Bakit ganon?
Minsan lang ako humingi nang pang unawa, hindi pa nila ako mapagbigyan?
Sinusunod ko naman sila, ni hindi ko nga sila sinusuway.
Mahirap bang pagbigyan ang hinihiling ko?
Hindi naman di ba?
Gusto ko lang naman ay hayaan nila tayo na mag mahalan.
Oh di ba hindi naman mahirap? Kung tutuosin ay simple lang naman iyon eh.
Pero sadya yatang makasarili sila, ayaw nila akong maging masaya.
"No, Neliza sa ayaw at sa gusto mo ay hihiwalayan mo sya!" galit na sigaw ni Daddy.
"Hindi ko gagawin yan Dad!" balik na sigaw ko habang patuloy na umiiyak.
Kahit na ikagalit pa nila, hinding hindi ko sila susundin. Hindi ko kayang iwan ang lalaking pinakamamahal ko, hindi kita kayang iwan.
Tama na. Buong buhay ko, sila ang sinusunod ko at nasusunod. Tama na ang panahong iyon. Halos buong buhay ko pinipilit kong maging perpektong anak para sa kanila, para maging masaya sila. But not this time, gagawin ko kung ano ang ikakasaya ko. Just this one.
"Yes, you will!" lalong nagbagsakan ang mga luha ko, bakit ba ayaw nila akong sumaya?.
"I hate you Dad! ang sama sama mo-" bago ko pa matapos ang sasabihin ko mabilis na dumapo ang kamay ni Daddy sa pisngi ko.
Di makapaniwalang tumingin ako sa kanya, ngayon lang nya ako nagawang pagbuhatan ng kamay. Hindi ko talaga akalaing magagawa nya ito. Ganun naba sya kagalit? na kahit saktan ako magagawa nya?
'Why Dad?'
Mas lalo lang nila akong binibigyan ng dahilan para hindi sila sundin.
"Mas lalo ko kayong hindi susundin!" sasampalin pa sana ako ni Dad, pero napigilan na sya ni Mommy.
Mabilis akong tumakbo palabas ng bahay, hindi ko pinansin ang pag tawag nila sa akin. Tuloy tuloy lang ako sa pagtakbo habang lumuluha.
Isang lugar lang ang alam kong makapag papalis ng lahat nang hinanakit ko.
Ang lugar kung saan ang 'Mahal' ko, kung nasaan ka.
Paninindigan ko kung ano man ang desisiyon ko, walang sino man ang makakahadlang sa akin. Kahit magulang ko pa.
Alam ko din na hindi ko ito pag sisisihan, at sisiguraduhin ko iyon.
"Mahal, tama na" kita ko ang sakit at lungkot sa mata mo, Robert. Kahit naman siguro sino, ganoon ang mararamdam. Kapag nalaman mong hadlang ang magulang ng babaeng mahal mo sa inyong pagmamahalan.
"mahal, lumayo tayo dito" alam kong kahit nag aalinlangan ka, pumayag ka.
Kahit mahirap na iwan ang mga magulang ko, ginawa ko. Ayokong paghiwalayin nila tayo, hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin.
Naging maayos ang buhay natin, sa ilang araw palang na pagtatanan natin.
"Mahal, hindi kaba nagsisisi?" tanong mo habang nakahiga tayo.
Isang bagay lang ata na ginawa ko, ang hinding hindi ko pagsisisihan.
Ang sumamang lumayo kasama ang lalaking mahal ko, kasama ka.
Naging masaya bawat araw na mag kasama tayo. Bawat araw na dumaraan ay pinupuno natin ng magagandang alaala.
Pero sadyang totoo ang kasabihang
"pagkatapos ng kasiyahan, puro kalungkutan at pasakit ang kasunod"
Nahanap tayo ng mga magulang ko, pinilit nila akong isama. Kahit ayaw ko, wala akong magawa. At katulad ko wala karing magawa, kung hindi hayaan sila.
'wag kang mag-alala hindi ako galit sayo, naiintindihan kong katulad ko wala karing magawa''yan ang paulit ulit na sinasabi ko, kahit hindi mo naririnig.
Ilang araw, ilang araw na akong walang tigil sa pagtangis dahil wala ka sa piling ko.
"Umayos ka, Neliza!" galit na sigaw ni Daddy. Ilang araw na din kasi akong hindi kumakain ng ayos, kakaisip kung kumusta kana. Magsimula kasi noong kinuha nila ako, di na kita nakita pa.
'kumusta ka na kaya?' lagi kong inaalala kung ano ng kalagayan mo.
Miss na miss na kita.
Pero isang araw bumigay ang katawan ko, nawalan ako ng malay.
Pagkagising ko sa Ospital, isang magandang balita ang sumalubong para sa akin.
'Buntis ako'
Ang saya saya ko no'n, sino bang hindi? kung dinadala ko sa sinapupunan ko ang magiging anak natin.
Pero gaya ng inaasahan ko, ako lang ang masaya. Alam ko at ramdam ko, pero wala akong pakialam. Ang mahalaga dinadala ko ang magiging anak natin, magiging isang ina at ama na tayo.
Balak kong sabihin sayo, ang pagdadalang tao ko. Ngunit sadyang ayaw ng magulang ko sa pag-iibigan natin, wala na silang ibang ginawa kundi humadlang. Magkaka-anak na nga tayo eh.
"Hindi mo ipapaalam sa kanya! at ngayon din, ipapadala kita sa States" kahit ayaw ko, wala akong magawa.
Umalis ako ng bansa nang hindi mo man lang nalalaman, dinadala ko ang magiging anak natin.
Pero sa pag alis ko naiwan ang puso ko sayo. Hinding hindi mawawala ang pagmamahal ko. Lalo na may magandang ala ala kang ibinigay sa akin.
Pangako babalik kami, babalikan ka namin. Sana mahintay mo kami.
...
Ilang taon din ang lumipas, napag isipan kong bumalik na. Kaya ko na.
Tama na siguro ang apat na taong pagkakawalay namin sayo. Tama na ang panahong wala ka sa piling namin.
Andito na kami Mahal, sana nahintay mo ko,kami. Sana hanggang ngayon may puwang pa ko sa buhay mo, pero kung sakali. Hindi kita masisisi, ilang taon din yon. Ang tagal na pala.
"Mom, where are we?" pangiti ako, Mahal alam mo bang kamukhang kamukha mo sya. Kakatampo nga dahil wala man nga syang nakuha sakin. Pero ayos lang nanatili syang ala ala mo.
Nandito kami ngayon sa lugar, kung saan tayo laging nag i-stay pag magkasama. Natuwa ako nang makita kong halos wala man lang pinagbago, nagkaroon ng kahit konting pag asa ang puso ko.
Umaasa akong kapag nag punta ako dito, makita na kitang muli.
Tadhana na mismo ang nagdesisyon.
Hindi naman pala ako mabibigo Mahal, dahil andito ka nga. Nakatayo ka malapit sa akin, bakas ang hindi makapaniwalang reaksyon sa mukha mo.
'Totoo to mahal, kami nga ang nakikita mo'
Mahigpit mo kong niyakap, at nang oras na 'yon alam kong hindi pa huli.
Salamat at nahintay mo ko Mahal.
'Mahal na Mahal kita'
'Mom, sino sya?" napansin mo ang batang kasama ko.
Hindi makapaniwalang tinignan mo sya, tsaka mo binaling ang tingin sa akin. Nginitian lang kita, na agad mong nakuha ang ibig kong sabihin.
Ang sarap lang pag masdan na yakap mo ang anak natin. Makikita sa mata mo, ang pagmamahal at pangungulila para sa amin.
'Sorry mahal, ngayon lang kami'
Kahit pala matagal akong nawala, naghintay ka parin. Kahit walang kasiguraduhan.
Salamat Mahal ko. Tunay nga basta mahal mo ang isang tao makakaya mong maghintay kahit walang kasiguraduhan.
Thank you for your love.
I hope we stay together 'til the end.
Sana naman wala ng hadlang sa pagkakataong ito.