Prologue

0 1 0
                                    


"Maganda na ba ako?" Tanong ng isang babae sa kavideo call nito habang pilit nitong nagpoposing sa harap ng cellphone

"Ano na naman bang trip yan Mendez?" Inis na singhap sa kaniya ng binatang si Ranz

"Look kailangan maganda ako okay? Kailangan ko ng makakuha ng info dun sa artistang yun at makumpirma kong womanizer talaga siya!" Nakangiting sabi ni Wizkler at di pa rin matigil sa kakaposing habang si Ranz ay nagpipigil na lang ng tawa sa ginagawa ng dalaga

"So you're using yourself as a bait? O c'mon Wiz sa tingin mo papatulan ko nun?" Nakangising sabi ni Ranz na ikinasimangot ni Wiz

"Pag ako nakabalik diyan sisiguraduhin kong kakalbuhin kita! Diyan ka na nga walang kwenta kang kausap!" Inis na sambit ni wiz at pinatay yung tawag

Inihanda niya agad yung mga gagamitin niyang camera, ang hikaw nya na may maliit na camera sa loob pati din sa pekeng diamante na nasa kwintas nya ay nilagyan nya din ng camera

Taas noo syang naglakad papunta sa condominum at pagewang gewang pa sya sa paglakad na inaakala niyang sexy siya tingnan

Nang makita niya ang target niya ay agad syang nagmadali na makapasok sa loob ng building at bago pa mag sarado ang elevator ay nakapasok na siya

Napangisi siya dahil silang dalawa lang sa elevator, ilang beses niyang pineke ang ubo para mapansin siya ng lalaki ngunit tila walang narinig ito na ikinainis niya
oo
"Hmm I'm so hot" malanding sabi niya at pilit na ineexpose ang mga binti nya sa lalaki at yung kinahiling hilingan niyang mapansin siya ay nangyari rin

Nginitian niya agad ang lalaki at kumagat pa siya sa labi para maakit ang lalaking artista at sa di inaasahang pangyayari ay dineadma lang sya sa kabila ng pang-aakit nya, magsasalita na sana siya ng bumukas na ang elevator at tuluyan ng lumabas ung lalaki

"Bwisit! Akala ko ba womanizer yung the great Arcel Kyle na yun ha?! Letcheee kaa!!! Maganda naman ako ah?! Nakakaakit naman ako?!" Inis na sabi niya habang nagpapadyak sa elevator

She's My StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon