We're just staring at Jana and waiting for her to speak while we're here at the company's cafeteria.
"Ano na, bitch? Bakit ka nga nagkakaganyan. Mugto pa yang mata mo, mukha kang broken hearted eh!" si Chic na hindi na makahintay magsalita kay Jana.
"Eh, kasi may nangyari na sa'min ni Rigs." sabi naman ni Jana
"Oh, tapos? Bakit maga yang mata mo? Sa mata ka ba pinaputukan?" si Ems naman na nakataas kilay pang nagtanong.
Napasintido naman ako. "God, Jana! Wag mong sabihin sakin na nilamon ng lupa ang hinayupak na yon pagkatapos may mangyari sa inyo?!" Napa singhot naman si Jana at tumango.
"Kingina!" nabitawan ko ang kutsarang hawak ko. "Tsk! Sabi ko na nga ba. Alam mo Jana, hindi kita masisisi kung minahal mo. Pero sana naghinay-hinay ka. 8 weeks pa lang kayong magkakilala, kaya yang mga insta-love na yan mahirap paniwalaan eh."
"Kailan ba may nangyari?" tanong naman ni Gwen.
"2 weeks ago. Tapos pagkahatid niya sa akin kinabukasan hindi na nagparamdam." Maluha-luhang sabi ni Jan.
"Ano!? Siguro naman pinagamit mo ng condom. Masasabunutan na talaga kita kapag umiling ka!" napapikit na lang ako ng makita kong umiling siya. Kaya naman yung kamay ko ay sumabunot ng bahagya sa tuktok ng ulo niya at inalog ng konti. Maalog man lang yung utak niyang nakatulog yata!
"What the hell!" Medyo napalakas na sabi ni Chic kaya napatingin sa amin ang mga ibang kumakain sa cafeteria.
"Pero safe naman ako, tsaka sabi niya hindi naman namin kailangan non. Dahil if ever daw papanagutan niya ako. Sabi niya mahal niya ako eh, naniniwala ako don!"
"Baka naman may reason kung bakit biglang hindi nagparamdam. Malay natin baka may something na inasikaso yung tao." sabi naman ni Gwen.
"Mahal mo ba talaga siya?" tanong naman ni Ems.
"Oo. Sabi niya kasi sakin nung nanliligaw pa lang siya, gusto niya ako at alam niya daw na magtatagal yon. Mahal ko na siya eh, kaya ayon binigay ko na."
Napayakap na lang ako kay Jana. "Oh siya, tama na ang iyak. Nangyari na yan eh, kahit maki iyak pa kami hindi na maibabalik ang nawala. Okay?"
Tumango naman siya kaya kumalas na ako sa pagkakayakap. "Mag move on ka, pero hindi ko naman sinasabing agad-agad. Timbangin mo rin ang sarili mo, baka nga may dahilan siya. Malay natin baka nga mahal ka niya rin talaga. Pero wag mong masyadong punuin ng pag asa yang puso mo." sabi ko habang idinikit ang daliri ko banda sa dibdib niya. "Just make it ready. Kasi kung anu't ano man ang paliwanag niya, pwedeng maging sobrang saya o baka tuluyan kang madurog."
Napatingin naman ako sa entrance ng cafeteria dahil may nahagip ang mata ko. "At kapag sinabi kong ready, magready kayo dahil ang punyetang insta-love ay paparating na! Kingina talaga!"
Napahagikgik naman ang mga kasama ko ng mapatingin sila sa tintignan ko.
"Tagal na niyan Red ha? Hindi pa rin sumusuko?" sabi ni Ems at bahagya akong siniko sa tagiliran.
"Hello, ladies! Oh, Ms. Navarre what happened to you?" bungad sa amin ni Sir Cerezo ng makalapit sa pwesto namin. "Red roses for my beautiful Red." nakangiting sabi niya habang inaabot sa akin ang pumpon ng bulaklak.
"Thank you, Sir. Pero hindi na sana kayo nag abala pa. Isa pa hindi naman po ako mahilig sa bulaklak." sabi ko na hindi tinatanggap ang bulaklak.
"Bakit naman? Hindi ka pa rin ba naniniwala na gusto kita?" nakangiti pa ring tanong ni Sir Cerezo.
YOU ARE READING
BITCHES SERIES 1 💗RED💗 : Love At First Sight
General Fiction"Don't be scared, if one day you won't see me. I will always be a part of you. I will stay in your heart forever, and that means everyday."