Ba't nga ba nakakaakit kang talaga ?
Lalo na't kapag ika'y nag-gigitara
Puso ko ay lubos na napapasaya
Sa mga awiting tipong pangharana.
Ano bang meron ka na wala sa iba ?
Nabulag na ata, aking mga mata
Lalo na't tuwing ika't nakakasama
Di mapaliwanag sayang nadarama
Munti kong puso'y natuto nang magmahal
Pangahas na tulad mo'y napakahangal
Napabayaan tuloy ang pag-aaral
Nakatikim tuloy ako ng pangaral.
Marami namang iba bakit ikaw pa?
Para akong nabihag ng iyong gayuma
Mga ngiti mong sakin pinapatama
Ako'y talagang nababaliw ng kusa.