Lee taeyong
Active nowTaeyong: vien
Taeyong: baby ko
Seen
Taeyong: gala tayo
Viena: hu u?
Taeyong: nehhh
Taeyong: tara
Viena: ayoko nga! may klase kaya mamaya
Taeyong: edi tara mag cutting
Viena: amp
Taeyong: tara naa
Taeyong: math yung last period diba?
Taeyong: balita ko may test kayo, and for sure hindi ka nagreview
Taeyong: so tara na
Viena:...
✄┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈┈«
-(HER)-
binulsa ko yung phone ko at papasok na sana sa loob ng room pero biglang may humawak ng kamay ko at hinila ako, at yung humila saakin tumatakbo at syempre tumatakbo nadin ako
bigla syang huminto at tumgning saakin noong nasa likod na kami ng campus
"bakit mo bako hinila?"
naiirita kong tanong, pero tinakpan ni taeyong yung bibig ko at nagtago kami sa likod ng malaking puno, may dumaang guard, ang lapit lapit nya saakin, nakatingin lang ako sakanya habang tinitingnan nya kung nandoon pa yung guard
"tara na"
sabi nya at tinanggal yung kamay nya na nakatakip sa bibig ko kanina, linunok ko yung laway ko noong nakita ko yung bakod...
"first time?"
tanong nya habang nakatingin sakin, tumango nalang ako
"here i'll give you a boost"
sabi nya at nagsquat na harap ko, kinunot ko yung noo ko
"bilisan mo na baka bumalik pa yung guard"
sabi nya, he carried me on his shoulder at dahil hindi namn ganun ka taas yung bakod naka akyat nako at nakababa nadin sa other side, damn kinakabahan talaga ako, what if mahuli kami?
"ugh! tara na"
sabi ni taeyong noong nakababa nadin sya, hinila nya ulit ung kamay ko at tumakbo kami papunta sa bus stop
"saan naman tayo pupunta?"
tanong ko sakanya noong huminto kami sa bus stop, tumigin sya sakin at ngumiti
" bahala na"
sabi nya, dumating na yung bus kaya pumasok na kami, ma isang bakanting upuan kaya pinaupo nako ni taeyong habang tumayo sya sa harap ko, umandar na yung bus
_
"dun tayo!"
sabi ko habang tumatakbo papunta sa isang claw machine na may mga cute na plushy, sinundan naman ako ni taeyong, naghulog ako ng token at ti-nry na kunin yung plushy pero wala, kaya naghulog ulit ako, wala padin,
another one, wala padin
another one, wala ulit
tumingin ako kay taeyong at hindi ko namalayan na naka pout na pala ako
"let me try"
sabi nya at naghulog ng token , dumasog naman ako para makapag laro sya
"ayan na makukuha mo na"
bulong ko, pinindot nya yung red button at guess what? nakula nya. on . his . first . try.
"taena..NAKUHA MO!"
i cheered, he smiled at me, tumingin ako sa paligid at nakatingin sila saamin kaya nagbow ako, inabot ni taeyong yung plushy saakin
"ayan"
"saan na tayo?"
tanong ko sakanya habang inaakap yung plushy, ngumisi si taeyong
"gusto mo ng ice cream?"
tanong nya, tumango naman agad ako at lumabas na kami ng arcade, nasa labas yung bilihan ng ice cream kaya lumabas pa kami,
"Ano gusto mo?"
Tanong nya saakin, tumingin ako sa pagpipilian at tinuro yung isang flavor
"Vanilla"
Tugon ko, tumango sya at sinabi sa kahera yung order namin, binayaran na nya at lumabas na kami
"Wait nga lang"
Sabi ni taeyong at huminto, pinahawak nya saakin yung ice cream nya at hinubad yung necktie nya, natawa nalang ako noong tinali nya ito sa ulo nya na para bang bandana
"Oh ayan tapos pikturan moko"
Sabi nya at kinuha yung ice cream nya, nilabas ko yung cellphone ko and took a picture of him
" Sige aura pa"
Sabi ko at pinalitan nya yung pose nya, hindi ko na realize na tawa na pala ako ng tawa, pinagtinginan kami noong mga dumadaan, but we didn't care..
Aaminin ko,
Nag enjoy ako
BINABASA MO ANG
jailbooth ₊˚ ﹆ • lee taeyong
Acak"tubusin mo ako and i'm yours" :¨·.·¨: '·. WHEREIN the popular guy asked you to get him out of the jailbooth. ↻┊complete ©heeongz