Chapter 20 : Necklace

25 0 0
                                    

We spent the afternoon with full of laughter. We've gone jet skiing and raced with them. It was so fun I could smile until forever.

Pagdating ng gabi napagkasunduan na sa resto na lang nang resort mag-dinner and after we'll be having a bonfire near the cottage.

At dahil ang mga kasama kong girls ay mahilig sa fashion, sila na naman ang nasunod sa kung anong susuotin ko ngayong gabi. Hindi sila pumayag na mag-shirt at jeans ako. Ginagawa na nila akong life size doll nila.

"D, pano ba to? Alin ba ang harap at likod dito, halos pareho lang eh!" sabi ko kay D habang sinusukat ang mga dress na ipapasuot daw nila sa akin.

"Come here, I'll help you with that."

Lumapit naman ako sa kanila at hinubad ulit ang dress. Nakaka tatlong palit na ako at pang apat na nga ito. Hindi ko gusto yung mga nauna dahil kung hindi sobrang fit, maiksi naman.

"Done! Turn around." Sabi ni D, kaya naman umikot ako. "You really are stunning, you know that?"

"Thanks girls! Tama na yung papuri niyo, lalo akong liliit niyan eh."

Ipinasuot nila sa akin ang isang baby blue floral off-shoulder beach dress na 3 inch lower sa tuhod ko.

"Now for your hair." Sabi naman ni Ice.

"Ano, Ice wag mo nang ibaba ulit. Sanay talaga ako na naka bun. Feeling ko may buntot ako eh!" agad na pagpigil ko.

"Then you should cut your hair. Kahit na hanggang diyan lang sa waist mo."

"Hmm. Pag iisipan ko muna."

Inayos naman ni Ice ang buhok ko. Hindi nga niya inilugay ang buhok ko, she put it in a high messy bun tapos may mga curls pa.

Sa totoo lang hindi ko alam kung anong pinag gagagawa nila sa akin dahil hindi ako mahilig mag-ayos. Basta hindi nakasabog ang buhok ko sa mukha ko ay okay na ako.

"Thank you! Tama na to, wag niyo na akong lagyan ng make up. Wala namang grand occasion. Tara na hindi pa ba kayo gutom?" tanong ko sa kanila at naiiling na lang sila.

Nasa kwarto kami nila Ice dahil yun ang gusto nila. Wala naman talaga akong magagawa sa mga gusto nila, kaya go with the flow na lang.

"Alright. The boys are already downstairs, kanina pa siguro nagmamaktol si Garrett. Pareho kayo non eh, palaging gutom!" sabi naman ni Yv na siyang naunang tumayo.

"Eh, bakit nga ba palaging gutom si G? Lagi mo sigurong pinapagod, kaya ganon!" sabi ko sa kanya na pataas-taas pa ng kilay.

"Of course not! Ako nga ang lagi niyang pinapagod dahil ilang beses ba siyang umuulit bago—"

"Hep! TMI na Yv! Okay na. O sige na ikaw na ang pagod." nagkakatawanan kaming sabi ko at lumabas na ng kwarto.

"Una na kayo sa baba, ihahatid ko na muna itong pinagbihisan ko sa room namin." paalam ko sa kanila.

Nang makarating na ako sa baba ay nasa pinto na silang lahat at ako na lang ang hinihintay. "Let's go! Gutom na me!" sabi ko in a singsong voice.

Sabay-sabay namang lumabas sina D, susunod na sana ako nang hindi pa rin kumikilos si Higs. Kaya tinapik ko na sa pisngi. Natulala sa beauty ko!

"Babe! Tulala ka! Wag kang mag-alala ngayon mo lang ako makikitang nakadress!" Sabi ko sa kanya pero nakatitig lang siya sakin.

Naririnig ko naman ang mahihinang tawa ng mga kasama namin na hindi pa makaalis dahil hinihintay kami.

"Uy! Gutom na ako babe, halika na! Baka ikaw pa makain ko!"

"You're so beautiful." sabi niya at binigyan ako nang halik sa labi.

"Thank you, I love you babe. Pakainin mo muna ako bago pa ako matunaw." Sabi ko habang bahagya pang magkadikit ang labi namin.

Napangisi naman siya at inakay na ako sa beywang at lumabas na kami ng villa. Hindi naman gaanong malayo ang resto kaya naman nilakad na lang namin papunta doon.

We ate our dinner as how we have our usual dinner. Simula nang makasama nila ako, palagi nang merong napag-uusapan. Minsan kahit na maliit na bagay ay napagsasanga-sanga namin at kung saan-saan na nauuwi ang usapan.

We're done eating and just resting a bit nang tumayo si Higs at pumunta sa likod ko. Sinundan ko naman siya ng tingin then he lean down to kiss me.

"Happy monthsary! Close your eyes!" Hah! Gift giving moment na naman!

Nakangiti naman akong ibinalik sa harap ko ang tingin at nakita ko rin ang mga kasama kong nakangiti. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinintay kung anong ibibigay niya.

I felt a cold thing around my neck, kaya naman naimulat ko ang mata ko at automatic na kinapa ko ang nasa leeg ko. Pagkahawak ko pa lang doon ay napalingon ako agad kay Higs.

"Higs!?" Tapos ay tumayo ako. "How...? Why?" Hindi ko alam kung paano at kung ano ang sasabihin ko.

"You deserve everything, Crim. I will give you everything that can make you happy." sabi ni Higs at kinabig ako para yakapin.

It was the Sagittarian necklace na palagi ko noong tinitignan sa mall. "I don't know what to say!" I looked up on his face teary eyed. "I love you so much!"

"I love you too! So much!" then he kissed me. I kissed him back not minding our friends whose watching us.

Pinutol niya ang halik at muli akong niyakap nang mahigpit. I was smiling and pulled his face towards me and showered him kisses saying I love him in every kiss that I gave.

I pressed my lips to his and told him again that I love him and claimed his lips. I can't contain the happiness that I'm feeling so I can't stop kissing him and telling I love him.

"Babe, mabubura na yung mukha ko." natatawang sabi ni Higs.

Natatawa naman akong huminto at muli siyang niyakap. I burried my face and his chest and hugged him so tight, he can't breath.

Umupo kami ulit, at nakipagkwentuhan ulit sa mga kasama namin. Inusisa ang regalo ni Higs and the girls can't stop from smiling. Telling that it was so sweet.

Maswerte ako kay Higs at alam kong mahal niya ako na katulad ng pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kung darating ang araw na mawala siya sa akin. Maybe I'll get insane or die.



***

Umalis na kami sa resto at naglakad-lakad na lang muna sa resort papunta sa cottage. Naka-set na ang bonfire pagdating namin doon. May nakapalibot na carpet sa bonfire at may ilan ding throw pillows.

"Happy Birthday to my ever lovely girlfriend Dana! And happy monthsary to you touchy lovers! Let's celebrate!" Sabi ni X nang may dumating na isang cooler na may mga beer at meron ding mga chips.

"Happy Birthday D! More Birthdays to come and make babies!" sabi ko na ikinatawa nilang lahat. "Ay mali! Be happy dapat yon!"

"Thanks, Hun. Happy monthsary to the both of you. Love more and make babies!" Nagkatawanan kaming lalo sa sinabi niya. "I won't take that back. I'm serious, make babies."

"Uhm, sige later gawa kami ng little Higs!" Biro ko naman at nagsisipag hiyawan ang mga lalaki.

Bumulong naman ako kay Higs. "That's a joke. But it's not a joke that I love you so much babe! Happy monthsary!"

"Happy monthsary babe!" bulong niya rin at binigyan niya ako ng smack kiss.

We were both smiling pagharap namin sa kanila. They were all smiling at us and I know that they are happy for the both of us.

Well I'm not just feel happy. I feel grand!

BITCHES SERIES 1 💗RED💗 : Love At First SightWhere stories live. Discover now