Kabanata 7

3 0 0
                                    

I know.

Totoo ba 'yong narinig ko?


Pakisampal nga ako? Nanigas ang aking mga paa't hindi maikilos. "Ssen? " Pag aalala ni Ampere.

"K-Kaano-ano mo siya? "

Tumingin kay Al. "Boyfriend ko siya, Ssen "


Itinaas ko ang kaliwang kamay na parang nanunumpa.


Hinila siya ni Al palayo sa akin. Hindi nakaligtas sa akin ang pag sama ng timpla nito. Malamang ay nakuha niya kung bakit ako nagtaas ng kamay. "Relax, Sepe " Pinakiramdaman ang paligid kaya't 'yong mga guard ko'y umatras. "Hindi ko siya sasaktan dahil kaibigan ko siya "

"Abah, Malay ko ba? " Sarkastiko n'yang sabi.

Maging ako'y napa-sarkastiko na rin. "Baka ikaw pa ang manakit sa kanya? "

Ngumisi ito na may tagumpay sa labi. "Pero nasaktan ka rin " Ouch. Oo na! Oo na! Nasaktan ako! Hindi ko naman alam na ganitong babae lang pala 'yong type mo?! Short legged, kulot salot, old fashioned at nerdy! De hamak na mas maganda ako ng 7 beses! Ito na ba 'yong maganda sa'yo?


Poorita pa ang isang 'yan.


Tss. "Let's eat, My treat? "

Humarang si Al. "Ako na ang magbabayad sa kakainin namin "

"My treat nga! "

"May pera ako "


Natahimik akong muli.


Pinaypayan ko ang sarili't tumingin kay Ampere. Muli itong yumuko ng makasalubong ang mata ko. Aware ba s'yang magkaaway ang angkan namin? O baka sinadya niya 'to para ipakita sa aking naka-jackpot siya dahil walking jackpot ang boyfriend niya? Looks palang ay hindi ka na lugi, so baka gano'n nga?


Kinumbinsi ko ang sarili sa pag iisip na baka pinaglalaruan lang din siya ni Al.


Patawa.


"Kahit coffee lang akin? "

"Steak and wine sa amin " Sabat ni Al. Tumingin ako't nasa akin rin pala ang mata nito.

"Coffee lang daw gusto niya? "

"Afford ko ang inoder ko, Ms. Buencamino "


Yabang!


"Baka hindi niya alam ang steak and wine? "


Nagulat si Ampere sa sarkastiko kong tanong.


Tumingin sa kanya si Al kaya't muli itong yumuko na ikinatahimik niya. Bumulong si Al at dahil katabi niya lamang ito'y nakaramdam ako ng selos. Imbis na makonsensya, nasaktan ako.

"Hindi ka nalang sana nakipagbati pa " Rinig kong sabi niya sa kasintahan.


Pwe! Mas peke siya! Obvious naman na sasaktan niya ito.


"Hmmm " Nagpanggap akong nasasarapan sa steak kahit ang bitter ng panlasa ko ngayon.

Natigil sa bulungan ang dalawa kaya't na-distract sa presensya ng bawat isa. Pinagpatuloy ko ang pagpa-panggap na ito. Kumuha ng wine at sumulyap kay Al na ngayon ay nasa akin na ang atensyon. With class akong uminom sa kanyang harapan. Mas ngisi mang nasa isip, kabaligtaran 'yon ng nakikita ko sa klase ng kanyang pag nguya. Animo'y naninimbang at hindi pa rin naniniwala sa akin.

"By the way? " Inilapag ang baso. "Saan ka nag aaral ngayon, Ampere? "

"Sa isang polytechnic university "

Burncamino (A war between Buencamino family and a Sepe family)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon