Hikariel Deus
NAGISING ako sa matinding pagkirot ng sintido ko. Parang binugbog ang bungo ko. Dahil sa marahas na pagtibok ng ulo ko ay sinapo ko ito, nagbabaka-sakaling humupa ang sakit. Unti-unti kong minulat ang mata ko at natagpuan ko ang aking sarili, sa kwarto ko?
Pabalikwas akong bumangon mula sa pagkakahiga at ganon na lang ang pag-ungol ko nang mas lalong tumindi ang kirot nang ulo ko. Tangna! Sarap iuntog nitong ulo ko.
Inalala ko ang nangyari kagabi. Nagkaroon kami ng family dinner, tapos binigyan kami ng oras ng parents namin para kilalananin ang isa't-isa. Tapos...
"Fuck!" Wala sa sariling bulalas ko. Mas lalong umigting ang pananakit ng bungo ko ng maalala ko ang nangyari kagabi. Wala sa sariling napasabunot ako ng buhok. Nagpadala ako sa asar at bugso ng damdamin, at pumayag sa laro na pinasimunuan ng babaeng manyak na 'yon. I got drunk, for Pete's sake.
Sinubukan kong alalahanin kung ano ang nangyari kagabi simula ng mag-inuman kami ni Oxygen. At gayon na lang ang pagmumura ko ng wala ni kahit kapiranggot na ala-ala ang pumasok sa isip ko. Tangna talaga. I don't remember anything! Goddamnit!
This is why I hate getting drunk. Di ko maalala ang mga pinagagawa ko the whole duration na lasing ako. Di ko maalala ang mga salitang binitiwan ko.
And we are suppose to be at Veranda that night. Bakit nandito na ako sa kwarto ko? May nagdala ba sa akin dito? Shit! Ang hirap talaga pag wala kang maalala.
Sapo-sapo ko ang ulo ko at papatayo na sana ng mapatingin ako sa katawan ko. Gayon na lang ang pagtakas ng dugo sa pisngi ko nang makitang, wala akong damit pang-taas. Slacks at necktie lang ang nanatiling kasuotan sa aking katawan. Wala sa sariling nilamukos ko ang mukha ko. Shit! Anong ginawa ko kagabi? Bakit ako nakatopless at naka necktie lang? Asan ang tux ko? Fuck! Baka kung anong kahalayan ang ginagawa ko kagabi. Di ko maiwasang kabahan. Sana wala. I freaking hope na wala akong ginawang kabulastugan kagabi. At kung mayroon man, sana di ganon kasidhi.
"Hmmn." Natigilan ako nang may marinig akong ungot. What the eff is that?
Mas lalo akong napako sa kinalalagyan ko ng maramdaman kong may kung anong gumagalaw sa kama ko.
"Hmmmn. Nasan ako?"
Gayon na lang ang pagtambol ng dibdib ko sa kaba nang pumihit ako ng tingin patalikod at bumungad sa akin ang pagmumukha ni, Oxygen?!
"F*ck!" Dahil sa sobrang pagkabigla ay awtomatikong napapiksi ako paatras na siyang dahilan upang lumagapak ang pang-upo ko sa sahig. Nanlalaki ang matang nakatitig ako kay Oxygen na marahang kinukusot-kusot ang mapupungay na mata.
"WHAT THE HELL ARE DOING HERE?!" Halos manakit ang lalamunan ko sa lakas ng boses ko. The fuck? Anong ginawa ng babaeng iyan dito sa kwarto ko?
Agad naman siyang napapitlag ng marinig ang sigaw ko. Iginala nito ang paningin niya hanggang sa madapo ito sa akin. Buong akala ko ay lalatay ang pagkabigla o gulat sa kanyang mata ng makita ako pero hindi ito ang kinalabasan, sapagkat nangunot lang ang noo niya.
" 'Wag ka ngang sumigaw, Moo. Ang aga-aga." Aniya saka nag-unat at humikab. Tinitigan ko siya ng di makapaniwala. Tangna. Balewala lang sa kanya ang sitwasyon!? We slept in the same bed, drunk and out of control. Didn't she have any hunch of what possibly happened? Nagiging mahalay ako pag nakakainom ako, at kinakabaan ako na baka may ginawa kaming, mahalay rin.
"Anong 'wag sumigaw?! Can't you see?! We slept in the same bed!" Hindi makapaniwalang saad ko sa kanya. Talagang wala siyang pakialam sa nangyayari.
"Oh, eh ano naman? Ikakasal rin naman tayo?" Sambit niya na mas lalong nagpatigagal sa akin. She don't give a damn about this. Sa aming dalawa, ako ang nagmumukhang babae. Tangna!
"Saka teka, ano yang attire mo? Bat ka topless?" Maang na tanong niya. Napahilamos ako out of frustration. Ewan ko kung talagang wala siyang pake o napapatay-malisya lang.
"Hindi ko alam! Wala akong matandaan kagabi. Ang huli kong naalala ay pinilit mo akong laruin ang letshe mong card game." Namumula ako sa inis at asar. Napamaang siya ng titig sa akin. Nang magsasalita na sana siya ay bigla siyang napasapo sa ulo niya.
"Ouch. My head hurts." Aniya sabay ngiwi.
"Kasalanan to ng laro mong tunggaan ng alak." Asik ko sa kanya.
"And as you can see, Im topless, hindi ko alam kung bakit pero I have this stupid feeling na may ginawa akong di maganda." I hissed at her. Kahit sapo-sapo ang ulo ay tinapunan niya ako ng tingin.
"Like what?" Nangunot ang noo niyang tanong sa akin.
"The hell I know?! Wala nga akong matandaan, diba?" Inis kong asik sa kanya.
"Plus the fact that you're a perv, pakiramdam ko may nangyari talaga eh." Halos mamutla ako sa iniisip ko. No way! I'm a decent person. Kung gagawin ko man 'iyon', gusto ko nasa tamang katinuan ako.
Nang mapagtanto niya kung ano ang nais kong iparating ay nanlaki ang mata niya. Ngunit sandali lang ito dahil sinamaan niya ako ng tingin.
"Ang utak mo Hikariel Deus Buenaventura." Simangot niyang talak sa akin saka binato ako ng unan. Di ko ito nasalag kaya napangiwi ako ng tamaan ako nito sa mukha.
"I admit that I'm a perv. Pero 'di ako ganyang klaseng babae. Didn't I told you, hanggang hipo lang ako." Busangot na untag niya sa akin. Tinitigan ko siya ng matalim.
"How can you say? May naalala ka ba sa nangyari kagabi?" Tanong ko sa kanya. Bahagya itong natuliro sa kawalan.
"Wala." Flat ang tono ng boses niya. Iypng tonong walang pake.
"See? Wala kang maalala." Napatiim-bagang ko kasi pakiramdam ko sasabog na ako sa frustration.
"Sige, ipaglaban mo yan, Moo. May mapapala ka." Pabalang na saad nito sa akin.
"Argh! Wala na akong pakialam kung anong nangyari kagabi. At kung may nangyari man, I care less kasi ikakasal na rin naman tayo." Bakas sa boses ko ang frustration. She made a face.
"Tss. Childish." Inis kong bulong saka tumayo. Nagtungo ako sa restroom para ayusin ang sarili ko. Tumitibok-tibok pa rin ang sintido ko pero di na ganon kasakit. Mabuti na lang at sabado ngayon, walang pasok.
"Moo, bilisan mo. Ako sunod." Rinig kong sigaw ni Oxygen sa labas. Kung makademand, di pa nga kami kasal.
"Tss. Wag kang feel at home. Umuwi ka sa inyo." Ganting sigaw ko pabalik sa kanya. Nagsimula na akong maghubad.
"Teka..." pinakiramdaman ko ang sarili ko. Kalaunay napahawak ako sa puson ko. Napatingin ako sa pagkalalaki ko and I noticed that I have a massive hard on.
"Ba't nag-iinit ang puson ko?"
BINABASA MO ANG
Quiet Serenade Amongst Wildflowers
RomanceHikariel Deus Buenaventura hates socializing. He never bothers himself doing things that doesn't render him a benefit. Socializing to him is just a pain in ass. He prefer to be alone and read books or be with his bestfriends just to ignore them late...