Title: I love you, Goodbye.

18 0 0
                                    

Joel's POV

"Joel, i love you so much. Always remember that." saad nya.

"P-Please, a-ara don't leave me."

"Just be happy for me ok? i love you. Isipin mo nalang na kasama mo parin ako, kahit wala na ko sa tabi mo. Mahal na mahal kita." then she smiled at me, i kissed her forehead. nakita kong tumulo mga luha ko sa noo nya.

yan ang huling mga salita na narinig ko sakanya bago nya ko tuluyang iniwan.

-

"Joel!" rinig kong tawag ni ara, malayo palang. Childhood bestfriend ko si ara, matagal kaming nagkahiwalay pero muli kaming nagkita dito sa college. Tinuloy namin yung pagkakaibigan namin.

"oh, hi baby ara." bati ko.

"ayan ka nanaman sa baby baby ara na yan, nagawa mo na ba yung pinapagawa ko sayo daddy joel?" tanong niya na may halong pang aasar.

"daddy joel? ang sagwa hahahaha. oo tapos na ma'am. wala manlang bayad yan?" sagot ko habang inaabot sakanya yung pinagawa nyang scrapbook.

"wooooow, ang ganda naman joelitoooo." saad nya, buti naman at natuwa ka hahaha.

"ako pa ba? haha"

"bayad? syempre meron." nagulat ako ng bigla nya kong yakapin, bumilis tibok ng puso ko dun ah. never ko pang na-feel 'to, anong nangyayari sakin?

"hoy, natulala ka dyan?"

"h-ha? wala hahaha." ano ba'ng nangyayari sayo pre hahaha.

"tara na, kain tayo nagugutom ako. libre mo ko ah?" pang-aaya niya.

You know what? she never failed to make me smile. Ewan pero I'm so lucky to have a girl bestfriend like her. Napaka sweet nya, maalaga. Turing ko na nga sakanya nanay, ate, bunso, girlfriend, asawa hahaha seryoso. I'm so thankful because I have her, salamat kasi binigyan ako ni God ng isang katulad niya.

Crush ko si ara pero 'di ko lang pinapaalam sakanya, baka kasi bigla siyang magbago, pati yung friendship namin masira. May tamang panahon para dyan.

·

"Happy Birthday baby araaaa!" bungad na bati ko dala regalo ko para sakanya dahil 19th birthday nya ngayon, dumalaw ako sakanila. Pag dating ko mag-isa lang sya, lagi naman eh. Wala na kasi yung mama nya, 3 years ago umalis si tita pumunta na don sa heaven. Yung papa naman nya, wala na iniwan na sya. May iba ng pamilya.

She's strong, sakabila ng mga nangyayari sa buhay nya. Di siya sumuko, pinagpatuloy nya parin mag-aral at mamuhay, working-student para may pang suporta narin para pag pasok nya. I'm so proud of her.

"Joel!" tumakbo sya papunta sakin sabay niyakap ako.

"oh? namiss mo ko baby ara?"

"yan nanaman baby ara baby ara eh! hinde di kita miss hmp."

"baby ara ang cute kase ng height mo HAHAHAHA, ah sige ganyan ka pala aalis na ko." balak ko na sana umalis para asarin sya pero agad niya kong pigilan.

"oy joke lang, akala ko kasi nakalimutan mo na birthday ko. di ka kase nagrereply sa mga text at chats ko." saad nya sabay yuko, bat ba ang kyut mo? di mo ba alam na unti unti na kong nahuhulog sayo?

"sorry na, balak talaga kasi kitang surpresahin eh." pagpapaliwanag ko.

"nakakainis ka joel pimentel!"

"sorry na baby ara de jesus, oh eto regalo ko sayo. pero mamaya mo na buksan yan, kain muna tayo sa labas."

"hindi ba pwede sa loob nalang?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 21, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shot Stories Where stories live. Discover now