Chapter 03/4: Sunshine After the Rain

4.8K 77 3
                                    

"Im so sorry mom... Please forgive me. I didnt mean to hurt you... At hindi ko din naman po ginustong... magsinungaling sa inyo. "- as she sobbing on her mother's shoulder.

Marahan namang hinaplos ng ina ang likod ng kanyang anak na parang batang pinapatahan sa pag-iyak.

" sssh... stop saying sorry anymore ChungCha. Mom is not angry... I really understand you my daughter. "- Mrs. Charlotte said na pinipigilang hindi mapaiyak.

She need to become strong for her beloved daughter. But hearing those word from her mother, tila hindi makapaniwala si ChungCha. Kaya dahan dahan siyang humiwalay sa pagkakayakap ng kanyang ina upang tingnan ito sa mukha.

" totoo po ba yong narinig ko? Hindi.... hindi po kayo galit sakin? "

Hinawakan ni Mrs. Charlotte sa dalawang pisngi ang anak atsaka marahan itong hinaplos. Tumango siya at bahagyang ngumiti bilang pagsagot.

" but why mom? I told you that... i lied to you and... i did something bad to hurt you and i... disobeyed you. Why not angry mom? "- tanong ulit ng anak.

Mrs. Charlotte looked at her daughter's eyes while saying this...

" because im your mother ChungCha... And mom loves you so much. "

Caressing her daughter's hair na parang maliit na batang pinapangaralan.

" you are the one and only treasure for me anak... Kaya mom will never hate you. Dont think that mom will hate you okay? Because you're a precious gift for me. And mom will always here to take good care of you. Mom will never leave you. Kaya kahit anong problemang dumating sa buhay mo... kahit ilang beses ka pang magkamali... mom is always here beside you okay? "- soft and gentle voice and words that full of love from her mother.

Dahil sa mga salitang narinig niya mula sa kanyang ina, mas lalo pa siyang napahagulhol ng iyak sabay yakap ng mahigpit sa kanyang mommy. At ganon din ang kanyang ina. Niyakap din siya ng mahigpit   dahil sa labis na pagmamahal niya sa kanyang anak. Like what Tim said, all mothers loves their children. At ngayo'y napatunayan na iyon ni ChungCha na tama ang kanyang sinabi.

" patawarin mo rin ako anak... dahil nagkamali din ang mommy. Hindi kita nabantayan ng mabuti. Sorry anak if mom is always busy... Hindi dapat kita hinayaang masaktan ng ibang tao. Sana... naipagtanggol kita. Sana... nasa tabi ang mommy nong mga panahong malungkot ka. Im so sorry  ChungCha.... forgive me anak. "- Mrs. Charlotte said habang yakap yakap ang anak.

Muli namang humiwalay sa pagkakayakap si ChungCha upang tingnan muli ang malungkot na mukha ng kanyang ina.

" mom... you dont need to say sorry. Wala po kayong kasalanan, hindi po kayo nagkulang. Ako po ang nagkamali kaya.... hindi nyo po dapat sinisisi ang  sarili nyo. I should be the one to say sorry, mom. "- tugon ni ChungCha na lumiwanag narin ang hitsura.

Sa wakas ay para siyang nabunutan ng tinik na matagal ng nakabaon sa kanyang dibdib. Sa wakas ay medyo nakahinga na siya ng maluwag. Natanggal narin ang takot na bumabalot sa kanya na baka mabuking siya sa kanyang ina. Pakiramdam niya... naging malakas ulit siya.

" ChungCha, listen to me... Simula ngayon, hindi na kita pagbabawalang magboyfriend. Simula ngayon, malaya ka ng pumili ng taong gusto mong mahalin. Kahit sino man sila, kahit ano mang katayuan nila, kahit ano pa sila o kahit anong gender nila.. "

But from the word "gender", tila naembarrassed si ChungCha. Ano kaya ang iniisip ng mom niya sa kanya? Dahil ba sinabi niyang nainlove siya sa isang lesbian? Pero hindi naman kasi niya alam ang tungkol doon.

" wait mom... what do you mean by that? Iniisip nyo po bang homosexual ako? Why are you like that mom? Im a straight girl! "-  ChungCha exclaimed as she pouted her lips.

Mrs. Charlotte laughed. Hindi niya akalaing ganon pala kacute ang kanyang anak kapag naiinis o nagtatampo ito. Parang maliit na batang kay sarap panggigilan at lalong asarin para lalo itong  mainis.

" alam ko naman yon anak. Ang point ko lang, gusto kong malaya kang magmahal ng taong gusto mong mahalin. Ano mang katayuan meron sila sa buhay basta ang importante.... ang nilalaman nito. "

Pagpapatuloy ng kanyang ina na itinuro pa ng hintuturo nito ang kanyang dibdib. At sa wakas, ngumiti narin si ChungCha kahit marami pang bakas ng luha ang nasa pisngi niya.

" thank you so much mom. I love you mom. "- she said sabay yakap ulit ng mahigpit sa ina.

" i love you too anak. As long as masaya ka... masaya narin si mom. "

At doon natapos ang lahat ng lungkot at sakit na nararamdaman ni ChungCha. Na ngayo'y napalitan na ng saya at puno ng pagmamahal. Sa wakas ay nakakangiti narin siya ng maayos. Ngiting walang halong takot, kaba at pag-aalinlangan.

After dinner, umakyat agad siya sa kanyang master's bedroom para makapagshower at makapagbihis na ng pantulog. But before going to bed, naglaan muna sya ng ilang minuto para makapagsulat sa kanyang diary notebook.

" Tim, thank you sa advice mo. Ng dahil sayo... naging okay na kami ni mommy. Napawi narin ang lungkot at takot sa dibdib ko. Please chance pagtagpuin mo sana ulit kami. Para makapagpasalamat ulit ako sa kanya. "

After that, napakaganda, napakaaliwalas at abot langit na  ngiti ang makikita sa mukha ng dalaga. Goodnight....


..... time skip....



The next day...

Tinakasan ulit ni ChungCha si Manang Flora para makapasok ng maaga sa University. Meron nanaman kasi siyang excited na makita.

Saktong- sakto naman dahil pagdating niya sa parking lot, marami pang space para makapagpark agad siya ng sasakyan. At pagkatapos non, si Tim agad ang ninais niyang hanapin at puntahan.

Pero tulad nong una, hindi nanaman niya ito makita. Hindi niya alam kung nasaang lugar si Tim kapag ganong oras. Hindi naman kasi niya ito maitext o matawagan dahil hindi pa naman niya nakukuha ang number nito. Aaa mali.... hindi pa pala nakukuha ni Tim ang number niya. Kaya nagbabakasali lang siya na  baka masalubong niya ito.

Pero kahit halos malibot na niya ang buong Campus, talagang hindi parin niya ito mahanap. Sabi nga nila, ang hinahanap mo hindi mo makikita., try mong wag hanapin siguradong makikita mo. At dahil nakaramdam narin siya ng gutom at pagod kaya pumasok nalang siya sa isang canteen kung saan siya nakarating. Saka siya umorder ng one slice na strawberry cake and one strawberry float. Ng makuha na niya ang order, umupo na siya para kumain.













[Completed]Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon