8

1.1K 29 0
                                    

Sehun's POV

"Jusko naman Sese, tinakot mo ko. Kala ko kung sino." sabi ni Hae Min. Naglakad ito papasok sa kwarto niya na parang di manlang inintindi ang reaksyon ng mukha ko.

Sinundan ko siya sa loob ng kwarto.

"Oyy di mo ba ko narinig? San ka ba galing hah? Kanina pa nagsara shop mo diba? Sabi ng tauhan mo may nagsundo raw sayo. Si Kai ba?" tanong ko dito habang nakasunod sa likod niya.

"Bakit ba ang dami mong tanong? Kelan pa kita naging tatay?" pabalang na sagot niya. Inis na tinanggal nito ang suot na blouse, revealing a black laced bra.

Wala naman na sakin kahit makita si Hae Min wearing only her undies. I've seen her naked more than I can remember. Sa ilang beses ko na ito nabihisan tuwing lasing, nasanay na ang mga mata ko. Aaminin ko, I have pervert thoughts too. Di naman ako santo para hindi sumagi sa isip ko ang pagnanasa.

But I know better than to take advantage of her. I learned to have self control and I don't want to break the trust she has given me for three years.

"Bakit di mo masagot? Ang dami ko ng missed calls sayo, di mo ba nakita?" sumandal ako sa gilid ng closet niya habang pinagmamasdan ito magtanggal ng suot na leggings, leaving only her undergarments on. She grabbed a towel, covered herself up and faced me.

"I had a coffee date with Kai. Ayan, ok ka na ba?" inis na sagot nito at padabog na sinara ang pinto ng closet niya.

"Sabi ko na nga ba eh. Kaya pala hiningi address ng shop mo. Eh bakit hindi ka sumasagot sa tawag ko kung nagcoffee lang naman kayo? Was it hard to answer your f*cking phone?!" tiim bagang ko na tanong sabay hila sa braso nito.

She pulled away from my grip and gave me a deadly stare.

"Ano ba problema mo? Nagseselos ka ba?!"

Napahinto ako at di nakagalaw sa tanong niya. Oo nga, ano ba tong mga tanong ko? Nagseselos nga ba ako?

"It's just a date. Nothing to be alarmed of. Di ko naman ilalayo sayo si Kai. Tsk." huling sabi nito sabay diretsong pumasok sa bathroom at sinara ang pinto.

Huh?

What did she just say???

Sumunod ako dito ngunit nakalock na ang pinto.

"Hae Min! Anong sabi mo?! Buksan mo 'to!" kalampag ko sa pintuan.

"Wala kong sinabi! At pwede ba?! Can I have my private space?! Umuwi ka na!" sigaw nito sa loob.

"Ok fine! Bahala ka sa buhay mo! Wag kang tatakbo sakin na umiiyak kapag di nagwork out yang pakikipag-landian mo kay Kai hah!" pagbabanta ko sa kanya bago tumalikod at umuwing talunan.

Hae Min's POV

Nakakaloka!

Naudlot tuloy yung pag-poopoo ko kakasigaw ng baklang yun!

At dahil hindi narin natuloy ang transaction ko with Mr toilet bowl, nagshower na lang ako at nagbihis ng pajamas.

"Grabe naman galit nun sakin! Di nalang maging masaya para samin ni Kai. And hello? Hindi nga niya maaming bakla siya tas babakuran niya si Kai na kala mo pagmamay-ari niya ito?! Jusko, nakakaloka naman siya magselos!" nasambit ko sa sarili habang nagbibihis.

Hindi ko tuloy nasabi sa kanya na pupunta ako sa Inkigayo bukas.

(...next day; SBS Open Hall; Inkigayo)

Hindi na ako nasundo ni Kai as promised dahil sobrang aga daw sila pinapunta dito sa SBS Open Hall. May rehearsal pa kasi sila before the show at ayaw naman niya ako paghintayin ng matagal.

EXO Files #2: Sehun <Mistaken Identity>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon