Alely's POV
"Maaaa! Nandito na po ako!" Sabi ko pagka-pasok ko pa lang sa pintuan ng bahay.
Narinig ko ang ungol ni mama sa salas kaya dun ako dumeretso.
Na-stroke ang mama ko. Na-paralyze ang kalahati ng katawan niya kaya hindi na siya nakakatayo mag-isa at hindi na din siya nakakapagsalita ng maayos. Tanging ungol na lang ang lumalabas sa bibig niya.
Hinalikan ko siya sa pisngi pagkalapit ko sa kanya.
Nanonood siya sa paborito niyang channel na cinemo. Idol na idol niya si FPJ.
"Oh anak? Nagmeryenda ka na ba? Merong cake dyan sa may ref." Sabi ni papa na kakarating lang sa salas.
Isang jeepney driver lamang ang tatay ko. Maaga siyang naga-garahe lagi kase siya yung mag-aalaga kay mama kapag papasok na si kuya bilang call center agent.
"Kanino galing 'pa?" Tanong ko habang papunta na sa kusina.
"Pasalubong kaninang umaga ng kuya mo." Sabi ni papa at hindi na ako sumagot.
College student na ako at kumukuha ng kursong HRM dahil mahilig akong magluto.
Todo kayod naman si kuya at papa para sa tuition fee ko at para makatapos ako.
Last year ko na 'to bilang college student kaya pinag-iigihan ko talaga para kahit papaano ay matataas ang grades ko at may ipagmamalaki sila papa at si kuya.
Nagpa-parttime job din ako sa isang cafè malapit sa school kapag sabado at linggo. Isa akong server at cashier doon.
Kapag wala masyadong customer ay dun din ako nag-aaral.
Minsan kapag kapos kami sa pera at bibili ng gamot ni mama.
Nago-overtime ako sa gabi tuwing monday to friday. Pero hindi bilang server. Kundi bilang isang janitor na maglilinis ng sahig,banyo at mga lamesa. Minsan ay sa kusina ako ng cafè para maging taga-hugas ng mga hugasin.
Dahil 24 hours naman bukas ang cafè na 'yon.
Nakakapagod pero para naman sa pamilya ko kaya keri lang!
Humiwa ako sa cake na kaunti pa lang ang bawas. Hindi pa ako nagbi-bihis at naka-uniform pa rin ako hanggang ngayon.
Dumeretso ako sa salas at umupo sa upuan doon.
Ibinaba ko ang kanina ko pang sakbit na backpack at itinabi sa gilid ng upuan.
Marami pala akong project na gagawin ngayon.
Mahilig din ako mag-drawing kaya minsan ay tumatanggap ako ng mga nagpapa-drawing na schoolmates ko para pagkakitaan din ng pera.
O kaya minsan yung mga anak ng kapitbahay ko.
"Kamusta ang school, anak?" Tanong sa akin ni papa kaya napatingin ako sa kanya.
"Next week na po ang bigayan ng card this sem, 'pa." Sabi ko naman sa kanya at napangiti siya.
"Pupunta kaming tatlo doon anak." Sabi ni papa na ikinatawa ko naman.
"Pa, bigayan lang ng card at hindi ko pa po graduation." Sabi ko at napakamot naman sa ulo si papa.
"Ganon kami ka-supportive, anak. Nasa honor ka ba ulit, anak?" Sabi niya.
"Oo, pa! 94.75 ang average ko ngayong grading. Sinabi na kanina." Sabi ko at tumingin ako kay mama na umuungol.
Nakangiti siya at tinaas ang isang kamay at um-approve sa akin. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
"Sobra kaming proud sa inyo ng kapatid mo! Yung kuya mo kahit hindi pa nakakatapos 'yon ay matalino din ang isang 'yon. Nagparaya siya para ikaw muna ang makatapos. At hindi mo naman siya binibigo dahil sa sipag mo sa pag-aaral." Sabi ni papa sa akin kaya lumapit din ako agad sa kanya at niyakap din siya.
Tapos na din akong kumain ng cake.
"Aakyat na pala ako, pa. May gagawin pa pala akong project at mga drawing na pinapadrawing sa akin." Sabi ko at tumango naman siya.
Kinuha ko ang bag ko at pumunta muna sa kusina para ilagay ang pinagkainan ko.
Mamaya na lang siguro ako maghuhugas.
Agad akong pumunta sa kwarto ko at isinarado ang pinto.
Ramdam ko na ang antok sa mga mata ko pero kailangang hindi ako makatulog dahil marami akong gagawin ngayon.
Inuna ko muna ang nga drawing na pinapa-drawing sa akin. Mas nangangailangan ako ng pera kesa sa mataas na grades kaya eto muna ang ginawa ko bago ang mga project ko.
Tatlong drawing 'yon. Kinuha ko ang cellphone ko na regalo ni Kuya ng mag-18 ako.
Nakikiwifi lang ako sa kapitbahay namin. Kaya agad akong nag-google para maghanap ng gayahan.
Nang makakuha ako ay agad naman akong nagdrawing.
Halos dalawang oras akong nagda-drawing dito. At papikit-pikit na ang mata ko ng matapos ko ang pangatlo.
Tuluyan na sanang pipikit ang mata ko ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"'Nak tapos na kami kumain ng mama mo. Kumain ka na din sa kusina. Nauna na kami kase baka abala ka pa dyan sa ginagawa mo." Sabi ni papa mula sa labas ng kwarto ko.
"Opo. Liligpitin ko po muna 'to." Sabi ko at narinig ko namang nag-"sige" si papa.
Niligpit ko muna ang mga gamit ko pang-drawing bago lumabas ng kwarto.
Tahimik na at nasa loob na ng kwarto si mama at papa.
Dumeretso ako sa kusina at tiningnan ang ulam. Sinigang na bangus! Paborito ko!
Agad akong nagsandok ng kanin ko at umupo sa lamesa dito sa kusina.
Marami akong nakain kaya naman hindi ako nakatayo agad nang matapos akong kumain.
Himas himas ko ang tiyan ko. Mas lalo akong inantok dahil sa kabusugan.
Bago pa makatulog sa kusina ay dumeretso na ako sa lababo at hinugasan ang mga hugasin.
Nang matapos ako doon ay pumasok na ako sa kwarto ko. At ni-lock na ang mga pintuan ng bahay at mga bintana. Bukas pa ng umaga uuwi si kuya. Laging pang-gabi 'yon at panlaban sa puyatan. Halatang talo ako don dahil antukin naman talaga ako.
Isa lang naman ang project ko ngayon kaya mabilis ko 'yong natapos. Tumingin ako sa orasan at nakita kong 11:30 na.
Napabuntong hininga ako at pinatay na ang ilaw dito sa kwarto bago nahiga sa kama ko.
Antok na antok ako kaya naman agad akong nakatulog.
Author's Note:
Secong story! So yung story na 'to ay magkakaroon lamang ng 15 na chapters. Pwera pa dun ang characters,prologue at epilogue. Sana ay suportahan niyo din tulad ng pagsuporta niyo sa una kong story! Thank you mwa♡.Ps. Hindi po Lucid Dreamer si Alely.
BINABASA MO ANG
Dream (COMPLETED)
Fiksi Remaja"Would I trust the man that I only met in my DREAM?" »Alely Jade Montenegro«