•Chapter Thirteen•

145 8 0
                                    

>>Finn:
Wag mo na'ko sunduin ngayon, tuloy na raw yung panlilibre ko 😭 Haha jk lang yung emoji. Kain ng mabuti! 😊<<

Hindi alam ni Spencer kung bakit, pero na disappoint siya nung mabasa ang text nito. Pero agad naman niyang pinalis ang nararamdaman.

(What's wrong with you?! Limang araw palang kayong magkasama sa bahay, ganyan kana ka attach?! Geez! So gay.)

He replied: Ok. Enjoy.

(I guess I'm not going home early today.) He sighed.

×××
Underground
×××

"Boss.." nagsitayuan ang lahat ng nasa loob ng conference room pagkapasok niya.

"Napabisita kayo?" Tanong ni Aaro na agad namang sinundan ng pagbatok sa kanya ni Jon.

"Hindi ba pwedeng bumisita si Boss dito? Tanga ka talaga!"

"Sorry naman. Hehe. Halika boss, upo ka." Masiglang bati nito at ipinaghila ng upuan si Spencer.

"Sipsip talaga kahit kailan." Bulong ni Jon.

"Ano'ng pinag uusapan niyo?" Tanong nya ng maka upo.

"Pinag uusapan lang namin ang nalalapit na pagsugod sa blue dragon. Ang cool diba?" -Aaro

"Nahanap niyo na kung asan sila nagtatago?" He looked at Klay. Bakit hindi niya nalaman ang ganito ka importanteng impormasyon? Malaki ang utang sa kanya ng mga kaaway niya at gusto nyang siya ang haharap mismo sa mga ito.

"Ayaw ka naming istorbohin Boss." Alinlangang wika ni Klay.

"Istorbohin?" He asked puzzled.

"Oo syempre kasal kana pala Boss. Gugustuhin mong makasama muna si Madam pag---" pinandilatan siya ng lahat kaya siya natgil kakadaldal at hindi na rin maipinta ang mukha ni Spencer. Alam na nila? He looked at Jon. Ito ang Head Intel nila kaya ito lang ang nakikita niyang salarin.

Mukhang hindi nga niya maitatago at mailalayo si Finn sa mundong ito kaya kailangan niya nalang doblehin ang proteksyon rito bago pa ito magamit laban sa kanya. Sooner or later lalabas ang katotohanan kaya dapat handa siya bago mangyari ang kinakatakutan nya.

(Wait. I'm afraid? Since when did I get afraid? Dahil lang sa involve siya matatakot ako? Naah~ sino ba siya sa'k---ugh. You care for her Spence. Kaya mo nga siya pinakasalan diba? Kaya nga ginawa mo lahat pumayag lang siya eh. Tsk. )

"Boss? You're spacing out! Bago yun!" Sigaw ni Aaro na nagpabalik sa kanya sa huwisyo.

"Since you already knew her, protektahan niyo siya kagaya ng pag protekta niyo sa'ken."

"Oo naman Boss! Kahit di mo pa kami utusan. Hahaha! Kami pa." Pagmamayabang ni Aaro. Ito kasi ang pinaka bata sa kanila kaya sanay na sila sa napaka hyper nitong pag uugali.

"Autistic talaga." Si Jon ulit.

"Now, tell me what's your plan." Balik niya sa topic at ikwinento naman ng mga ito ang balak ng may magtext sa kanya.

CONTRACTUAL MARRIAGE (Savage marriage)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon