Noong unang panahon, sa isang kaharian na nag ngangalang Waykiki ay may naka tirang hari na si Haring Adonis at ang kanyang asawa na si Reyna Eva. Ang lugar ng Waykiki ay isang masayahin na lugar. Laging may katuwaan sa kanilang lugar. Laging may fiesta. Maganda maki tungo ang mga mamamayan sa nasabing lugar lalo na kapag may dayo. Ginagala nila ito sa kanilang lugar upang maging pamilyar sakanila ang kaharian. Likas sa yaman ang lugar sapagkat ito ay nasa tabi ng isang ilog na papunta sa dagat pasipiko. Siksik ang kanilang kalupaan sa mineral at mga halamang gamot. Mayaman sa kalakalan ang kaharian na ito.
Isang araw, habang masaya ang lahat sa pag diriwang ng kaarawan ng reyna. May isang matanda na lumapit sa mga tao. Humihingi ng sapat na tulong pinansyal para sa namatay nitong anak. Sa sobrang abala ng mga tao ay di nila naasikaso ang matandang babae. Nadismaya ang matanda at nagalit sa lahat ng tao na nasa kaharian. Sinumpa niya ang lugar! Sinumpa niya na mawala sa isip ng mga tao ang pagmamahalan. Makalimutan ng mga tao ang kanilang mga mahal sa buhay. Magka away-away ang lahat ng nilalang sa kaharian maging ang hari at reyna. Tumalab ang sumpa sa lahat maliban sa iaang bata na nag ngangalang Timothy. Sapagkat ang batang ito ay napaka inosente at mabait. Malakas ang kanyang loob. Nakita ni Timothy kung ano ang ginawa ng matanda. Nasaksihan niya ito ng buong buo. "Kailangan kong matanggal ang sumpa na ito." Sabi ni Timothy.
Pumunta si Timothy sa isang kilalang mang gagamot sa kabilang baryo. Sinabi niya ang nangyari at pinaliwanag ang pakay niya sa mang gagamot. "Nasa ilalim sila ng sumpa. Kailangan mong gisingin ang kanilang mga kaluluwa upang bumalik sila sa dati." Sabi ng mang gagamot. "Paano ko naman po gagawin yun? Ako ay di hamak na isang bata lamang." Sabi ni Timothy. "Kailangan mong patunugin ang lumang kampanaryo sa abandunadong simbahan. Patunugin mo ito ng tatlong beses at mawawala ang sumpa sakanila. Ngunit kailangan na gamitan mo ito ng pagmamahal."
Nahirapan sa pag punta si Timothy sa abandunadong simbahan sapagkat ito ay nasa dulo pa ng kaharian at ito ay nasa taas ng isang matarik na bundok. Buong pusong nag sikap si Timothy upang maakyat ang bundok. Nakarating rin siya sa kampanaryo. Nag dasal siya na sana gumaling na ang lahat. At sana maging maayos na ang lahat pati ang namatayan na matandang babae. Narinig ng matandang babae ang dasal ng bata. Dahil doon, naka kawala ang matanda sa ilalim ng isang matinding sumpa. Sumpa ng kanyang namaalam na anak na kahit kailan hindi matututong mag mahal ang kanyang ina. Siya lamang ang tanging mamahalin nito at wala ng iba. Sabay pinatunog ni Timothy ang kampana.
Umaliwalas ang buong paligid maging ang mukha ng matandang babae. Natutong mag mahalan muli ang bawat isa. Pumunta sa kaharian ang matandang babae at nag sabog ng pagmamahal. Ngayon, ang kaharian ng Waykiki ay isang masayang lugar na nag mamahalan.
BINABASA MO ANG
Alamat ng Pag Ibig
FantasyMaraming tao ang nag mamahal, marami rin ang nasasaktan. Pero wag na tayo mag taka dahil kapag nag mahal ka, dapat ay handa ka ring masaktan. Masarap mag mahal lalo na kung mahal ka rin niya. Yung nagkaka intindihan kayo, gusto niya ang mga gusto mo...