"We're too fast." I told her as she move away slowly.
"Walang problema sa pagmamadali, single ako, single ka naman. We're not even against any relationship. Hindi rin natin alam ang susunod na mga mangyayari kaya tingin ko ok lang naman." Ngumiti sya. "Uso na din yang friends with benefits na yan." Nilapit nya ulit ang mukha nya sa akin. "Kumportable naman ako sa iyo eh. May tiwala akong wala kang ibang gagawin bukod sa murderin yung lips ko." Natawa kami pareho.
Hindi ko alam kung paano ko siya tuturuang humalik lalo't wala syang experience sa mga intimate o hot kiss. At unang beses akong hahalik sa babaeng kaibigan ko lang. Hindi ko alam ang magiging outcome ng deal namin, mahirap iwasang hindi mainlove lalo kay Jamie na hindi man kagandahan pero napaka ganda ng personality. Siguro kailangan ko na lang itatak sa isip ko na gagawin namin to para makalimutan nya ang ex boyfriend nya at mawala sa paningin ko si Aika. This may be a big problem pero im sure that this deal will surely make both of us happy.
She went home at 9 in the evening after we ate dinner pinunasan muna sya ni nanay para mabawasan ng kaunti yung pamumula niya. Tuwang tuwa si nanay sa personality ni Jamie, sa paggiging straight forward nito at ang pagging pranka nito. Hindi naman ako tinantanan ng mga pangaasar ng dalawa kong kapatid.
Hinatid ko si Jamie sa isang low class subdivision, hindi ko alam kung bakit subdivision pa ang tawag sa lugar nila wala namang guard. Hinatid ko lang sya sa kanto dahil sinundo sya ng kapatid nyang lalaki. Gusto ko sana syang ihatid mismo sa bahay nila para naman malaman ko yung eksaktong address nya at madalaw ko sya minsan o kaya sunduin sya kapag lalabas kami.
"Huwag kang mangchichicks ha?" Kumindat pa sya bago tuluyang tumakbo papunta sa nakamotor nyang kapatid. Narinig kong tinawag syang ate nito ibig sabihin ay nakababatang kapatid nya yun pero mas mukha syang bata.
"Magtext ka kapag nakauwi ka na ha?" Sigaw pa nya sakin as she wave her hand as a sign of goodbye.
Pinaandar ko na rin ang motor ko at tinahak na ang daan pauwi sa aming bahay.
"Thank you sa napakasayang araw.;)" A text message i received from her not too long ago.
"Nandito na ako sa bahay. Pahinga ka na..Goodnight.:)" I replied.
I opened my facebook account at kagaya ng dati may message na naman si Aika sa akin saying she's not feeling well. I just opened that message at inignore ko na lang yun. May boyfriend kasi siya ngayon kaya naiinis ako na chat pa sya ng chat sa akin. I updated my status.
"THANK YOU FOR A WONDERFUL DAY.<3" after that i logged off inaantok na din kasi ako at may pasok pa bukas. Humiga ako sa kama at naamoy ko pa rin ang scent ni Jamie sa unan ko.
I smiled and felt my phone vibrated it's from Jamie.
"Goodnight din." she replied. Hindi na ko ulit nagreply dahil baka humaba pa ang usapan namin at hindi ako makatulog kaagad. I streched my arms at natulog na.
Kinabukasan....
"Si Kuya masaya o?" Umagang umaga yun agad ang bungad ni Lorraine at Lorrie sa akin. Ang pangaasar. Maaga ang pasok nila at tuwing Lunes sabay sabay kaming umaalis ng bahay.
College na si Lorraine at hinahatid ko sya sa school nya kapag lunes. Si Lorrie naman 3rd year highschool sa aking alma mater hindi na sya pinahahatid sa akin ni nanay dahil bawal daw ang tatlong magkakaangkas sa motor at napaka mama's girl ng bunso namin kaya si Nanay ang naghahatid sa kanya sa sakayan ng jeep.
I texted Jamie just a simple goodmorning greeting bago ako sumakay sa motor ko.
"Nay? Wag ko na kayang ihatid si Lorraine sa school? Pasakayin nyo na lang sya ng tricycle." Kunwaring kay nanay ko sinasabi pero ang totoo kay Lorraine ko talaga yun pinaparating.
"Ano bang masama sa pagging masaya kuya? Palibhasa may pakahulugan ang mga ngiti mo eh." Pangangatwiran pa ng napakagaling kong kapatid.
"Aba kailan ka pa naging abogado? Ang alam ko HRM ang kursong kinukuha mo ha?"
"Tama na nga yan.. Lorraine tigilan mo na ang kuya mo." Si nanay the best talaga. "Ganyan talaga ang mga tao kapag inlove. Masaya." Sabay hagalpak ng tawa ng tatlong magagandang babae sa buhay ko. Hayy nako ang mga taong ito.
"Nay, magkaibigan lang kami ni Jamie." Inismiran ko lang sila sabay vibrate naman ng phone ko. I took out my phone and Jamie's name flashed on the screen.
"Goodmorning din. Ingat ka ngayong araw at wag mangchichicks ha?:)" Okay ang possessive nya at napangiti naman ako sa message nyang yun. Hindi ko napansin na habang tinatype ko ang message ko kay Jamie napakalapad na pala ng ngiti ko na lalong nagudyok kila nanay mangasar. I gave them the WHAT's-THAT-LOOK
"Sa pagkakaibigan din naman naguumpisa ang pagibig anak." Sinundan ng panunuya ng dalawa kong kaptid ang sinabi ni nanay. "O sya sige magingat kayo sa daan at ikaw Red, magtext ka kung anong oras ka uuwi ha?"
"Eh nay, hindi naman nagbabago ang schedule ko eh." Iisa lang ang shift ko noh, day shift lang. Lorraine hopped on.
"Baka daw kasi kuya dumaan ka pa kay Ate Jamie." Sabay bungisngis ni Lorrie.
Napailing na lang ako dahil wala na akong masabi sa nangyayaring conspiracy against me.
"Kaibigan ko lang si Jamie." Ngumiti pa ako. Natanawan ko si Tatay na nagdidilig ng halaman sa gilid ng bahay at para bang nakikinig sa pangaasar nila nanay sa akin. Napatingin sa akin si tatay.
"Anak ramdam ko na ang patutunguhan ng pagkakaibigan na yan." Magsasalita na sana ako pero pinutol ni tatay ang sasabihin ko. "Ok sa akin at sa aming lahat si Jamie suportado ka naming lahat. Hala sige na at pumasok ka na. Ingat kayo ni Lorraine, siguraduhin mong pumasok sa gate ng school yang kapatid mo ha?"
Wala na akong masabi akala ko kakampihan ako ni Tatay isa rin pala sya sa mangaasar. Nagpaalam na kami kay tatay at pinaandar ko na ang motor ko.
Habang nasa daan naiisip ko si Jamie. Kumain na kaya sya? Ano kayang gagawin nya ngayong araw? Mabenta kaya ang mga binibenta nya sa online shop na sinasabi nya? Yayain ko kaya syang magkape?
Ano ba yan? My mind was occupied by Jamie. Nang makarating ako sa office nakatanggap na naman ako ng text message galing kay Jamie.
"Don't forget to eat your meals huh? Ingat ka po morphine. :)"
I went straight at nakalimutan ko nang batiin ang mga officemates ko sa kakatype ng message na hindi ko masend kaagad kay Jamie. Ano ba kasing dapat kong sabihin. Simpleng text lang naman yun pero ang hirap naman replyan?
"Ikaw din po." I just simply replied after i finally decided what to text her.
After a couple of minutes..
"Sure baby. Ingat ka. Text tayo later. :)"
She called me baby? That made me smile.
I started working and luckily the day went by so fast. Dahil masaya ako sa trabaho ko, given na yun pero masaya ako na may isang taong nagaalala para sa akin bukod sa mga magulang ko. Napaka bakla siguro ng datingan ko sa iba pero totoong masarap sa pakiramdam yung may nagpapaalala sa iyong kumain ka na at magiingat ka. Buong araw akong nakangiti at salamat kay Jamie.
Kahit gaano kabilis ang umpisa namin alam kong hindi naman kami matatapos ng ganun ganun na lang.
BINABASA MO ANG
An Angel's Kiss
Подростковая литератураHope you'd enjoy this story guys! First time ko to so feel free to correct any mistakes. :) -morphine1016