When Love has Boundaries: Baliw

1.8K 35 6
                                    

Chapter 3

Francis' POV

 Nakarating na kami sa bahay namin. Pero masakit parin yung paa ko. Sinipa kasi ni Ella. Ano kaya ang pumasok sa unggoy na yun, bigla bigla na lang mananakit... >__<

Naligo, nagbihis at humiga na ako sa kwarto ko. Pagod na kasi ako, nadagdagan pa ng sakit ng paa ko. Patulog na sana ako..

Ng bigla na lang nag ring yung cell ko..

*Ring... Ring*

Hindi ko pinansin kasi baka si Ella na naman to.. Nakakainis kasi yun eh..

*Ring.. Ring... Ring*

Aiiish. Sinagot ko na lang yung phone. 

"Hello?"

Hindi talaga ako nagkamali si Ella nga. -____________-

"Franciissss!" sagot niya. Mukhang tuwang tuwa pa.

"Ang ingay mo! Magkalapit lang ang bahay natin! Ano ba kailangan mo?" sagot ko. Nakakinis kasi hihiga na ako eh, pagod na rin ako tapos tatawag pa. 

"Wala. ^_^" 

"Ibaba ko na." Nakakinis talaga.

"Teka... Sabay tayo bukas ha? Bye! ^_^"

*END CALL*

Ano kaya kailangan nun? Haay. Matulog na nga..

Ella's POV

Haay, Isang araw na natapos. Klase na naman bukas.

Nadatnan ko na mukhang nag-aaway si mommy at daddy sa kwarto..

Politika na naman yata o sa negosyo ang pinag-aawayan nila. Ganyan naman sila palagi eh.

Gusto ko sana pumasok pero feeling ko papagalitan nila ako. Kaya pumunta na lang ako sa kwarto.

Wala naman akong makausap. Si mommy't daddy nag-aaway. Si yaya nagtatrabaho. Haay. Ganito ang feeling pag walang kapatid/kasama. :(

Tawagan ko kaya si Francis? Tsk. Baka galit yon.  :\

Try ko nga.. =_=

Tumawag ako kay Francis.. Gusto ko sana makausap siya, wala naman kasi ako makausap sa bahay. Pero mukhang galit naman siya at naiinis sakin. Kaya nag panggap na lang ako na masaya para kunwari okay lang. 

Natulog na ako. Isang walang kwentang araw na naman ang natapos.

Chapter 4

Ella's POV

Umaga na. Nakaligo na ako. Nakabihis at bababa na para kumain.

Nakita ko si Francis. Naka uniform na. At naghahanda ng pagkain.

"Oy! Ella! " sigaw niya ng nakangiti.

Papansinin ko ba? Tss. Pakatapos niya akong sungitan kagabi? Ayoko nga. Hay. Ella wag mong pansinin. Maiinis ka lang. Pero baka talaga galit siya kasi sinipa ko siya. Tse. Sipa lang naman yun eh. Eh ano?

I have my decision.

"Francis! " ^____________________^ 

Sorry. Di ko siya matiis eh. Siya lang naman kasi kasama ko dito sa bahay. :D 

"Uy! Unggoy ! Kain kana." sabi niya

"Alam mo! Ang aga2 nang-aasar ka! Ang ganda ng mood ko!" sabi ko. Nakakainis talaga siya! Sana hindi ko na lang siya pinansin! >.<

"Kumain ka na nga! Dal dal mo eh! Para kang parrot!" sabi niya sakin sabay abot ng pagkain..

"Ayoko kumain!" sabi ko

"Kung ayaw mo edi wag!"  sagot niya tapos nagsimula na siyang kumain  ......

     tapos   humarap siya ulit sakin ..."Ayaw mo talaga?" sabi niya

"Subuan mo muna ako." sabi ko.

"Tss. Malaki kana at may mga kamay kana man ah... Kumain kana nga." sabi niya

Kasi Nagkasakit ako nung bata pa lang ako. Si Francis ang nagbabantay sakin pag' wala si mommy't daddy.  Palagi niya akong sinusubuan at pinapainom ng gamot at gatas. Eh namiss ko. Wala siyang magagawa. :D

"Ayoko. Hindi ako kakain kapag hindi mo ako susubuan.." sabi ko

"Tsk. *roled eyes* Sige na, sige na.... Oh. Aaah. Ahhh" sabi niya sakin doing the train-train-chu-chu style. (Did you see the picture on your right? Yan ang ginagawa niya. )

"Ang dami naman"  reklamo ko. Ang dami kasi niyang nilagay na kanin. Eh hindi ko naman kaya yun lamunin.

"Kainin mo na kasi. Aaah."

Tumawa siya ng kinain ko. Ewan ko nga bakit. Nakakinis talaga.

"Alam mo para kang unggoy kumain." sabi niya sabay tawa

"Alam mo... ikaw!" sabi ko

"Oh ano? Ha? Hahahaha."

"Bilisan mo na nga diyan! Baka malate naman tayo." Tsk nakakainis kasi siyang mang asar eh. >___< Napansin ko wala sina mommy't daddy kaya tinanong ko yung yaya ko.

"Nasa trabaho na ma'am" sagot ni yaya

"Ah ganun po ba." tinignan ko yung oras "Uyy. Francis! Mag a-ala syete na! Nasan na si Mang Harold?"

"Nasa labas na po." sagot ni yaya

Umalis na kami. Kasi 6:45 na. Eh, mag babyahe pa. 

"Bye. Yaya :)"

Nakasakay na kami sa sasakyan. Malipas ang ilang oras. Nakarating na kami sa school.

Francis' POV

Maaga akong gumising. Naghanda kasi ako ng pagkain para sa'min ni Ella. Simpleng hotdog at itlog lang.

Nakita ko kaagad siya pababa ng hagdan. Kaya tinawag ko siya para kumain.

Akala ko hindi niya ako papansinin.

Sinabihan ko rin siya na kumain kasi hindi pa niya ginagalaw ang pagkain niya.

Nagulat na lang ako na sabihin niyang "subuan mo muna ako" yan kasi ang ginagawa ko sa kanya nung nagkasakit siya nung bata pa siya. Masyado ko yata siyang na spoil. 

Kaya. No choice, baka magalit. Sinubuan ko na. Natawa nga ako eh, kasi ang laki ng pisngi niya parang siopao ang puti pa kasi niya. Marami rami rin ang subo ko. HAHA. Ang cute niya lalo. 

Matapos ang ilang oras ay  pumasok na rin kami.

Hinatid ko siya sa classroom niya. Baka kasi bwesitin na naman siya ng Paul na yun. Naikwento niya sakin si Paul. Pero feeling ko may gusto naman siya doon. xD

Nagsimula na rin ang klase ko. 

When Love has Boundaries [FrancElla]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon