Twelve

2.1K 52 6
                                    

Hikariel

HINDI ako mapakali sa kinalalagyan ko. Kanina pa ako pakadto-pabalik ng lakad habang pilit na pinapakalma ang sarili ko.

"Dre, huminahon ka nga. Para kang sinisilihan sa puwet." Untag ni Ezrael na prenteng nakaupo sa couch. Kasalukuyan kaming nasa pad ni Ezrael sa pinakaibabaw ng hotel na pagmamay-ari ng pamilya niya.

"Tangna dre, kinakabahan ako." Halos manginig ang boses ko. Tumayo siya saka ako nilapitan.

"Alam mo dre, natural lang kabahan. Ako nga kinabahan din nung nagpatuli eh." Aniya sabay akbay. Naningkit ang aking mata at pakiramdam ko biglang napalis ang kaba ko sa katawan. Tangnang lalaki 'to. Kung ano-ano ang lumalabas sa bibig. Dahil bigla akong naasar sa sinabi niya ay siniko ko ang sikmura niya. Napaatras naman ito at napangiwi, sapo-sapo ang tiyan niya.

"Anong akala mo sa akin? Magpapatuli? Gago!" Nag-iinit ang pisngi ko sa sobrang asar ko sa kanya. Napabulanghit siya ng tawa.

"Hahaha! Oh diba, nawala ang kaba mo sa katawan." Tawang-tawa ang tukmol. Napabuntong-hininga ako.

"Salamat ha! Isa ka talagang matalik na kaibigan." Sarkastikong saad ko sa kanya.

"Si Martius?" Pag-iiba ko ng usapan. Maang lang akong tinitigan ni Ezrael.

"Aba, malay ko. Baka wala 'yong balak dumalo ng kasal mo." Anito saka upo uli sa couch. Agad na nanumbalik ang pagtambol ng puso ko sa kaba ng marinig ko ang salitang iyon. Tangna. Di ako makapaniwala. Ang bilis ng takbo ng araw, ngayong araw na ang kasal ko. Shit!

"Oh, namutla ka nanaman. Ano ba kasing kinakatakot mo? Ikakasal ka lang naman." Sambit ni Ezrael na siyang nagpabalik ng diwa ko.

"Tangna dre. 'Wag mong i-'lang' ang kasal." Mahina ngunit mariin kong sambit sa kanya.

"Bakit? Seremonya lang naman 'yon ah?" Maang na saad niya.

"Ul*l! Seremonyang panghabang-buhay iyon." Asik ko sa kanya. Tumaas ang isang sulok ng kilay niya.

"Ano ba kasing ikinakabahala mo? Ang matali panghabang-buhay? O ang matali kay Oxygen?" Natigilan ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung ano nga ba ang nagpapabalisa sa akin. Sa loob ng isang linggo ay mas lalo kong nakilala si Oxygen. At sa loob ng isang linggong iyon, ni isang araw ay wala siyang palya sa pagmolestya sa akin. Tinanong ko siya kung ginagawa niya ba ang ginagawa niya sa'kin sa iba. Ngumiti lang siya at sinabing,
'Bakit? Sila ba ang mapapangasawa ko?'
Natigagal ako ng sabihin niya iyon. Ibig sabihin, sa akin lang siya ganon. Buong akala ko ay isa lang ako sa mga biktima niya.

Ewan ko pero ng panahong iyon, I felt relieve. Gumaan ang pakiramdam ko sapagkat sa akin lang siya nagiging perv. Hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko pero, kapag naiisip kong nagiging perv siya sa ibang tao, parang naiinis ako. Parang gusto kong sa akin lang siya ganon. And I hate it. Wala akong paki-alam sa kanya, pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit gusto ko, sa akin lang?

"None of the above, dre." Wala sa sariling saad ko.

"Hah?"

"Ewan ko dre. Di ako kinakabahan dahil mamatali ako habang-buhay. 'Di din ako kinakabahan dahil si Oxygen ang papakasalan ko." Bakas sa mata ni Ezrael na naguguluhan siya sa sinabi ko. Salubong ang kilay nitong nakatitig sa akin.

"Oh, eh ano ang ikinababahala mo?"

"Baka 'di niya ako siputin." Wala sa sariling saad ko.

Nanlaki ang mata ni Ezrael ng marinig niya ang sinabi ko. Tumayo siya sa pagkakaupo saka lumapit sa akin. Bakas sa mata niya ang gulat at pagkabigla, di ko alam kung bakit.

"Dre, seryoso ka?" Di makapaniwalang saad niya. Nangunot ang noo ko kasi parang ang big deal sa kanya ng sinabi ko.

"Ewan ko, pero iyon ang nararamdaman ko." Sinabi ko sa kanya ang totoo. Iyon talaga ang ikinababahala ko ngayon.

Quiet Serenade Amongst Wildflowers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon