Mutual Understanding (BoyxBoy) (One Shot)

299 3 0
                                    

Ako ang huli sa pila. Buti nga at umabot pa ako sa screening para sa choir ng pamantasan na pinapasukan ko. 6PM na kasi natapos yung klase ko. Pagdating ko, may mangilan-ngilan ng nakapila. Pumwesto agad ako sa pinakadulo ng pila, sa upuan na katabi ng isa pang upuan. Kinuha ko na agad yung form na nakapatong sa upuan. Bali sa bawat upuan ay may nakahanda na talagang form para sa mga mag-a-audition. Finill-up-an ko na ito.

Name. Kenny Camarin. Age. 19. Location. Paco, Manila. Genre. Jazz. Audition piece. Fly Me To The Moon.

“Excuse me?!”

“Ay palaka!” Nakakagulat naman ‘to! Bigla bigla na lang sumusulpot sa harap ko. Feeling close? “Ano?!”

“Dito ba ‘yung dulo ng pila?”

“Oo.” Poker face.

“Salamat!”Ngiting-ngiti. Ang pogi! Ay erase! Erase!

Tingin sa kanya. Nakangiti pa rin habang umuupo. Tumingin siya sa’kin.

“Why?” Kunot noong tanong niya.

“Inupuan mo ‘yung form.” Poker face pa din.

Tumayo siya at kinuha ang medyo nalukot na form. “Ay! Saree! Hahaha!”

Napatingin ako sa kanya. Bahagyang napangiti. ‘Di ko sinasadyang mapalapit ang mukha ko sa kanya. “Saree? Nanonood ka rin ng My Love From the Star?”

“Woah! ‘Yung mukha mo masyadong malapit. Baka ‘di ako makapagpigil!”

Nanlaki ang mata ko. ‘Di ko alam kung sa gulat o sa hiya. Agad ko naming nilayo ang mukha ko sa kanya at tumingin sa kabilang direksyon.

“Galit agad? Nagbibiro lang ehhh.”

Gawd! Sinusundot niya ‘yung tagiliran ko!

“Hahaha! Nakikiliti ako! Tama na! Hahaha!”

“Edi nahuli ko rin yung kiliti mo. Hahaha!”

Nawala na ‘yung inis ko. Tawa nalang kami ng tawa.

“Shhhhhhhh!” Sita sa’min ng katabi ko.

“Ayy! Sareee!” Sabay na sabi namin.

Nagtawanan ulit kami. Pero mahina lang. Mahinang-mahina. Ang cute talaga ng mokong na ‘to. Sarap iuwe! Ayy erase! Erase! Hahaha!

***

Finill-upan ko na ‘yung form.

Name. Arnel Santi. Age. 19. Location. Paco, Manila.

“Taga Paco ka?!”

“Ay pako! Nakakagulat ka naman!”

“Ayy Saree! Pabawi lang hahaha!”Ang cute naman nito. Kanina ang sungit sungit ngayon naman ngiting ngiti. Parang baliw.

“Oo, taga-Paco ako. Ikaw ba taga sa’n? Patingin nga!” Inagaw ko sa kanya ‘yung form niya. Napa-pout naman siya ng nguso. Pa-cute!

Binasa ko yung mga info. Kenny. 19. Jazz. At taga-Paco nga siya!

“Edi nag-pi-PNR ka?” Tanong ko sa kanya.

“Malamang!” Umirap ito sakin. Woah!

“Sungit mo na naman.”

“Wala kang paki.” Nakatikim na naman ako ng matalim na irap.

Tinuloy ko na ang pagfifill-up. Genre. Ballad. Audition piece. Kailangan Kita.

Ano ‘yun? Parang may nag-hu-humming. Tumingin ako sa tabi ko. Si Kenny pala. NAgpapractice yata.

“Anong kanta ‘yan?”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mutual Understanding (BoyxBoy) (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon