Chapter 42
MIA
Ilang minuto pa nang makarinig ako ng pagbukas ng kwarto. Hindi na ako lumingon pa dahil dalawa lang naman kami ni Ash dito. Tulog naman si Lara. Tahimik kong pinunasan ang mga luha ko at nagpanggap na tulog.
I can hear his footsteps coming towards my bed. "Mia..."
I didn't answer. Narinig ko ang paghinga niya ng malalim saka umupo sa bakanteng espasyo sa tabi ko. "I know you're still awake, let's talk." He calmly said.
Hindi pa rin ako umimik. Wala akong gustong sabihin. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman pero mas nangingibabaw ang inis. Hindi ko gustong magsalita dahil baka humaba ang away namin, mukhang wala naman siyang balak na suyuin man lang ako.
"I know, and I understand that you're mad. But can we at least talk?" He asked again. Sinubukan din niyang hawakan ako sa balikat para iharap sa kanya pero agad kong tinapik ang kamay nito.
"Mia please, hindi ako sanay na ganito tayo." He begged.
'Sinong sanay? Mukha ba akong sanay?' I wanted to ask but I stayed silent.
"Love...sorry. Please, kausapin mo ako." He sighed. "Nagrerecover pa kasi si Zyrene kaya hindi ko pa nasabi. Hindi ko naman gusto na ako 'yung maging dahilan kung bakit siya masasaktan ngayon. We already talked about this, right? Sasabihin ko rin sa kanya ang tungkol----"
"Bakit feeling ko, ako 'yung dapat magtago?" I cut him. Nanatili akong nakatalikod rito. "May kasalanan ba ako, Ash? May bawal ba akong ginawa? Bawal ba na minahal kita? Did I commit a crime because I gave my whole life to you?" I asked, with my voice cracking.
"Mia..."
"Yeah, she needs you. There's a missing closure between you pero kabilang na din ako diyan. Nadamay ako diyan. Hindi ko alam na may Zyrene ka noon. Hindi mo naman sinabi. I can't explain what I really feel but can you imagine me, going back to Chester while I'm with you?" Tanong ko ulit rito.
Matagal bago ito sumagot, "No."
Doon ako humarap sa kanya. I sat on the bed at held his hand. "I'm selfish. Pero dahil may tiwala ako, pinagbigyan kita. Pero Ash, ako 'yung girlfriend mo ngayon. Ako 'yung mahal mo ngayon. Kailangan ko pa bang ipaalala 'yan? I'm your present and Zyrene belongs to your past."
He just looked at me.
"Can you just tell her that you've moved on and you already have me? Can you tell her you need to go home on time 'cause I'm waiting? Can you just keep your smile only for me? Your stares, your voice, your embrace...can you set it aside for me? Pwede bang ako lang, Ash?" I can feel my tears on the corner of my eyes.
I gulped. "Please, tell her my existence. Tell her I'm Mia. Tell her we're having a happy relationship until she woke up. Tell her that you belong to me. Tell her that you are mine and tell her I'm selfish." I wiped my tears.
"Pakisabi sa kanya na galit ako sa kanya...Ash, pakisabi na madamot akong tao. Pakisabi na mahal kita. Mahal na mahal kita."
Agad niya akong hinila para yakapin. Doon ako humagulgol at yumakap pabalik.
"Pakisabi na nasasaktan ako tuwing nagmamadali kang puntahan siya nang hindi man lang tinitignan ang niluto kong breakfast. Na hinihintay kita sa bawat gabi na late kang umuuwi. Sabihin mo rin na hinihintay kita ng lunch sa office. Pakisabi na hindi ako masaya."
"Shhh...I'm sorry. I'm sorry..." Hinagod niya ang likod ko at hinalikan ang buhok ko.
"Nasasaktan ako...hindi ako makakalma dahil sa kanya. I'm Mia and things won't easily bother me but insecurities starting to kill my confidence. Natatakot ako na isang gabi, uuwi ka na lang dito at sasabihin mong siya na ulit ang mahal mo. Hindi ko 'yun kakayanin..."
BINABASA MO ANG
Mesmerized with Desire(#7)
Ficción GeneralDesire Series #7 Jamia Arabelle William's and Ace Stefan Herminihildo Estrella's story. "Sa bawat tao na nagsabi na iiwan mo ako, iniisip ko na may tiwala akong ibinigay sa'yo. I don't wanna conclude things that's not came directly from your mouth."...