Chapter 8

130K 4.3K 2.3K
                                    

Chapter 8


"Ang gwapo niya talaga, 'no?"

"Huh?"

"Si Jack!" nginuso ni Zechariah ang matangkad na lalaking naglalakad ngayon sa hallway. He's with his friends and most of the girls are ogling at him as he walked as if he rules the place.

"Ahh... oo." I muttered.

Tinapunan ko ulit ng tingin si Jack bago kami pumasok sa aming classroom. He really is handsome. Plus, he's bright. Siya ang running valedictorian ng batch namin ngayon. Despite the fact that he's a handsome genius, for some reason, I find him a bit... childish. Siguro kasi nakikita ko pa siyang nagdo-dota kasama ang ibang mga kaibigan o di kaya'y tumatambay sa bilyaran kapag walang masyadong school works na ginagawa.

"Alam mo na ba kung anong kurso ang kukunin mo sa college, Stormie?" tanong sa akin ni Zechariah nang makapasok na kami. Hindi naman dapat kami magkatabi, dahil Roman ang apelyido ko at siya naman ay Cheng. But she insisted, despite having been marked as absent every time our teacher calls for attendance. Lalo na ang guro namin sa Filipino. Naha-highblood na makita lang niya ang katiting na anino ni Zechariah.

I scratched the back of my neck. I actually want to take a creative writing program, but my father opposed to it. Gusto niyang political science ang kunin naming dalawa ni Shantel. I want to protest but Shantel has already agreed. Wala rin akong karamay kung poprotesta pa ako kay Dad.

"Political science..." labas sa ilong kong wika.

"Hmm. Matalino ka naman. Kahit anong kurso na kunin mo, bagay sa iyo."

"Ikaw ba?"

Zechariah snorted. "Di pa nga sure kung pag-aaralin ako ng ermat ko. Ang sabi niya mag-asawa nalang daw ako para hindi na ako nakikitira sa kaniya at nagiging pabigat!"

Hindi ako nakasagot kaagad. I know Zechariah and her family's situation. Kabit ang mama niya ng mayor ng San Fernando. Zechariah is actually the mayor's illegitimate daughter. Matagal nang namatay ang isyu sa pagitan ng mama ni Zechariah at ng Mayor, pero hanggang ngayon ay hindi naman ipinapakilala ng mama ni Zechariah siya sa totoo niyang tatay.

"Tsaka, ayaw ko din sa matandang gurang na iyon 'no! Kaibigan kaya yun ng tatay mo. No offense ha, but I'm sure his attitude is just ill as your father!"

Huminga ako nang malalim at itinuon ang mga mata sa pisara. Malapit na kaming magtapos ng high school. I bet my father would just enroll me in the community college next to this school. Shantel and I could never be seen in the same college.

"Next week na magsisimula ang graduation practice ninyo. Tell your parents that you might go home late for the next two weeks..." anunsiyo sa amin ng aming class president.

Kanina pa inip na inip si Zechariah na umuwi kaso hindi puwede kasi may class meeting pa kami. Tsaka, may attendance at minus five kapag um-absent kami sa meeting na ito.

Zechariah sighed loudly. Napatingin sa amin ang presidente at bahagyang nagtaas ng kilay.

"Any problems, Ms. Cheng?" he rose a brow and pursed his lips.

"Ito lang ba ang pag-uusapan natin? Puwede namang isend nalang sa GC, eh! Nag-meeting pa talaga..."

Allen pursed his lips and glared slightly at my friend, before he resumed talking. Siniko ko nang bahagya si Zechariah at pinandilatan ng mga mata.

"The list of honors will be announced later on this week. Students with honors and awards are most likely to sit at the front row."

Nagpatuloy ang meeting at natapos pagkatapos ng trenta minutos. Maraming nagtatanong kung mandatory pa bang dalhin ang mga magulang nila sa graduation day, o kung dapat bang mag-heels ang mga babae. I remained silent on my seat until we finally headed out of the classroom.

Deceret Series #1: His Lips On My NeckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon