Hapon na ng makauwi sina Tatay kasama yung dalawa kong bunsong kapatid. Nagmano agad ako kay Tatay atsaka ganun rin yung ginawa ni Aliaa.
"Mano po tatay"sabi ko sa kanya. Napatango lang siya sabay baling kay Aliaa na nakangiti lang.
"Mano po tito"sabi naman ni Aliaa. Napatingin naman si Tatay kay Aliaa.
"Siya na ba yung girlfriend na simasabi mo? Maganda siya atsaka magalang pa"sabi naman ni Tatay. Napangiti naman si Aliaa sa sinabi niya. Mabait talaga ang isang 'to kaya naman siya yung nagustuhan ko eh.
"Ikaw talaga Isco, napakabolero mo."sabi ni nanay habang tumatawa.
"Alam ba ng magulang mo na nandito ka?"tanong sa kanya ni Tatay habang inaayos ang suot na sombrero.
"Opo"tipid na untag ni Aliaa kay Tatay.
"Welcome na welcome ka dito kung sa ganun. Kasintahan mo na 'tong anak ko?"biro nanaman ni Tatay. Napailing naman ako habang si Aliaa naman ay halatang nahihiya sa tanong ni Tatay.
"Ah, kaibigan ko po siya Tito"sagot ni Aliaa habang nakaupo.
"Ah akala ko, magiging maganda na ang lahi namin dahil sayo eh "biro ulit ni tatay. Tumawa naman kaming lahat. Si Tatay talaga napakabolero. Lumapit na sa amin sina Francis habang mariing tinitigan si Aliaa.
"Tay naman"suway ko sa kanya.
Tumawa lang si tatay atsaka naglakad na papunta sa likod ng bahay. Pumunta narin doon si nanay.
"Ate? Anong pangalan mo?"tanong ni Ania habang nakaupo sa hita ni Aliaa.
"Aliaa bakit?eh ikaw? Anong pangalan mo?"tanong naman ni Aliaa.
"Wow, ang ganda po ng pangalan mo. Kasing ganda niyo Ate. Ako po si Ania."narinig ko pa ang pag-uusap nila Ania at Aliaa mula dito sa kusina. Natawa naman si Aliaa dahil doon.
Hanggang sa nagtuloy na ang pagkwekwentuhan nila. Agad naman silang nagkasundong dalawa, habang si Francis naman todo kilig sa tabi ni Aliaa. Bumulong kasi kanina sa akin si Francis na gusto niya si Aliaa. Napatawa naman ako dahil ang bata pa niya para magkagusto. Kumain na kami ng hapunan, talong na prinito at saka ampalaya lamang ang ulam namin pero marami ang kain ni Aliaa. Wala siyang arte, nagkamay lang siyang kumain. Masaya ako dahil nagkasundo sila nina Inay at Itay pati narin sina Francis at Ania.
Pasado alas syete na ng nakatapos kami. Tinulungan ni Aliaa si Nanay na maghugas ng plato. Kung iba lang siguro si Aliaa, hindi siya maghuhugas ng plato ganyan kasi ang pagkilala ko sa lahat ng mayayaman. Hindi sila marunong sa mga gawaing bahay. Nakadepende lang lahat sa katulong nila pero ibang-iba si Aliaa. Tumatawa sila habang nagkwekwentuhang dalawa ni nanay. Lumabas naman ako at nakita ko agad si Tatay na nakaupo sa upuan. Tulog na ang dalawa, kaya wala nang maingay ngayong gabi.
"Tay?ano pong ginagawa nyo jan?"tanong ko kay tatay.
"Nagiisip lang ako anak, alam mo bang ang bait ni Aliaa."sabi niya sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Syempre Tay, kaya ko siya gustong-gusto eh"tumawa naman ako habang sinasagot ang tanong niya. Pero biglang sumeryoso ang mukha ni tatay at humarap siya sa akin.
"Anak?pangarap ko lang sa buhay na makita kang makatapos ng pag-aaral. Sana tapusin niyo muna ang pag-aaral niyo ha. Matanda na kami ng nanay mo, pero hanggang sa makakaya ko, papaaralin ko kayo."paliwanag sa akin ni tatay habang inaakbayan ako. Bigla naman akong napaluha sa sinabi niya. Tama naman si tatay, matanda na siya, hindi mo alam kong hanggang saan na lang ang buhay ng tao. Madalas din niyang ipaalala sa akin ang mga bagay na iyan kaya nakatuon lang lagi ang pansin ko sa pag-aaral. Minsan nga, naiisip ko nalang na tumulong sa kanya sa bukid dahil alam kong nahihirapan na siya pero kapag naiisip ko sina Ania at Francis ay natitigilan ako. Paano kung dumating yung araw na bigla nalang mapagod sina Tatay at hindi na makayanan ang pagtatrabaho. Hindi sapat ang kinikita nila sa pangaraw-araw na gastusin sa bahay at paano ang pag-aaral nilang dalawa?
BINABASA MO ANG
The Fight Is Over
أدب المراهقينShe is as soft as the blow of the wind. Cold but felt. She is like the stars in the sky, you can look up to but unreachable. That's how Joseph Andrius described Aliaa Santillan, his longtime love interest. Will their paths ever cross? How will t...