Because of You

149 3 0
                                    

Because of you
By: JhaneCarangisian

Pumikit ako at taimtim na nagdasal. Umupo sa isang malambot at malaking kama. Tanging hininga ko lang ang maririnig dito sa apat na sulok ng aking kwarto.

"Lord, kung ito po ang gusto niyong mangyari ay lubos ko pong tatanggapin..." Naputol ang pagdarasal ko nang bumukas ang pinto ng aking kwarto.

Napalingon ako sa aking kapatid na halos hindi magkumayaw sa malakas na pag-iyak. Ang hikbi niya ang lumalamon sa katahimikan ng aking kwarto.

"K-kuya?" Nauutal niyang tawag sa akin kasabay nang pagpunas niya ng masaganang luha.

Lumapit siya sa akin at iniabot ang puting damit na susuotin ko para sa araw na 'to.

Inilapag ko muna ang damit sa kama at saka humarap sa aking kapatid na si Gelo. Niyakap ko siya ng mahigpit at gayundin siya sa akin.

Kasing taas ko lang ito at baka mas lalo pa siyang tumangkad dahil nagbibinata na.

Hinaplos niya ang likod ko para pakalmahin ako pero mas mukhang kailangan niya ang pagpapakalma. Mas malakas kasi siyang umiyak kaysa sa akin.

Kahit ako ay hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Pilit akong ngumiti sa aking nakababatang kapatid para ipakita na okay lang ako.

Hinawakan ko ang kamay niya upang ipakita na magiging kalmado lang ako at hindi gagawa ng kung anong ikagagalit o ikasasama ng loob niya.

"B-be happy.... Kuya..." Naiiyak na naman niyang bulong sa akin sabay halik sa aking noo.

Napapikit ako at hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha sa mga mata ko.

Naalala ko na naman.... Naalala ko 'yng mga araw na kasama ko siya...

"Nick? Ang kulit mo. Sinabi ng mag-aral ka muna at mamaya na 'yang cellphone." Naasar kong bulyaw sa halos kaedad ko na lalaki.

Kanina ko pa kasi siya sinasabihan na itigil muna ang pagcecellphone dahil hindi siya nakakapagfocus sa itinuturo ko.

Pinakiusapan kasi ako ni Tita Marlyn na itutor ko 'tong anak niya dahil palaging mababa ang grades sa mga academic subjects.

Si Tita Marlyn ay kaibigan naman ni Mama kaya hindi ako makahindi sa pakiusap niya.

Huminga ako ng malalim at inagaw ang cellphone sa kanya. "Gotcha!" Ani ko kasabay nang malakas na pagtawa dahil sa epic niyang mukha. Halata ang pagkagulat sa kanya.

"Akin na 'yan Tan! Hindi na ako natutuwa!" Halos mabingi ako sa lakas ng pagkakasabi niya ngunit hindi ko siya pinakinggan.

Because Of You (Oneshot BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon