CHAPTER 2
ALWIZA'S POV
Gano'n ba talaga ako kasama?
Nauna nang maglakad si Jhaxine para samahan akong pumunta sa Guidance Office.
Oo, alam kong masama 'yung ginawa ko pero hindi naman 'yun naman masiyadong malala para ipatawag pa nila ako sa Guidance.
"Hoy! Hintayin mo ko!"Sigaw ko habang tumatakbo palapit kay Jhaxine na hanggang ngayon ay wala pa ring imik."Ano ka ba naman? Bakit ka ba nagmamadali?!"
Ano bang problema nito? Galit ba siya?
"Mabuti naman at sumunod ka."Wala pa ring emosyong sagot niya na hindi man lang tumingin sa'kin."Ang hirap kasing magpakabuti sa isang kaibigang hindi naman mabuti."
Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kaniya.
"Ano bang problema mo?! Ikaw ba 'yung binato ko ng marker ha?!" sigaw ko dahilan para mapahinto siya sa paglalakad, napahinto rin ako sa paglalakad."Parang ikaw pa 'yung nasaktan ah?!"
"Oo, hindi ako 'yung pinagtripan mo, hindi ako 'yung binato mo! Pero kaibigan mo ako! Ako lang naman ang nakakapagtiis sa ugali mo di ba? Tsaka isa pa! Teacher 'yun! Teacher 'yun! Tapos babatuhin mo!"Parang galit na wika niya na dinuro pa 'yung noo ko.
"Sino ba talagang bestfriend mo? 'Yung panget na Ma'am Jess na 'yun o ako?!"Pagtatanong ko dito dahilan para mapakunot ang noo nito.
"Ano bang pinagsasabi mo? Ngayon ko lang nakilala 'yun tapos sasabihin mong bestfriend ko! Alam mo pinalalayo mo lang 'yung usapan eh!"Sumbat pa nito.
"Pero parang mas ipinagtatanggol mo 'yung dambuhalang teacher na 'yun kaysa sa akin eh!"Mataray kong tanong ko.
"Bahala ka nga!"
Nagpatuloy ulit siya sa paglalakad at halatang naiinis pa rin siya sa akin Hindi na siya muling nagsalita hanggang sa marating na namin ang Guidance Office.
Nagtanguan muna kami ni Jhaxine bago ako pumasok sa loob ng Guidance Office. Pagkapasok na pagkapasok ko ay agad na tumambad sa akin ang Guidance Councilor na si Ma'am Rivera.
"Ms. Salazar?"Nagtatakang tanong nito.
Alam kong hindi siya makapaniwala na nandito ulit ako sa office--dito sa office na para ko na ring tahanan.
"M-ma'am.."Ang nasambit ko lang tsaka ngumiti ng napakalawak at naupo sa pinakamalapit na upuan.
"Ms. Salazar... ikaw na naman? Ilang beses ka ba talagang mapupunta ditong bata ka?"Parang nangangaral na sabi nito."Sinasabi ko na nga ba at ikaw na naman ang may gawa nito. H'wag mo lang hahayaang ma-kick out ka sa school na 'to. Naiintidihan mo?"
"Wala naman po akong ginawang masama ah?"Depensa ko.
"Nagpaliwanag sa akin si Ma'am Jess, at sinabi niyang binato mo siya nang marker. Ano ba talagang meron diyan sa isip mo, Ms. Salazar?"
Tss...
"Nu'ng Grade 7 ka, pinindot mo ang Fire Alarm. At nu'ng Grade 9 ka, kinulong mo ang mga kaklase mong cleaners at tinago mo ang bag ng teacher niyo--Tapos ngayon?"Iritableng sabi nito na napakamot pa sa kaniyang ulo."1st Offence na 'to, Ms. Salazar! Huwag mo nang hintaying mapa-kick out ka ulit dito sa school! Naiintidihan mo ba?"
Tumango ako. Pero ang totoo, wala akong naintidihan.
Ano ba talagang masama sa ginawa ko at nagagalit silang lahat? Maiintidihan ko pa sana kung si Ma'am Jess lang ang magalit pero 'yung silang lahat? Para namang binato ko sila isa-isa ah?
Tumalikod na ako at nagsimula nang maglakad palabas. Hindi na ako lumingon pa kay Ma'am Rivera at dere-deretsong lumabas ng pinto.
"Nakakainis!"Singhal ko at inilibot ang aking paningin sa paligid para hanapin si Jhaxine.
Sinubukan ko pang lumingon sa kaliwa't kanan, harapan, likuran, timog at hilaga--pero wala!
Sa'n kaya nagpunta 'yung babaeng 'yun?
"Grabe naman 'yun! Ang OA, kala mo naman maganda!"
"Oo nga! Si Froze na nga ang nakabangga, ang arte pa!"
Napalingon ako sa dalawang babaeng naglalakad sa harapan ko habang malakas na nagbubulungan.
Speaking of OA-- Jhaxine Mohwarba!
Dali-dali akong naglakad patungo sa pinangggalingan ng dalawang babaeng nag-uusap kanina.
Malakas ang pakiramdam ko na si Jhaxine nga ang pinag-uusapan nila.
Bwiset ka talagang babae ka! Grrrrr!
At hindi nga ako nagkamali, nakarating ako sa Canteen at du'n ko siya naabutan na...
"Tingnan mo 'yung uniform ko, oh! Anong susuot ko ngayon?! Hindi ka naman kasi tumitingin sa dinadaanan mo kuya?!"Maarteng sigaw ni Jhaxine na nagtatatalon pa dahil sa inis habang nakaturo pa sa uniform niya na natapunan nga ng juice.
"Miss, I'm sorry! Hindi ko sinasadya!"Paumanhin naman nu'ng lalaki, at hindi nga nagkamali 'yung dalawang babae kanina dahil gwapo nga siya at umaarte pa 'tong si Jhaxine.
"Kuya, anong sorry ha? Nakikita mo ba 'tong ginawa mo sa uniform ko? Ha? Kuya? Gusto mo bang ipadila ko sa'yo 'to?!" Mas lalong umarte ang pananalita ni Jhaxine.
"Jhaxine!"
Napalingon sa akin ang lahat ng bigla akong sumigaw, maski ang mga nakikinood sa kanila.
"Alwiza! Bestfriend! Nakikita mo ba 'tong ginawa sa'kin ng lalaking 'yan? Ha?" Nanlalaki ang mga matang tanong niya.
"Oo, may mata ako. Ano bang ginagawa mo? Ha? Sinasabihan mo akong magpakabuti, eh ano 'tong mga ginagawa mo?"Sumbat ko dito. "Halika na, bumalik na tayo sa Classroom."Hinila ko siya ngunit tinanggal niya ang kamay ko sa kaniya.
"Hindi ako titigil! Makikipagpatayan muna ako sa mga lalaking 'to!"Wika niya pa at napatingin naman ako sa kanila.
May kasama pa pala siyang tatlo....
Gosh! Ang g-gwapo nila!
Tiningnan ko sila isa-isa, 'yung nakabunggo kay Jhaxine ay mukhang playboy hahaha!
'Yung isa naman ay mukhang tahimik! 'Yung nasa bandang likod ay nakasalamin at mukhang nerd pero gwapo pa rin pero ang mas nakakuha ng aking atensyon ay ang lalaking nasa gitna at walang emosyong nakatingin sa akin.
Singkit ang mga mata, maputi ang balat, mapula ang mga labi, at sobrang gwapo niya.
Ano kayang pangalan niya?
"Froze! Halika na! Hayaan mo na sila!" Nagulat ako ng bigla siyang magsalita at grabe--ang lambing ng boses niya at may english accent pa! Waaaah!
"Hinde! Pagbabayaran niyo 'to!"Malakas naman na sigaw ni Jhaxine.
"Oh, miss, 300 pesos!" biglang abot sa kaniya 'nung Froze.
Yabang ah?
Ngunit hindi ito inabot ni Jhaxine at nanatiling nakatingin dito. Bigla naman akong nanlamig ng biglang lumapit at humarap sa akin 'yung lalaking gwapo na kasama nu'ng Froze! Waaaah!
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko lalo na nu'ng magtama ang paningin namin.
"H-hi!"Bati ko at napangiti ng bahahya."A-anong pangala--"
"Excuse me?!"
Bahagya akong namula dahil sa pagkapahiyang naramdaman ko at do'n ko lang nalamang dadaan pala siya at nakaharang ako.
"Ah---ahh! Sorry!"Ang nasabi ko na lang tsaka napapahiyang tumabi at luampit sa kinaroroonan ni Jhaxine.
Grabe naman siya! Grrrrr! Nakaka-turn off, sayang gwapo pa naman pero mula ngayon ay ituturing ko na siyang panget sa paningin ko! Sa ganda kong 'to?! Ine-excuse me-excuse me niya lang ako?! Wow!
Pero sa tingin ko? Kailangan kong gumawa ng plano.. Hahahaha! Kala mong panget ka, ah?
BINABASA MO ANG
I Hate You, But I Love You (season 1)
Ficção AdolescenteMeet Alwiza Salazar, ang matalinong babaeng ubod ng sama. Pilyo, loko-loko, baliw, at maldita. Lahat ng masasamang katangian ay nasa kaniya na. Ngunit sa muling pagbabalik niya sa Williams Academy ay makakabangga niya ang isang lalaki, isang lalakin...