"sorry na" pag mamakaawa ni Borj kay Roni. ngunit di pa rin nito pinapansin ang binata.
"Roni sorry na please patawarin mo na ko"
Binigyan niya lang ng masamang tingin ang lalaki at saka inirapan.
"Okay fine, sige. Inaamin ko, na attract ako sa katawan niya kaya~"
Bago pa maituloy ni Borj ang pag sasalita ay biglang humarap sa kaniya si Roni at binigyan siya nang malakas na sampal sa pisngi sabay walk out.
Napasapo naman si Borj sa pinsgi sabay sabing..
"Ang sakit non ah?"
Pero di siya nagpatinag doon kinulit niya pa rin si Roni.
"O sige, sampalin mo pa ko~ uhmm~ kahit mga sampung beses pa yan titiisin ko para lang mapatawad mo ko, please Roni, alam mo namang hindi ko kakayanin kapag di mo ko pinansin e"
"So? Problema mo na yun!" muli niyang tinarayan ang lalaki sabay naman ang pag sulpot nina Yuan at JunJun.
"Borj!"
Napatingin na rin si Roni sa mga ito, habang di naman naaalis ang tingin ni Borj sa dalaga.
"Tsss! Mag sama sama kayo!"
"Roni~" magsasalita pa sana si Yuan nang biglang tabigin siya ng kapatid.
"Tabi nga!"
Napakunot naman nang noo si Yuan sabay baling kay Borj.
"Ano problema nun? Nag away nanaman ba kayo?"
Napakamot naman sa batok si Borj bago sumagot.
"Eh di pa rin siya maka move on dun sa Daisy e"
"Hala lagot ka!" sambit ni JunJun.
"Ako lang ba? Lagot ka din kay Jelai"
"Ay! Hindi mangyayari yan, kasi nakausap ko na siya at napatawad niya na ako"
"Woah! Ang bilis ah. Lupet mo JunJun! Buti ka pa, kasi may kilala ako hanggang ngayon olats pa rin" pagpaparinig ni Yuan.
"Pare, magkaiba sina Jelai at Roni, masyadong matigas ang kapatid mo"
"So, suko ka na?" Si JunJun.
"Ako? Susuko? Malabo yan! Napakaliit na bagay e. Saka ngayon pa ba? Eh may basbas na ko ng Salcedo Family, diba bayaw?" sabi niya sabay akbay kay Yuan.
"Hoy Borj baka di mo naaalala sabi ko 50-50 ka pa sakin"
"Bakit one year ago mo pa sinabi yan ah, diba nadagdagan?"
"Hmmm. Mga .25 percent ang nadagdag kasi nilibre mo ko ng lunch noong isang araw kaya counted yun"
"Grabe ka naman pare! Ang lupit mo, o sige! Paano kung ibigay ko sayo yung PlayStation ko magiging~"
Agad siyang pinutol ni Yuan.
"Ay! Alam mo Borj, pag dating sa ganyan. Kahit ilang beses mo pa kong tawagin na bayaw okay na okay lang sakin!"
"Mas malala ka pa pala sakin, sige sige pero kailangan mo kong tulungan kay Roni"
"Ah sige walang problema!"
*****
"Roni naman, patawarin mo na si Borj. Si Jelai nga pinatawad na si JunJun e"
"Kuya, magkaiba kami ni Jelai" saad nito habang iniinom ang hawak na kape.
"Sige, sabihin na natin na nagkamali si Borj. Pero hindi mo masisisi kasi sexy naman talaga si Daisy kaya~"
Kinurot naman ni Roni sa tagiliran ang kapatid.
BINABASA MO ANG
Bring it all back [On-going]
FanfictionG-mik 2.0 (other version of book 3 and book 4) [Fanfiction]