Once upon a time.. there's a PANYO in my life^^___^^

170 3 1
                                    

12 in x 15 in ang sukat.

Kulay pula at puti na strriped design.

Malambot at masarap hawakan.

Masarap amoy amoyin.

Laging hinahalikan.

(wag po tayong GREEN. Dahil nahahawa si Author!! Bwahahahaha!)

Iyan ang aking panyo.

Ang pinakapaborito ko sa lahat ng panyo ko.

Bakit?

Bigay lang naman kasi ito sa akin ng aking pinakamamahal na boyfriend. Hohoho!! ^o^

Lagi ko yang dinadala sa school.

Tinatanong pa nga ako minsan ng mga classmate ko kung nilalabhan ko pa ba daw iyong panyo. Syempre naman noh! Hindi ko nga ito pinahahawakan sa maid namen. Laging ako ang naglalaba nito, with TLC. Tender Love and Care. Hihihi!! >///<

Sa panyong ito nagsimula ang LOVE STORY namin.

Ako si Pamela. Pammy na lang para mas maikli..Hehehe!! and here goes my story..

Once upon a time, there's a PANYO in my life.

-----introduction

"Huhuhu!!! Wahhhh...!!" TTT_____TTT

Umiiyak ako ngayon sa garden ng school namin. Medyo tago naman ito kaya wala naman sigurong makakakita sa akin. Kasi naman.. Yung pet ko namatay. Alam ko malimit sa mga story idinadahilan nila na namatay iyong pet nila kapag nakita sila na naiyak, kaysa sabihin ang totoo na nakipagbreak bf / gf nya or whatsoever. Pero ang akin ay tunay!!

"Wahhhh!!! Ajujujuju!!" TT____TT Namatay kasi si Nemo, iyong pet ko na clownfish. E bigay pa iyon sa akin ni Papa. Tapos namatay sya dahil sa fish kill.. Feel ko kasi malungkot sya kasi nag iisa lang siya sa aquarium namen so dinagdagan ko nang kasama. Kaso napasobra ata, nakulangan ng oxygen! ayun! Daing na siya ngayon. Este dying pala!

"Uwahhhh!!"

"Miss, I think you need this."

Kahit medyo blurred ang paningin ko, I saw a red and white stripped handkerchief in front of me. I looked up. Then my jaw dropped upon seeing the person giving me this. Nganga! Ang wafu!! Teka, di ba sya si... si YAM!! Omo!!! Kyaaaaa!!! >////<

The person standing in front of me is CHRIS WILLIAM MERCADO or Yam for short. Siya ang nanalo sa Mr. Intrams namin. Kamukha nya talaga si TOP ng bigbang. Para siyang Korean! *___* Uwahhh!! Bakit nasa harap ko ang angel na ito.

"Miss?"

"Ah e, thank you." Kinuha ko naman ang panyo. Uwahhh... ang bangoooo!! Parang sya..Teka, di ba dapat nagsesenti ako? Landi alert.

"Are you okay?"

"Yeah. Thank you uli."

"Ngayon lang ako nakakita ng babaeng umiiyak.." sabi niya.

Ngayon lang daw? Eh ang dami kayang nagkandarapa sa kanya sa school. Ang dami mo na kaya napaiyak tsong! Di ba niya iyon alam?

Kaso nagulat ako sa dinugtong niya.

"... na kasing ganda mo."

Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!! Omo!!! >//////<

"Im Chris William Mercado, you are?"

"Pamela.. ah.. Pammy na lang."

At simula ng magkakilala kami ni Yam, o Yam na daw itawag ko sa kanya, naging sobrang close naming. Dumating sa point na niligawan niya ako at syempre.. Pagkahabahaba man ng prusisyon, saan ba ang tuloy? E di sa puso nya! Kyaaa!! Ang Chessy!!

Once upon a time.. there's a PANYO in my life^^___^^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon