Third Person's POV
Justin's reflexes are way too good just in time to catch Samantha before she fell off the ground. He knew she'll get affected by the sight even if those two dying people gave her the most unbearable pain she ever had in her entire life. No one or nothing in this world can ever change the fact that they're Samantha's parents. Ang mga taong una nitong minahal.
Yes! It's Samantha's parents.
"Samantha." He called her but it seems Samantha was in shock. Nakatulala lang ito at nakaluhod sa sahig na bakas ang takot sa mukha. Justin felt a sudden strike of pain in his heart. Nasasaktan sya para kay Samantha. The woman who gives him irrational heartbeat whenever she see her smile. "Stand up babe. You need to loosen up." Pilit nya itong inaalalayan. Mabuti na lamang at kahit na busy sa buhay ay may panahon pa rin sya magbuhat. Kahit sa kanyang bahay ay may sariling gym ito. Parang papel nya lang itong binuhat at luminga sa paligid.
Napadako ang paningin nya sa isang bench at agad syang nagtungo doon. Inalalayan nyang maupo doon ang nakatulala pa ring si Samantha. He needs to do something. He need Samantha to burst out. He gently tap her face but it doesn't work. "Hey babe please. Please look at me. Please." Ngunit kahit ilang beses nya na itong tapikin sa pisngi ay wala pa rin response mula dito. Then suddenly, something came up in his mind. Napangiwi sya sa naisip. Nai-imagine nya ang sarili na isang dakilang pervert pagkatapos nun but Justin is desperate. Nahihintakutan sya sa naging reaction ng dalaga. He knew he'll go overboard but-----tsk! Bahala na! He said in mind.
Justin took a deep breath and he cupped her face. He then reach her lips. Yun na lang ang naiisip nyang paraan. At first, he's hesitating lalo na at hindi aware si Samantha sa gagawin nya. Second, they're in public. It's PDA! The hell who cares! Sabi nito sa isip.
Habang lumalalim ang halik, mas lumalakas ang kabog ng dibdib nya. As if his heart is going to explode. Nais nya sanang pumikit upang namnamin ang bawat sandaling magkalapat ang labi nila ni Samantha, hindi naman nya magawa. Isa lang ang agenda ng ginagawa nya na yun, kailangang magising si Samantha at mailabas nito ang emosyong lumulukob sa damdamin nito. Her lips are so soft I want to do this over and over again. Iyon ang naglalaro sa kanyang isip na agad naman nyang pinalis. Stupid pervert!
Sita naman ng matino nyang pagiisip.***
Tila kay dilim ng paligid. Alam kong gising ako pero wala akong makita. Naririnig ko ang pagtawag ni Justin sa pangalan ko at ang pagmamakaawa nitong tignan ko sya. Teka nasaan ba sya? Bakit di ko makita? At bakit ang sakit ng dibdib ko? Teka puso ko yata yung masakit? Bakit? Pinipilit kong ibuka ang bibig ko ngunit di ko magawa. As if I'm freezing. It's really dark I can't see even a slightest light. Wait a second! Naalala ko na. But----it can't be! Gusto kong sumigaw at umiyak ngunit parang napakahirap gawin. Tila may pumipigil sakin na ilabas ang nararamdaman ko----
Teka! Pakiramdam ko unti unting gumagaan ang pakiramdam ko at nagkakaroon ng liwanag. Isang munting liwanag! Hanggang sa-----"Samantha! Thank God you're awake!" It's Justin's voice. Malinaw sa kanyang pandinig ang nagaalalang boses nito. Ngunit nanlalabo pa rin ang paningin nya na halos hindi nya ito maaninag. Malalim din ang paghugot nya ng hininga as if she just run in a track and field. Hindi pa rin nya maintindihan ang nangyayari. Pilit nyang pinapayapa ang sarili samantalang patuloy ang pag-agos ng masaganang luha sa kanyang mga mata. Kaya pala hindi nya halos makita ang lalaking nasa harapan. She's in pain. That's what she knew. She's in unbearable pain.
Pilit nyang ibinubuka ang kanyang bibig ngunit wala ni isang salita ang kumakawala doon. "Sssshhh. Stop crying. Everything's gonna be alright." He pulled her closer to him and hug her. She felt his warm embrace. She felt safe in his arms. She closed her eyes and started to feel better. Bumalik na din sa normal ang paghinga nya at natigil na din ang pag agos ng kanyang mga luha. She's so glad he's there. Always beside her. Especially in times like this.
Naramdaman nya ang pagluwag ng yakap nito.
"Feel better now?" Masuyong tanong nito sa kanya. Nasa mata nito ang matinding pagaalala. Parang may humaplos sa puso nya ng mga sandaling iyon."Thank you." Sa wakas ay nabanggit nya. Tumango ito at muli syang niyakap. He's so sweet. Hinahaplos nito ang buhok nya pagkatapos ay masuyong hinalikan sya sa noo.
"Gusto mo bang alamin natin ang lagay nila?" Tanong nito sa kanya makaraan ang sandali.
Mapait syang napangiti at marahang umiling. "Di ko alam kung kaya ko silang makita." Sagot nya. Hindi madali para sa kanya ang lahat ng ito. Ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso ay gusto nyang alamin ang lagay ng mga magulang. Kaya nga lang, wala syang lakas ng loob.
Tila naramdaman naman ni Justin ang pagaalinlangan ng dalaga. Ayaw din nyang ma-stress ito ng sobra at maulit ang nangyari kanina.
"Okay. Alam kong hindi madali and it will take time. Don't worry this hospital is complete in equipments and they have the best doctors. Wala kang dapat ipagalala maililigtas sila." He assured her.Samantha's POV
Palakad lakad ako at hindi mapakali habang hinihintay ang pagdating ni Justin. Nakikibalita ito sa nangyari sa mga magulang ko. Ilang oras na din ang nakalipas at malapit na sumapit ang dilim.
"Hi." Nagulat ako nang may bigla na lamang sumulpot sa harapan ko. "Am I scary?" Tatawa tawang tanong pa nito. It's Brone. Brone Cabillo. Justin's friend ohh shit! Yung bata.
"Hi doc! I'm sorry may iniisip lang. How's she?" Tanong kong ang tinutukoy ay ang batang dinala namin dito.
"She's fine. We did a lot of tests and everything's fine. I think masyado lang na-stress at napagod ang bata cause like what you've said you just found her in the street." Paliwanag nito. Nagets ko naman ang ibig nyang sabihin.
"Oh I see. Can I see her?" Tanong ko. Malawak naman itong ngumiti.
"Sure. Nilipat na namin sya sa private room. Kindly ask that nurse for the informations." Sabi nito at tinuro ang nurse na maaari kong pagtanungan.
"Thank you." Gumanti ako ng ngiti dito at pumihit na patalikod upang puntahan ang nurse na itinuro nito.
Agad naman akong inasikaso ng nurse at sinamahan ako sa kwarto kung saan nailipat ang bata.
Nasa 4th floor ang kwarto nito. Nang makarating sa kwarto ay agad kong nilapitan ang batang ngayon ay nasa wisyo na at binabantayan ng isang staff.
"Ako na. Thank you." Sabi ko sa staff at sa nurse. Tumango ang mga ito at ngumiti bago isinarado ang pinto.
"Hello kamusta pakiramdam mo?" Nakangiti kong tanong sa bata na ngayon ay nakatingin sa akin. Malaya kong pinagmasdan ang mukha nya. Malinis na ito at wala nang bahid ng dumi sa katawan. That's when I realized that this little is no ordinary girl at all. She has an angelic face. Her eyes were pure brown. She has thick eyelashes that gives her innocent and mysterious looks. Matangos ang ilong nitong may maliliit na butas at ang labi nito'y kay pula na parang rosas. In short, this little girl is a soon-to-be goddess of beauty. And her skin, balat mayaman. Bulong ng aking isip.
"Okay ka na ba?" Nakangiti ko pa din tanong ngunit nanatili pa rin itong nakatingin sa akin at di umiimik.
"May masakit ba sayo? Gusto mo bang kumain?" Muli ay tanong ko.Nawala ang ngiti sa labi ko nang bigla na lamang kumislap ang mga mata nito. She's crying! Oh petty hell!
"Hey what's wrong? May masakit ba sayo? Sabihin mo sakin." Sunod sunod kong tanong at nilapitan ito. Hinawakan ko ang kamay nya habang ang kabila kong kamay ay abala sa pagmasahe sa kanyang likod."I--want to--- go home." Tila nauutal pang sabi ng bata sa gitna ng pagiyak nito. Tama nga ang hinala ko this girl is no ordinary kid you can see on the streets.
Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang awang nararamdaman ko para sa bata. Pakiramdam ko kasi pinipilas ang puso ko sa bawat paghikbi at pagtulo ng luha nya. "Shhhh stop crying little angel." Tuloy pa din ang pagmamasahe ko sa likod nya habang sya naman ay nakasiksik sa bewang ko.
Ilang oras na din kaming nasa ganong posisyon at sa wakas ay tumigil na ang bata sa pagiyak. Mabigat na din ang paghinga nito indikasyon na tulog na ito.
Ako naman ay nakaramdam na din ng pagbigat ng talukap ng mga mata. Pumikit ako at tuluyan nang nagpatangay sa antok.
YOU ARE READING
Second Chance
Romance"I'm still into her..." Sagot nya. Pakiramdam ko pinipilas ang puso ko sa mga oras na to. Hindi ko alam kung saan ko pa pupulutin ang dignidad ko. Ibinigay ko na sa kanya lahat pero balewala pa din at mahal pa rin nya ang ex nyang wala na sa mundon...