Ano kaya ang pakiramdam ng ipaglaban?
Yung pakiramdam na gusto ko ako naman
Yung kahit sandali maranasan ko kahit hindi ako kalaban-laban
Na sana kahit ngayon lang hindi naman ako sukuanDahil sa laban walang kahit sinong gustong mabitawan,
Pero pumipili naman tayo ng taong duwag manindiganKasalanan ba nilang sila ay duwag,
O natin 'pagkat pumili tayo ng lalaking ni ang manatili'y hindi binalak?
Ayan na't mayroon na ngang pamantayan
Ngunit bakit 'di sundan pa at sa kanila'y binababaan?Batid kong mahirap kataluhin ang pag-ibig
Pero babae tayo't kung kanino dapat titibok puso natin ay batidKung bakit ba naman hindi tayo naging karapat-dapat sa pagsugal nila,
At naging tambayan lang na kayang iwan pag naisin na
Kung sa simula sana'y isina isip natin ang ating halaga
Pagtanggi sa patibong ng pag-ibig ay madali naTama na yung isang beses ay masaktan tayo dahil sa duwag na ginoo,
Huwag isabak ng isabak pa ang puso.
Hintayin na lamang natin ang taong kayang lumaban hanggang dulo
At manindigan sa sitwasyong kailangan natin ng pagsaloDahil sa laban, hindi dapat tayo ang naiiwan
Hindi dapat tayo ang nasasaktan,
Hindi tayo ang iaabanduna,
Dahil sa laban hindi tayo ang mandirigma
Kundi ang tropeong tanging pabuya.
BINABASA MO ANG
100 TULA: Sa Panauhin ni Kupido
PuisiOras na inilaan sa pagsulat: 13 araw at 6 na oras