Chapter 5

21 10 0
                                    


Ilang araw na rin ang lumipas nung nagkita kami ni Aliaa. Huli na pala naming pagkikita yun kaya masyado siyang sweet sa akin. Hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakikita. Ilang beses na akong pumupunta sa bahay nila, ni hindi ako kayang kausapin o titigan manlang ng mga katulong nila. Tinotoo niya ba talaga ang sinabi ng daddy niya? Papayag ba talaga siya na magpakasal sa lalaking yun? Akala ko ba hindi niya yun mahal?





Ilang linggo na rin ang lumipas, hindi ko parin siya nakikita. Ni anino niya hindi ko manlang makita. Totoo nga yung sinabi ng daddy niya na magpapakasal na siya. Bakit niya nagawa sa akin ito? Nangako siya diba? Bakit niya ako iniwan?



Ilang buwan pa ang lumipas, tinangka ko nang pasukin ang bahay nila ng makita ko si mommy niya na dali-daling pumasok sa kotse. Agad ko namang sinundan ito, wala akong dalang pera kaya tinakbo ko lang. Sinusundan ko parin, mabilis ang takbo ng sasakyan pero hindi manlang ako nakaramdam ng pagod. Gusto ko lang malaman kong saan pupunta ang mommy niya. Baka kasi ito pa ang maging daan upang makita ko ulit si Aliaa. Bigla namang huminto ang sasakyan at agad na tumakbo papasok ang mommy niya. Sumakay siya sa elevator, hinintay ko munang makapasok siya. Pagkatapos pumasok naman ako sa pangalawang elevator, hindi ko alam kung saan na siya. Pero nagdadasal parin ako na sana mahabol ko siya. Biglang huminto ang elevator sa third floor. Sumabay naman ako sa paglabas ng mga tao at agad kong nakita si mommy ni Aliaa na mabilis na tumatakbo, pumasok siya sa isang private room. Agad naman akong nagtaka kung ano ang ginagawa niya rito. Naghintay ako ng mga isang oras pero hindi parin nakakalabas ang mommy niya. Nagtago ako dahil nakita kong papalapit ang daddy niya. Mabilis rin itong tumatakbo, siguro galing lang siya sa trabaho kasi nakablack suit pa siya. Nagtataka ako kung bakit ganun nalang ang pagmamadali nila. May tinatago ba sila? Anong problema?


Kaya hindi na ako nagdalawang isip, pumasok na ako. Bago pa ako makapasok ay hinarangan ako ng mga body guards ng daddy ni Aliaa.


"Hindi kayo pwedeng pumasok diyan"suway sa akin ng isang body guards habang hinahawakan ang braso ko. Hinawi ko naman ito kaya bigla niya akong sinuntok. Napadaing ako sa sakit na natamo ko.

"Papasukin niyo ako. Kailangan ko silang makausap"sigaw ko pero hindi nila ako binitawan. Pero hindi ako nagpaawat sa kanila, lumaban ako ginantihan ko rin sila ng suntok. Nang bumagsak sila agad akong pumasok sa loob. Laking gulat nalang ng mommy at daddy ni Aliaa ng makita akong pumasok.


"Anong ginagawa mo rito?"galit na tanong sa akin ng daddy niya.

Bigla siyang tumayo at tangka na sanang papalabasin ako ng makita ko siya. Dumapo ang titig ko sa kanya. Bigla na lamang akong nanlumo atsaka nanginig ang buong katawan ko. Nangatog ang mga tuhod ko atsaka bumagsak na ang mga luha ko. Humagolgol ako sa iyak, hindi ko talaga napigilan ang sarili ko. Pinagmasdan ko ang babaeng nakaratay sa hospital bed. Maraming tubo ang nakadikit sa kanyang katawan. Napaiyak naman ang daddy ni Aliaa.


Lumapit ako sa hospital bed, mahimbing na natutulog siya.


"She's still in comatose, it's already 2 months."paliwanag sa akin ng mommy niya. Hinawakan ko naman ang kamay ni Aliaa atsaka bigla nanamang bumagsak ang mga luha ko. Hindi ko mapigilang hindi maiyak. Hindi ko kayang nakikita siyang ganito. Anong nangyari? Bakit ganito?


"Anong pong nangyari sa kanya?"tanong ko sa mommy niya habang hawak-hawak parin ang mga kamay niya. Hindi ko na mapigilan ang pagbuhos ng aking mga luha. Mahirap para sa akin na makita siya sa ganoong klaseng sitwasyon.


"She's suffering from Leukemia, it's already stage 4. Sabi ng doctor, may pag-asa pa siyang gumaling pero hindi na nila alam kong hanggang kailan nalang siya mabubuhay"paliwanag niya ulit sa akin habang umiiyak. Lumapit naman ang daddy ni Aliaa sa mommy niya at niyakap niya ito. Gusto kong sumigaw. Gustong gusto kong magwala pero hindi ko magawa. Bakit nangyari ito sa kanya?


The Fight Is OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon