28

28.1K 371 27
                                    

Chapter Twenty-eight
End


LUMAPIT SI HUNTER sa akin at niyakap ako pero hindi ako nag-respond. Nawiwindang ang utak ko sa sinabi niya. Paanong mag-asawa pa din kami? Hindi ba annulled na kami?

"I tried to stay away for your own good dahil ang sabi mo noon gusto mo ng space. Pero 5 years ago, nasa condo lang ako ni Jake. Kinontento ko ang sarili kong panoorin ka at pagmasdan ka sa malayo. 'Yung annulment papers, naisip ko baka maisip mong iwan ako dahil gago ako kaya ko ginawa iyon pero nung time na pinirmahan mo, Gaea, para akong masisiraan ng bait. Naisip ko siguro dahil kay Tyrone. Pero hindi ko matanggap kaya kinuha ko iyon kay atty. at tinapon ko. Sinubukan kitang lapitan pero ang sabi ng mama at ate mo 'wag na daw dahil maayos ka na. Masaya ka na sa buhay mo at boyfriend mo na si Tyrone. Ang sakit nung sinabi nila iyon pero mas masakit nung makita kong halikan ka niya."

"You were there?", tanong ko.

Tumango siya. Iyon ang unang pagkakataon na halikan ako ni Tyrone pero lasing ako noon and that was just a kiss. Dumampi lang ng saglit ang labi niya sa labi ko. Iyon lang iyon.

"I thought, oo nga, napalitan na ako ni Tyrone and you're happy with him kaya nag-decide akong umalis ng bansa para lumayo at para kalimutan ka pero hindi ko pala kaya. Kaya bumalik ako. Gusto kitang bawiin kay Tyrone at kahit na boyfriend mo siya, mas may karapatan ako dahil asawa mo ako, Gaea. Nagkaroon ulit ako ng lakas ng loob. Nung time na malasing ka sa bar, nilapitan kita para kausapin at para umiwas ang mga lalaking lumalapit-lapit sa 'yo 'cause I want to kill those bastards who lay their fingers on you. I'm damn jealous, Gaea! Niyaya kita sa mas private na lugar which is my hotel suite para makipag-usap but you're so drunk and fuck! Hindi kita matanggihan. The next day I woke up, wala ka na. It was so frustrating. Umalis ka na walang pasabi.."

"Kasi hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nagising ka kaya umalis ako and I didn't know it was you!", putol ko sa mga sasabihin pa niya.

"Yeah. So, I saw you sa gym pero iniwasan kita dahil kasama mo ang mga kaibigan mo at bigla kayong nawala after kong mag-shower. Coincidentally, nasa resto kayo ni Tyrone kung saan kami mag-kikita ni Gunther upang pag-usapan ang pag-uwi namin. I wanted to tell to Tyrone's face that you're my wife pero natakot ako sa magiging reaksyon mo. I just told him the truth nung umalis ka after what happened again in my suite. Kasi gusto kong layuan ka na niya. Balak ko ding sabihin sa 'yo na ikaw ang asawa ko pero hindi ka nakinig at umalis ka na hindi man lang ako pinakinggan."

"I'm sorry.. hindi ko alam na ganun. Hindi ka naman kasi nagparamdam man lang sa akin! You never texted me! You never called me! Akala ko naghihintay lang ako sa wala!", I said and here we go again sa mga luha kong hindi maubos-ubos.

"Sorry. Sobra lang akong nasaktan nung sinabi mong gusto mo ng space. Buong akala ko hindi mo na ako mapapatawad. You were so focused on yourself. Hindi mo naisip na pati ako nasasaktan nung nawala ang baby natin but I can't blame you dahil buong akala mo ayaw ko sa bata. Now, babe, do you forgive me?", masuyo niyang sabi.

Tumango ako. Niyakap niya akong muli and this time, I hug him back at hinalikan niya ako sa noo. Pumikit ako.

"Be my wife again, Gaea", bulong niya nang lumayo siya sa akin.

Tinignan ko siya. "I'm still your wi — "

Umiling siya agad. "I want you to marry me again, babe. I want a fresh start with you by my side. I want to spend the rest of my life with you. No more Mira. No more walking away. No more Tyrone. It's just us. You? Me? Forever?"

The Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon