StarrIza Facts ♥

153 7 18
                                    

Salamat sa tag mo, kaibigan. HAHA >:D

20 FACTS ABOUT ME:

1. Tahimik. Yes, tahimik ako...sa di kaclose. Pero pag naging close na tayo, i-handa mo na yang tenga mo sa walang katapusang ratatat ng bibig ko!

2. Malakas ako mambara, well, once in a blue moon lang naman. At pag nambara ako, mapapaboompanes ka talaga! Haha

3. Favorite song ko, marami. Favorite singer, si Demi Lovato. Halos lahat ng kanta niya, paborito ko. I'm a Lovatic, forever.

4. Favorite color ang pink, pero minsan, green ako. >:D 'Ya know, green is clean. Boom!

5. Mahilig ako sa aso. FACT NA FACT. Kulang nalang pati pagkain ko, dog food na, de joke. Kinikiss ko nga sila eh, sa ilong lang naman. Haha

6. Mahilig akong mag diet. I mean, I see food, and I eat it. :D Kuhain mo na lahat, wag lang ag pagkain ko kung gusto mo pang mabuhay sa mundong ibabaw!

7. Super duper crush ko si Justin Bieber, mamatay kumontra! -_- Wala eh, nakakainlove yung boses niya. At syempre, gwapo. >:D

8. Takot ako sa pusa, promise. Pakiramdam ko pag tinitignan ko sila sa mata, parang hindi sila pusa. Feeling ko mag eevolve sila sa aswang pag lumubog na ang araw. Never akong nagkaroon ng alagang pusa, ever. Weird ko no? Yun siguro napapala ko sa panonood ng mga korning horror tungkol sa mga engkanto at aswang. :3

9. Ayoko sa palaka. Makakita lang ako ng palaka, tumatayo na lahat ng balahibo ko sa katawan. AS IN.

10. Malakas akong tumawa. HAHAHAHA. Yung tipong sasabihin ng kasama ko sa mga nakakakita na "Di ko po siya kilala" Ang sarap lang tubuhin. -_-

11. Gusto ko yung mahaba yung buhok. Pero ewan ko ba sa sarili ko at lagi akong nagpapagupit ng shoulder length. Ang labo.

12. Bihira akong magkacrush, seriously. Anim palang ang naging crush ko mula pagkabata, just so you know.

13.Wala pa akong nagiging close friend na lalaki, promise. Siguro nakakausap lang, pero hanggang dun lang. Ewan, di ko feel magkaroon ng boy bestfriend, kahit tropa manlang. HINDI AKO MANHATER, UTANG NA LABAS. -_-

14. Dalagang Pilipina ako. :) Makasinauna ata ang pananaw ko eh. Founder ako ng Samahan ng mga NBSB. Haha. Study first ako. Grade Conscious. Wala akong panahon sa usapang pag ibig. Mabuti nalang sana kung ikayayaman ko ang pagboboyfriend, ano? (Mukha akong bitter PWE)

15. Hindi ako marunong magluto, takot ako sa mantika. Shete, ano pa't kinuha ko ang HRM? XD

16. Kung gano ako kagaling sa English, ganon ako kahina sa Math. Ewan ko ba, I love numbers naman but Math hates me. How cruel is that? T_T Lol

17. Tuwing exams, gumagawa ako ng reviewer sa yellow paper na may tupi sa gitna. Less hassle ang pagrereview kesa magbasa ka gamit ang libro habang naglalakad. Yung nga lang, hindi ko parin maiwasang madapa o matalisod sa hagdan habang naglalakad. Mapapamura ka nalang eh.

18. NEVER AKONG NA-LATE SA KLASE. Oo, achievement ko na yon sa buhay! NEVER AS IN NEVER. Mula pre-school hanggang ngayong college. TAGA MO SA BATO.

19. May stage fright ako. Promise. Takot ako sa maraming tao. Kumakanta naman ako sa videoke sa mga mall nung bata ako eh, ewan ko lang kung bakit nag iba na. Oo nga pala, kumakanta ako. Haha. Makapal ang mukha ko nung bata ako. Ewan ko kung anong facial cream ang ginamit ko kaya numipis yung mukha ko. K. -_-

20. Lastly, down to Earth ako. :) Sa sobrang down to Earth, sobrang down na din ng height ko. Charot lang haha matangkad ako guys! Maganda din ako! -sa mata ng Nanay ko >:D HAHAHAHA

Sorry nakakabangag mag isip ng 20 FACTS about me. Actually, lumagpas pa nga eh, pero 20 lang ang kailangan. HAHA

All About IZA♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon