JOSEPH'S POV
Kakadating ko lang galing sa school dahil sa pagpupumilit nila nanay na pumasok na muna ako. Marami na akong absent pero mas kailangan ako ni Aliaa. Marami nang oxygen ang nagamit para kay Aliaa pero hindi parin siya gising. Sabi ng doctor, tanging machine nalang ang nagpapabuhay sa kanya. Pero agad kaming tinest sa laboratory room kung sino ang compatible na dugo kay Aliaa. Ewan pero kailangan niyang salinan ng dugo. At ako iyon, oras oras kung kunan ako ng dugo pero syempre wala lang sa akin iyon. Mahihigit apat na bag ang nakukuha sa akin linggo-linggo para itransfer kay Aliaa. Sabi ng mommy niya bibili nalang raw sila ng dugo dahil mukhang nanghihina na ako pero hindi ako pumayag. Gusto kong ang dugo ko lamang ang dadaloy sa katawan ng taong mahal ko.
"Magpahinga kana muna Joseph"sabi sa akin ng mommy ni Aliaa.
Kaya umidlip lang ako sandali, agad naman akong natulog. Ilang oras lang ang nakalipas ng nagising ako, ginising ako ng mommy ni Aliaa. Umiiyak siya kaya bigla akong napatayo.
"Ano pong nangyari?"tanong ko sa kanya.
Lumakad siya kaya sinundan ko naman siya. Hindi ako makapakali dahil iyak siya ng iyak. Kinakabahan ako, anong nagyari?
Agad kaming huminto sa iisang kwarto. Pumasok kami dito, nakita ko ang papa ni Aliaa. Mukhang malungkot. Kumunot naman ang noo ko habang pinagmamasdan sila.
"Joseph?patawarin mo ako"paghihingi niya ng tawad sa akin habang umiiyak. Nalilito na ako.
Bigla niya akong inilapit sa isang telang nakatakip sa kama. Pagbukas niya, bigla na lamang gumuho ang mundo ko. Bumaksak ang mga luha ko. Nanginig ang mga kamay at buong katawan ko. Hindi ko kayang makita siya, bakit? Bakit siya pa? Humagolgol lang ako habang niyayakap ang malamig niyang bangkay.
Parang dinurog ang puso ko habang akap-akap ko siya. Anong kasalanan ko?bakit halos lahat nalang kinukuha sa akin? Bakit siya namatay. Bakit kailangan pang kunin siya sa akin? Anong kasalanan ko?
Sigaw ako ng sigaw, hindi ko na kasi malaman kung ano ang gagawin ko. Parang gusto ko na ring mamatay. Ano pa ang silbi ko kung patay na rin siya?hindi ko na talaga alam ang gagawin.
"Nay?gumising ka, huwag mo akong iwan. Paano na sina tatay?pano na sina Ania at Francis? Nanay, gumising ka"basag ang boses ko at pilit kong niyuyog-yog ang braso niya. Hindi ko kayang tanggapin na wala na siya. Hindi pwede, hindi ako makakapayag. Hindi pa dapat mangyari ito.
Hinawakan ako ng mommy ni Aliaa sa balikat.
"Nasagasaan siya ng sasakyan"paliwanag sa akin ng mommy ni Aliaa. Habang umiiyak din.
"Pasensya na Joseph, ako ang nakasagasa sa nanay mo"pagtatapat sa akin ng daddy ni Aliaa. Mas humagolgol pa ako ng malaman ko iyon.
Gusto ko sanang magbayad ang taong pumatay sa nanay ko pero hindi ko inakalang ang daddy ni Aliaa ang nakasagasa sa kanya. Mas gumulo pa yung isip ko dahil sa mga nangyayari. Bakit ba ganito? Hindi ko maintindihan. Pilit kong huwag magalit. Nirerespeto ko ang daddy ni Aliaa, kaya ayokong magalit sa kanya.
Bigla namang pumasok sina Tatay sa loob ng morgue. Umiyak rin siya, ganun din sina Ania at Francis. Masyado pa silang mga bata para maranasan ang maagang pagkawala ng nanay namin. Ano nalang ang magiging epekto nito sa kanila.
Wala na kaming nagawa kundi ang umiyak at pilit na pagtanggap na wala na ang ina namin. Yung nanay namin na walang ibang ginawa kundi ang magtrabaho ng magtrabaho para lamang makapag-aral kami. Ang nanay naming minahal kami higit pa sa buhay niya. Ang nanay naming walang hinangad kundi ang mapabuti lamang ang aming mga buhay.
BINABASA MO ANG
The Fight Is Over
أدب المراهقينShe is as soft as the blow of the wind. Cold but felt. She is like the stars in the sky, you can look up to but unreachable. That's how Joseph Andrius described Aliaa Santillan, his longtime love interest. Will their paths ever cross? How will t...