Chapter 8

92 0 0
                                    

(Author's Note: Matagal ko nang nasulat 'tong part na 'to kaso hindi ko matapos-tapos. Uninspired daw kasi. Joke. So ito na. Enjoy!)

Althea’s POV ~

Nandito ako sa bahay at nakahilata. Hahaha. Ganito talaga kapag tag-tamad. Oh well.

“Teka, asan na ba yung cellphone ko?” Bigla kong nasambit. Grabe! Ang careless ko talaga. Palibhasa wala akong pakiealm sa cellphone eh. Ganito pag-single, sorry kayo.

Hinanap ko yung cellphone ko sa kung saan-saan dito sa loob ng kwarto ko at ngayon ko lang napagtanto na sobrang kalat pala talaga ng kwarto ko. Nakakatakot! Baka mamaya may ahas na dito.

Napatigil ako sa paghahanap sa cellphone ko nang mayroon akong narinig na nagdoorbell sa baba.

“Hmmm… Sino kaya yun? Sa pagkakaalam ko, wala naman akong ine-expect na bisita ngayon. Hayst. Makababa na nga… Pero teka, cellphone ko? Ahhhh. Di bale nalang. Mamaya ko nalang hahanapin.”

Bumaba na ako ng kwarto ko at laking gulat ko sa nakita ko sa sala namin…

Si Sabrina…

Umiiyak…

Anong nangyari?

Magkamatayan na! Sinong nagpaiyak sa bestfriend ko?

Nilapitan ko siya…

“Sab… Anong nangyari?” Tanong ko sakanya habang hinihimas ko ang likuran niya.

“I broke up with him.”

“Ah yun lang –“

Wait… Ano daw? Tama ba yung narinig ko? Hindi kaya nagkakamali lang ako nang pagkakarinig? She broke up with Prince? She broke up with her boyfriend?

“Teka, Sab! Tama ba yung narinig ko? You broke up with Prince?”

“Yeah, I did.” Maikli niyang sagot habang patuloy parin siya sa pag-iyak.

Ahhh. So tama nga yung pagkakarinig ko. But why? What the fuck happened?

“Sab… Tara, sa kwarto. Pag-usapan natin.”

Umakyat na kami sa kwarto ko at nagsimula na siyang magkuwento…

“So ayun na nga. After what I did to them, umalis na ako’t pumunta dito sa inyo.” Pagtatapos niya ng kwento.

“Eh tanga naman pala yang si Prince eh.” Yun nalang ang nasabi ko pagkatapos niyang magkwento. Never akong nag-interrupt habang nagkukwento siya. I was listening the whole time at yan lang ang reaction ko pagkatapos ng lahat ng kinuwento niya.

“Takte naman, Althea Dela Cruz oh! Yan lang reaction mo? Ang haba-haba ng sinabi ko.”

“Teka, tapos na ba ako? Wag atat, Sabrina Gonzales.” Oo, ganito kami. Kahit nagda-drama na’t lahat-lahat, hindi parin mawawala ang awayan at asaran namin.

“Okay, let’s start. Positive muna tayo…”

“ANONG POSITIVE ANG SINASABI MO, ALTHEA? WALANG POSITIVE SA NANGYARI!” Sinigawan ako. Leche, tapos na ba ako?

“YANG ANG PROBLEMA SAYO EH. MASYADO KANG NAGMAMADALI. ANONG NAPALA MO? WALA DIBA? LAHAT NAMAN KASI NG NAGMAMADALI, NAGKAKAMALI. MATUTO KA KASING MAGHINTAY. HINDI YUNG SIGE KA NALANG NG SIGE!!”

“Sorry…”

“ANO, PWEDE NA BA AKONG MAGPATULOY?” Tanong ko sakanya at dalawang tango lang ang nakuha kong sagot.

Will the chickboy ever learn his lesson?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon