Chapter 24

3.9K 107 5
                                    

C

Brix baybeh..<3

**********************************

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko,. Sandali pa itong nag-addjust sa dilim.

Medyo malabo ang ala-ala ko, hindi ko matandaan kung ano ang huling nangyari. Masakit anv g ulo ko at ilang bahagi ng katawan.

"Nasan ba ako?" tanong ko sa isip ko.

Saka ko lang napansin na kaya pala hindi ko maiboses ang nasa isip ko dahil may takip ang bibig ko. Ito marahil and dahilan kung bakit nahihirapan rin akong huminga.

Saglit akong natigilan, binundol ng kaba ang dibdib ko ng unti-unti ng pumasok sa isip ko kung ano ang kalagayan ko at kung ano ang nangyari.

May kumidnap sakin. Nakatali ang mga kamay ko sa likod at pati ang mga paa ko ay nakatali rin.

Hindi ako makakilos ng maayos. Hindi ko alam kung nasaang lugar ako. Madilim.

Unti- unting nag-adjust ang mga senses ko, mula sa paningin, hanggang sa pang-amoy.

Dahan-dahan kong ikinilos ang katawan ko upang makaupo ng ayos. Naririnig ko ang ingay sa labas na tila may mga nag-uusap. Hindi pamilyar ang mga boses ng narinig ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng makarinig ako ng mga yabang palapit sakin. Nagpanggap akong natutulog. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko.

"Hindi pa rin ba yan nagigising?"

"Ewan boss kanina pa yan tulog eh"

"Eh ano pang tinatanga-tanga mo dyan? Gisingin mo na yan! Hindi natin kinidnap yan para gawing boarder"

Nakaramdam ako ng mahinang pagtulak sakin. Kasunod nun ang pwersahang paghila sakin upang mapabangon. Sumakit ang kamay at tagiliran ko na napwersa.

"Araaay!" Daing ko.

"Gising na pala eh"

Gumala ang paningin ko sa mukha ng 3 lalaki sa harap ko. Hindi pamilyar ang mga mukha nila.Tila ito ang unang beses na nakita ko sila.

"Sino kayo?" Kinakabahn kong tanong sakanila

"Kami ba? Kami lang naman ang magpapamiserable sa buhay ng boyfriend mo." Sabi ng lalaking na naka leather na jacket na sa tingin ko nagpapasunod sa iba pang tao.

"Boyfriend? Anong sinasabi mo? Wala akong boyfriend. Hindi ko nga kayo kilala." Sagot ko sakanila.

"Ahaha. Marunong pala magpatawa to boss eh." Sabi nun isa..

"Wala akong panahon makipagdaldalan sayo. Kung ayaw mo malagutan ng hininga ngayon, humingi ka ng tulong sa boyfriend mo ng matapos na to". Sagot ng pinakaleader nila.

"Wala nga sabi akong---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng tutukan ako ng patalim ng lalaki.

Napapikit ako sa takot. Nangunginig sa takot kong ipinikit ang aking mga mata. Pakiramdam ko kaya nilang pumatay ano mang oras at kahit sino.

"Kunin mo ang gamit nya" utos ng leader nila.

Ibinato nila sa harapan ko ang bag ko.

"Kalagan mo sya" utos ulit nya.

Natanggal ang pagkakatali ng kamay ko pero hindi nila inalis ang tali ng paa ko.

"Kunin mo ang cellphone mo. Twagan mo ang boyfriend mo at sabihin mong naghihintay kami dito."

Ano na ang gagawin ko. Hindi ko alam kung sino ang gusto nilang kausapin. Wala naman akong boyfriend at matagal na kaming hiwalay ni Alric. Hindi kaya may atraso si Alric sa mga taong to? Pero hindi sa pagkakaalam ko wala namang nakaaway si Alric na kahit sino at mga taga labas.

My Hero is a Gangster *complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon