Paliparan

10 2 0
                                    



Minsan, ang iyong pinaka-kinakatakot na gawin ay ang pinakamagandang bagay na magpapalaya sa iyo. Magpapalaya sa iyo sa lahat ng sakit, inis, poot at kalungkutan na dulot ng pagkaiwan, at pagkabaliwala.

Tayong mga tao ay alam na alam nang maiiwan at mangiiwan pagdating ng panahong naitakda na. Literal man o hindi aminin natin sa ating mga sarili na nakakadulot ng pagkabahala sa ating mga isip ang kaisipang ito.

Minsan sa buhay ko nakarinig at nakakita na ako ng taong naging biktima na ng sakit na dulot ng pangiiwan. May mga tao akong nakasalamuha na bitbit bitbit parin ang bakas ng sakit nito.

Magsisinungaling ako kung hindi ko sasabihing ngayon ay hindi niya na iyon dala dala, magsisinungaling ako kung sasabihin kong baliwala nalang iyon sakanila ngayon. Ang kalungkutan na dulot nito ay eternal, mabura man ang poot ngayon ngunit hinding hindi mabubura ang bakas ng pangiiwan, bakas ng iniwanan.

Kung ikukumpara ko ngayon ang mga taong nasa isipan ko ngayong sinusulat ko ito ay mayroon silang magkakaibang dahilan at pinanghuhugutan ng kalungkutan at poot ngunit mas lamang talaga ang naiwanan dulot ng pagkakaulila. Uulitin ko, literal man o hindi mas grabe ang naidudulot ng pagkaulila.

Sa aking patuloy na pagsusulat mas dumadami ang mga taong na sa utak kong nabiktima na ng sakit dulot ng pagkaiwan. Aaminin ko, nahihirapan ako kung saan ko uumpisahan ang mga ito, nahihirapan rin ako kung paano ko ito tatapusin sa kadahilanang masyadong malawak ang kaisipan ng tanong na 'bakit may mga taong naiiwan?'.

Pero, bakit nga ba talaga? Dahil ba trip lang nilang mangiwan mangiiwan na sila? May malalim ba na rason kaya sila nang-iiwan? O dahil hindi na nila alam ang gagawin kaya sila nangiiwan? Ano nanaman bang problema ito?! Eh kahit ano namang pinagmulan niyan eh ang ending parin naman ay may mangiiwan at maiiwan parin!

Ang ending parin naman ay mangiiwan parin naman tayong lahat dahil walang permanente!

Ako ang tipo ng taong pag may aalis ay iniiwasang tingnan ang likuran nito, ako ang tipo ng tao pag may paalis na ay parang may nakabara na sa lalamunang malaking bato at hirap ng lumunok. Hindi ako ang tipo ng taong umiiyak sa sitwasyong iyon, hindi ako kadaling ngangawa pag may nangiiwan by will man o by need.

Noong unang beses ko namatayan ng aso ay aaminin ko grabe ang iyak ko non. Sapilitan akong pinaalis sa bangkay ng nakadilat kong aso, sapilitan rin akong pinakain ng hapunan.

I spent my whole day dreaming my dog was still alive. Ngawa na kung ngawa dahil bata pa lang ako non wala pang masyadong puwang sa katotohang lahat ay may katapusan.

Di pa kasi nauuso ang salitang 'Walang Forever!' noon. Ang pinaka mahirap lang na tanong na nasa isip ko ay 'Ano ang mas nauna itlog o manok?'

May mga taong ayaw sa ideyang maghahatid sa airport dahil sa kalungkutang nasa isip katulad nalang na lahat ng mga taong nasa airport ay malungkot kumbaga parang na trauma sila sa dati nilang sarili na nadala nila sa ngayon.

May mga tao rin gusto at nakasanayan na ang ideyang paghatid sa airport dahil sa puro 'malay natin' na salita at kasabihan.

Ang buhay ng tao ay parang sequence ng push and pull, up and down, vice versa, at advance and step backwards again. Pag malapit ng marating ang tuktok, magdadalawang isip pa yan at minsan, sa bandang huli ay tatalikod nalang at magiisip nanaman ng paraan para marating ang pinanggalingan.

Pag may problema o di nauunawaan ay tatalikod yan at mangiiwan, minsan pag bumalik yan ay asahan mong may tatakbo palayo. Parang kalahati ng pagkatao ang nawawala dahil sa sakit na dulot nito

BASTA ang pinaka malinaw ko lang na maibabahagi ay may mag-give at may magt-take, may mangiiwan at may iiwanan pero sana sa mga nagbabalak mangiwan ng literal dahil sa kadahilanang hindi na alam ang gagawin, sa mga nagbabalak mangiwan pakipilit hintayin ang tamang oras.

Sa mga wala namang balak at ineexpect na maiiwan sa huli ay magpakatatag ka, may tamang oras para sa bagay bagay, may tamang oras para lumaho ang orasang nasa ating harapan.

-Live Your Life To The Fullest-

POV Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon