FOUR

1 0 0
                                    

Tamad akong pumasok sa school. I just want to sleep all day. Nawawalan na ako ng gana gumising. Ganito ba talaga ang epekto sakin dahil sa panaginip ko noong nakaraang araw? Baliw na ba ako?

"Hindi ka baliw." Saad ko sa sarili ko. "Hindi ka baliw Kyro." Ulit ko.

"Talking to yourself huh?" Halos mapatalon ako sa gulat sa  biglaang pagsulpot  ni Keith sa tabi ko.

"G-Ginulat moko."

She chuckled. Wait? Is this real? I just heard her chuckled for Pete's sake!

"Sige, ipagpatuloy mo lang yan pfft." Umiiling iling na sabi niya at nagsimula ng magsulat sa kwaderno niya.

Sa totoo lang, naninibago ako kay Keith. Dati di yan nagsasalita e, unless inunahan mo. Tapos di yan tumatawa ewan ko pero tumawa siya kanina.

Tinitigan ko lang ito. Ang ganda talaga niya. Pero mas maganda siya pag nakangiti kaso ang taray nga minsan. Minsan nga di ko siya naiintindihan. Siguro iisa lang sila ng babae sa panaginip ko tapos nahihiya lang siyang magsabi na 'Kyro ako yun' siguro—

"Staring is rude." Aniya at sinamaan niya ako ng tingin.

"A-Ah hehe sorry. May namukhaan lang."

"Tss." She hissed.

Kita mo na ang bipolar. Kanikanina lang tumatawa tapos ngayon nagsusungit. Sayang ang ganda pa naman.

"Sayang, ang ganda mo pa naman, masungit lang tsk tsk." Sambit ko sa sarili ko.

"Narinig ko yun." Napalunok ako ng marinig ko ang sinabi niya.

"Dude nag uusap na kayo ni Keith ah!" Nakangiting sabi ni Chevs habang nilalagyan ng 10ml na tubig ang maliit na test tube.

Ngumiti ako. "Oo naman. Saka magkamukha naman sila ng babaeng nasa panaginip ko diba? Bat ako maiilang? E parang iisa lang naman sila."

Di na sumagot si Chevs at pinagpatuloy na niya ang experiment. Natanaw ko naman si Charles sa di kalayuan na kausap ni Jasmine.

"Maam yung results po." Inabot ni Chevs ang papel kay maam. Tumango naman ito sabay sabing "You can go now."

Nilapitan namin ang nag uusap na si Charles at Jasmine. Naks, ngayon ko lang nakitang nakipag-usap si Charles sa ibang babae.

"Hi Kyro! Chevs!" Nakangiting sabi ni Jasmine. Napalingon naman si Charles at tinanguan kami.

"Iba ka rin ah." I smirked tapos inakbayan si Charles. Maganda si Jasmine, kapansin pansin ang dimples niya lalo na pag ngumingiti siya. May singkit itong mga mata, mapupulang labi at matangos na ilong.

"Mauna na kami Jasmine ah." Paalam ni Chevs. Tumango naman si Jasmine sabay sabing "Sige, ako rin. Ingat kayo."

Nakangisi akong inakbayan din si Chevs. Dalawa ko silang inakbayan. "Kain na tayo dude?"

Habang nginunguya ko ang pagkain ko ay biglang may narinig kaming nagsisigawan dahilan para kumunot ang noo ko.

"Ano yon?" Tanong ko.

Naglipat lipat ng tingin si Chevs, hinahanap kung san galing yung sigaw.

"Si Santos daw?"

Once upon a DreamWhere stories live. Discover now