si Ghet sa amin. 'Yung iba ay mga bumabati at sumasalubong sa akin habang ginagala ko ang paningin upang hanapin si Kish.

"Gaea! Over here!", tuwang-tuwang tawag sa akin ni Kish nang makita ako.

Kumaway ako sa kaniya at nagmamadaling lumapit sa kaniya upang yumakap. Parang kay tagal naming hindi nagkita, hindi ba?

"Happy birthday! I love you!", bati ko sa kaniya matapos ang yakapan namin.

"Aww. Thank you and I love you, too. Is that my present?", tanong niya nang makita ang hawak kong regalo.

"Yeah. Hindi ko alam kung anong bibilhin ko dahil alam ko namang nasa 'yo na lahat kaya 'yan na lang ang binili ko", sabi ko.

Ngumiti siya at tinanggap iyon. "Thank you, G! Oh, by the way, I have a surprise for you. Di ba? Ako ang may birthday pero ako ang may surprise for you? Haha."

Kumunot ang noo ko. "What surprise?"

Tinignan niya si Kit. "Let's go!", yaya niya bago hinila si Kit at ako sa braso.

The Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon