**Aleeya's POV**
Anong akala nya ganun na lang un? Pagtapos nyang mang-iwan sa ere bigla na lang syang susulpot na para bang walang nangyare? Aba matindee! Mukha nya! Magdusa sya! Hindi porket miss ko sya tatanggapin ko na lang sya agad with open arms! Sinuswerte sya! Bahala ng gusto kong tumakbo sa kanya at yakapin sya ngayon! Nangingibabaw ung galit ko sa kanya. Kung talagang gusto nya ko, hindi nya ko iiwan ng ganun!
"Hoy Babae!"
"Ay babae nga!!" nagulat ako ng biglang sumulpot si Jaymie sa harap ko.
"Excuse us! Pero kanina pa kami dito pero para kang wala sa earth! Ano ba kasing tinutulala mo jan?" sabat ni Marcy.
"Wala toh." kahit meron naman talaga..
Ayoko lang masabihan na ang babaw ko which is half true. I over reacted kanina. Hindi naman talaga un ang plano ko pag nagkita kami. I love him. And I'm ready to admit it pero nangibabaw lang talaga ung galit.
"Wala daw pero ayan na naman sya at lutang. Tara na. Kain na tayo!"
"mauna na kayo. Mamaya na lang ako kakain. May tatapusin pa kasi ako eh."
"Ikaw ang bahala. Una na kami sis!" Paalam sakin ni Jaymie bago sila tuluyang nawala sa paningin ko. Wala naman talaga akong tatapusin. Gusto ko lang mapag-isa. I need to think. Hindi ko alam kung after ba ng ginawa ko kanina may Jeric pa kong babalikan. I doubt that. Who would want a double rejection?
***
"Nana, sige na po. Gusto ko lang pong malaman kung ayos lang sya. Hindi ko naman po kasi talaga balak na saktan si Aleeya."
"Alam mo iho, kung ikaw nga kelangan ng oras para pag-isipan ang mga bagay siya pa kaya na magbibigay ng desisyon? Bigyan mo lang muna ng oras ang alaga ko. Siguro, hindi natin alam baka sya na mismo ang lalapit sayo para sabihin ang sagot nya. Ayos lang sya kahit pa buong araw syang hindi lumalabas ng kwarto nya."
"Sige po. pakisabi na lang po na dumaan ako. Tsaka mahal ko sya. Mauna na po ako."
Yan ang bumungad sakin habang pababa ako ng hagdanan. Hindi na ko napansin ni Jeric dahil umalis na lang sya agad.
"Hay naku! kayo talagang kabataan!" buntong hininga ni Nana na may kasama pang iling.
"Kanina pa po ba sya?"
"Ay! Kabayo! Anak ka naman talaga ni senyorang bata ka! Ginugulat mo ako!" huminga muna sya ng malalim bago sagutin ang tanong ko. "Para sagutin yang tanong mo, matagal-tagal din. Mga 3 oras din un. Hinihintay ka talaga nyang bumaba. Kanina pa nangungulit. Napakatigas ng ulo!"
"May nasabi po ba sya sa inyo? tungkol sa..."
"Aba'y oo! Abot abot na sermon na ang natanggap nya mula sakin. Siguro naman magtitino na ang utak ng binatang yun."
"Nana, mahal ko na po sya. Pero natatakot po ako na baka pag nalaman nya un, iwan nya na lang po ako sa ere katulad ng ginawa nya."
"Wala naman sigurong masama kung susubukan mo iha, hindi ba? Hindi ka naman sigurado na iiwan ka nya kung sakaling sabihin mo man iyang nararamdaman mo. Huwag kang matatakot na sumubok."
"pero po..."
"Ito.." turo nya sa puso ko. "yan ang gamitin mo, hindi ito.." turo nya naman sa utak ko.
"Kapag nagmamahal Aleeya, puso ang ginagamit, hindi ang utak. Mahal ka ng binatang iyon. Nakikita ko sa mga mata nya kung paano maghirap ang kalooban nya dahil hindi ka nya malapitan man lang. Subukan mong pakinggan naman ang puso mo, walang mawawala. " she smiled wamly at me. before tapping my shoulder.
BINABASA MO ANG
"Reach The Impossible"
Genç KurguA story of REACHING someone. May mga bagay sa mundo na mahirap abutin. Mga bagay na alam nating hindi pwede. but in LOVE everything is possible!! Go on and REACH THE IMPOSSIBLE !!!