Chapter 15 : LoveNest

22 0 0
                                    

Nang makarating kami sa dining area ay isang malaking kwadradong table ang nadoon. Yung tipong kapag nagbulungan kayo ng katabi mo eh kayo lang talaga makakarinig.

May iba't-ibang putahe sa mesa na hindi ko malaman ang pangalan pero mukha namang masarap. Dalawang putahe lang yata ang alam ko doon. Yung beef broccoli at yung orange chicken. Parang hindi yata match? Anyway bahay nila to, baka yan ang gusto nila.

"Let's dig in!" Sabi ni Onyx kaya naman nagsipag-upo na kami. Pinaupo naman ako ni Higs sa malapit kila Onyx, tapat namin sila Garrett tapos sa kabilang side sila Tristan. Lovers-lovers talaga ang peg.

Tinanong ko naman si Higs kung anong gusto niya, feeling ko ako ang host ng bahay kaya asikaso naman ang lola niyo. Anyway ganon na talaga ako ever since, maasikaso.

"Totoo pala ang sabi ni Rave, maasikaso ka daw." sabi ni Yvonne.

"Ah, medyo." natatawa kong sabi. Tapos bumaling naman ako kay Higs.

"Hindi mo naman sinabi babe na ikinukwento mo pala ako sa kanila. Baka mamaya kung ano-anong sinasabi mo ha?" May pataas kilay pang sabi ko.

Napatawa naman ng mahina ang mga kasama namin sa table kaya naman nakangiti akong lumingon sa kanila.

"Wala naman siyang naikwentong masama about sayo. Maliban na lang sa..." pambibitin na sabi ni Tristan.

"Sa...?" tanong ko pero kay Higs ako nakatingin.

"Hey, babe! Kumain ka na lang. Wala akong kinukwento okay?"

"Talaga lang huh? Siguraduhin mo lang kung hindi kukurutin kita sa singit!" sinadya kong lakasan ang pagkakasabi ko na lalo namang nagpatawa sa mga kasama namin.

"Sakit naman nun babe! Wag naman doon!" sabi naman ng harot na lalaki.

"Joke lang, kain ka na!" sabi ko sa kanya at bahagya akong lumapit sa tabi niya. "I love you." Bulong ko.

"Oh, cheese! We heard that!" Sabi nung Garrett na nasa tapat namin. Nagsisitawa naman sila ng mahina pati na rin si Higs.

Nanlaki naman ang mata ko sa hiya at napayuko. Grabe ang lakas naman ng pandinig nila. Mahina na kaya yun! Oh no! Ang init ng face ko!

"Oh, gosh! She's blushing!" nakatawa namang sabi ni Yvonne na lalong nagpatawa sa kanila. Aba! Ginawa na nila akong source of entertainment!

Sa sobrang hiya ay hinablot ko sa dibdib si Higs at sumubsob doon. "Higs! Ibulsa mo na ako, please!"

Lalo kong isinubsob ang mukha ko ng marinig kong naghagalpakan sila ng tawa. Pati si Higs ay nakikitawa na rin sa kanila.

"Don't mind them babe. Kain ka na." Sabi niya sa akin. "Enough guys, pakainin niyo naman muna si Crim." Natatawa pa ring sabi niya.

Bumalik na lang ako sa pagkain at itinutok na lang doon ang mga mata ko. Hindi na ako nag-abala pang asikasuhin si Higs at baka kung ano na naman ang mangyari.

***

Pagkatapos ng dinner ay nagyaya sila na sa living room na lang daw kami. Kaya naman sabay-sabay na kaming tumayo at naglakad palabas ng dining area. Lahat nga daw sila ay doon nakatira sabi ko nga eh, hindi bahay ang tawag dito kundi Lovehay.

BITCHES SERIES 1 💗RED💗 : Love At First SightWhere stories live. Discover now