//Drex
"Drex ?" narinig kong tinatawag ako ni Rhian kaya pumunta ako palapit sa kanya.
"Oh ? Bakit ?" tanong ko rin sa kanya nung makalapit na ako sa kanya. Napansin ko rin na parang may luha sa mata niya.
"Mahal mo ba ako ?" maiyak iyak na sabi sakin ni Rhian. Bakit ? Anong meron ?
"Ano bang klaseng tanong yan" sabi ko kay Rhian.
"Sagutin mo nalang yung tanong ko !" pasigaw na sabi sa akin ni Rhian. Naaawa ako sa kanya. Bakit ba siya umiiyak ?
"Bakit mo naman natanong ?" mahinahon kong sagot.
"Kasi ako, mahal na mahal kita. Sobrang mahal kita. Hindi ko kakayanin na mawala ka sa akin. Gusto ko lang malaman kung mahal mo ba ako, para hindi ako nagmumukhang tanga at parang ewan na umaasa dito." nahahawa ako, naiiyak na rin ako. Hindi ko alam yung isasagot ko. Hindi ko alam kung bakit ba siya nagsasalita ng ganyan. Gusto ko na rin umiyak. Parang ako kasi yung nasasaktan kapag nakikita kong umiiyak si Rhian.
"Wag ka ngang magsalita ng ganyan. Hindi nakakatuwa yung biro." sabi ko habang pinupunasan ko yung luha sa mga mata niya.
"Sa palagay mo ba nagbibiro ako ? Sa tingin mo ba nagpapatawa ako ? Hindi mo ba alam na sobrang nasasaktan na ako kasi napakamanhid mo. Hindi mo manlang napansin na mahal na mahal kita ? Ang manhid mo ! Napakatanga mo para hindi mapan--- hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil hinalikan ko siya. Hinalikan kl siya ng hindi ko alam kung bakit.
-*-*-
*kring* *kring* *kring*
Nagulat ako sa tunog na narinig ko. Alarm clock ko yata. Sa sobrang gulat ko ay napaupo ako mula sa pagkakahiga. Whoosh ! Hindi ako makahinga mula sa panaginip ko.
Gulong gulo na ako. Ano bang ibigsabihin ng panaginip ko ? Anong gusto nitong iparating ? Bakit ko siya hinalikan ? Bakit ? Paano ? Bigyan niyo ako ng dahilan.
Ang daming tanong na pumasok sa isip ko. Tinignan ko kung anong oras pa lang. 7:30 pm ? Bakit tumunog yung alarm clock ko eh si-net ko ito ng 6:30 ?
Pagkatapos kong tumingin sa orasan ay may napansin akong baso at gamot. Tapos may letter din akong nakita.
"Sorry hindi na kita ginising, ayaw kasi kitang abalahin, sorry din dahil hindi na ako nakapagpaalam ng personal, nga pala may gamot at tubig diyan sa mga lamp shade mo, inumin mo mamayang 7:30 pm, para yan sa pasa at sugat mo, para hindi na humapdi. -Rhian"
Pagkatapos kong mabasa yung letter ay napagtanto ko na, siguro si Rhian yung nag-set ng alarm clock ko ? Haixt ! Ang ganda na sana ng panaginip ko. Ay ! Este dapat pala magpasalamat pa ako kay Rhian sa pagset niya ng alarm.
Hindi ko muna ininom yung gamot dahil gutom ako. Pumunta ako sa kitchen. Binuksan ko yung ref.
Nasan na iyon ? Pilit kong hinahanap yung, yung cookies ko. Luto pa naman sakin ni Mama yun.
Gulong gulo na lahat ng pagkain or kahit anong laman ng ref dahil sa pagpipilit kong paghanap dun sa cookies. Saang lupalop ng mundo ba iyon na punta eh ang pagkakatanda ko dito ko lang iniwan yun sa may tabi ng Tubig.
"Anak ? anong hinahanap mo ?" nagulat naman ako kasi ang tahimik tapos bigla nalang may magsasalita si Mama pala yun.
" Ma ? nakit mo ba yung cookies ko dito ?" tanong ko naman kay Mama, napansin kong namamaga yung mata ni Mama. Bakit kaya ?
"Cookies ? Oo, nandyan lang yun sa may tabi ng tubig ah"
"Wala nga eh. mukhang may nagnakaw pa ata" kainis naman, paborito ko panaman ang lahat ng luto ni Mama. Mahilig din kasing magbake si Mama eh.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Diary
RomanceHindi lahat ng Bad Boy: -Cool -Astig -Walang Problema -Papetiks-petiks lang -At Masaya Sa likod ng Maangas nilang mukha, Ano kayang damdamin ang kanilang tinatago?