CHAPTER 42

1.5K 39 0
                                    

CHATPER 42

AUTHOR'S POV

Napaungol si Antoinette ng maramdaman ang kamay sa kanyang isang dibdib at minamasahe iyon, inaantok na hinawi niya iyon.

"Abo, sasapakin kita." Inaantok ang boses na pagalit niya, narinig niya nalang ang baritonong boses nitong tumatawa.

"Gising na reyna ko, kakain na." Umungol lang ulit si Antoinette bilang pagtanggi sa sinabi ng lalaki.

Napailing iling si Ashton dahil ayaw pang bumangon ng kasintahan pero mabilis naman siyang napangiti dahil alam niyang siya ang dahilan kung bakit inaantok pa ito. Siguradong napagod ito dahil sa maghapon na pagtatalik.

Napalingon siya sa pinto ng kwarto niya ng marinig ang pagkatok don, umalis siya sa kama at naglakad papunta sa pinto at binuksan iyon.

Pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kanya ang seryosong mukha ng kakambal, nagsalubong ang kilay niya.

"Bakit?"

"Naubusan daw sila Kevin, madami pa daw costumer." Tumango tango si Ashton sa kakambal niya.

"Sige, magbibihis lang ako." Tumango lang sa kanya si Greyton at umalis na sa tapat ng pinto ng kwarto niya.

Pagkasara niya ng pinto ay napalingon agad siya kay Antoinette na mahimbing na natutulog, napabuntong hininga siya bago maglakad papunta sa banyo para maligo.

Matapos makaligo at makapagbihis ay dinampian niya lang ng halik sa noo ang natutulog na kasintahan at hindi na ito ginising para makapag paalam.

Pagbaba niya ay nakahanda na ang mga itim na bag na dadalhin nila sa Club Spade para ibenta, milyon ang halaga ng mga iyon kaya tyak na madami ang kikitain nila ngayong gabi.

Lumingon si Ashton kay Callie na nakaupo sa tabi ng kapatid niya.

"Kapag nagtanong si Toni, sabihin mo nalang trabaho ang pinuntahan namin." Tumango naman sa kanya ang babae kaya tinignan niya ang kapatid at tinanguan senyales na aalis na sila.

Nang maglakad palabas si Ashton ay sumunod naman agad sa kanya ang kapatid matapos humalik sa kasintahan nito.

"It's supposed to be my 'babe time' with Callie now, but here we are working." Reklamo ni Greyton na nakaupo sa passeger seat habang si Ashton ay nasa driver seat na siyang nagmamaneho.

Napailing nalang si Ashton, kahit gaano din niya kagustong makasama pa si Antoinette kailangan din naman niyang magtrabaho para hindi lumipat sa ibang dealer ang mga parokyano nila.

Nang makarating sila sa Club Spade na pag mamay ari ng nag ngangalang Mr. Cammeron na kaibigan nila Mr. Wright at Mr. Perkins, bumungad agad sa kanila ang nakakabinging tugtugan at hiyawan ng mga tao.

Nagkatinginan ang dalawa at napangisi, may bandang nagpe-perform sa stage habang ang mga tao ay nakikisabay sa pagkanta habang humihiyaw, halatang mga wild na ang mga ito at mga nakagamit na.

Lalong magwawala ang mga ito pagpatak ng alas dose sa club na iyon kung saan magmimistulang sex club ito dahil sa kaliwa't kanang mga naghahalikan at nagtatalik na magkakapareha.

Iniiwasan ng dalawa na may makabangga habang naglalakad papunta sa pwesto kung nasaan ang pinsan nilang si Kevin.

Napailing sila ng makita itong nakaupo sa isa sa mga stool sa bar counter habang nakikipaghalikan sa isang babae, nang makalapit ay tumikhim si Greyton pero dahil sa lakas ng tugtogan don ay hindi ito narinig ng lalaki kaya naman walang nagawa si Ashton kung hindi tapikin ang balikat nito pero hinawi lang ng pinsan ang kamay nito at patuloy sa pakikipaghalikan sa babae.

Fuckgirl SQUAD (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon