3rd PERSON's POV
Nagkakagulo na ang lahat.
Marami nang sugatan at wala nang mga buhay maalinman sa magkabilang panig.
Si Prinsesa Gail ay bahagya nang nanghihina. Pagod na sya gumawa ng taong yelo dinedepensahan nya ang kanyang sarili.
Si Zuel at Haron ay puro galos dala ng pagdaplis ng mga sibat at paso na galing sa mga kawal ng ilalim ng lupa. Hindi nila maintindihan ang nangyayari sa kanilang kapangyarihan. Umaapoy ang buwan, nagagamit ng mga kalaban ang kanilang apoy ngunit ang kila Zuel at Haron ay hindi. Nakikipagbuno lamang sila gamit ang pisikal nilang lakas, ang kanilang Ergum at ang kapangyarihan ni Zuel na Dugo.
"Lindsy! Nasaan ka, mahal ko?" Sigaw ni Haron sa gitna ng pakikipaglaban nya.
Kasama lang nya at katalikuran ang babaeng kanyang minamahal ngunit nawala itong bigla.
"Sya ba ang hinahanap mo?" Napatingin si Haron sa nagsalita.
Isang lalaking nakakapang-itim. Itim ang mga labi at ilalim ng mga mata nito. Puro ugat na itim din ang mukha at leeg nito. Mahahaba at itim na itim din ang kuko nitong nakahugis patusok. Si Armies, ang pinuno ng sandathang hukbo ng Ilalim ng Lupa.
Buhat-buhat nito na tila isang sako ang walang malay at medyo nangi-ngitim na si Lindsy. Kumukulubot na rin ang balat nito. Sa kabilang kamay nito ay may itim at kumikinang na tali. Sinundan iyon ng tingin ni Haron. Ang kambal. Hawak din ni Armies ang kambal.
"Ama! Ama! Tulungan ninyo kami." Halos iisang palahahaw ng kambal. Wala ang Ergum at Treup ng dalawa na syang nakapagtataka.
"B-Bitawan mo ang mga anak ko, Armies." Dama ang kaba ni Zuel. Umaapoy ang mga mata nito, maging ang mga kamao nito. Labis ang kanyang pag-aalala sa mga anak.
Tumawa ng pagak si Armies.
Armies- nangangahulugan ang kanyang pangalan ng Matibay na Armas. Dala-dala din nya ang kapangyarihan na itim. Kaya nyang humigop ng diwa ng kahit na sino. Sa oras na mahigop nya ang diwa ng mga ito magiging isang Yungba na ang mga ito.
(Ayon sa diksyunaryo ni Author '__' )"Mamaya na mga Prinsipe. Kapag naging Yungba na ang mga mahal nyo." Muli itong tumawa
Yungba- mga nilalang na nawalan na ng diwa. Mangingitim ang buong mukha at katawan nito at manunuyo. Buhay pa sila ngunit wala na ang katinuan nito.
(Ayon sa diksyunaryo ni Author '__' )"H-Huwag mo akong subukan, Armies." May pagbabantang sabi ni Zuel.
"Sa oras na saktan mo sila, makikita mo ang totoong kakayahan ng mga prinsipe ng kaharian ng Blood and Fire. Hindi mo iyon magugustuhan." May diin na din ang bawat pagbigkas ni Haron. Alalang-alala na sya kay Lindsy.
Sobra na ang kulubot ng balat nito.
Ilang sandali pa at kung hindi ito makakakain ng espirito ay tuluyan na itong maglalaho.
"Z-Zuel, ang mga a-anak ko." Napatingin si Zuel kay Gail. Bakas ang pagod sa mukha nito ngunit mas nangingibabaw ang pag-aalala sa mga anak nya na kailan lamang nya nakilala.
Lalong nakadagdag ng determinasyon ni Zuel ang pagkakita sa mukha ng ina ng kanyang supling.
Pasimple nyang ikinukumpas ang mga daliri nya.
"Pakawalan mo sila Armies habang nakakapagpigil pa ako." Pagbabanta ni Zuel.
Ngunit tinawanan lamang sya ni Armies at ibinaba sa pagkaka-karga si Lindsy na wala pa ring malay. Itinayo iyon ni Armies.
"A-Anong gagawin mo?" Kinakabahang tanong ni Haron at pasimpleng sumulyap kay Zuel.
"Ako'y inyong hinahamon, pwes panoorin nyo ito."
Itinapat ni Armies ang mukha nya sa mukha ni Lindsy. Bahagya nyang ibinuka ang bibig ni Lindsy sa pamamagitan ng bahagyang pagpisil sa baba nito.
"Huwag! Huwag mong gagawin iyan." Sigaw ni Haron. Takot na takot na sya para sa minamahal.
Sa halip na itigil ay isang ngisi ang pinakawalan ni Armies at ibinuka na rin nya ang bibig at bahagya pang inilapit sa bibig ni Lindsy.
Unti-unti ay may lumalabas nang puting usok mula sa bibig ni Lindsy. Ang kanyang diwa.
Samantala...
Lalong lumalagablab ang umaapoy na buwan.
At kung magpapatuloy ito sa paglagablab, mas lalong lamang lalakas ang pwersa ng kalaban.
Napatingin sa taas si Aleisha.
Si Kevin ay hindi makagalaw at hindi maialis ang tingin sa sasaksaking si Dyos Gracea. Wala silang magawa. Tila naparalisa ang kanilang katawan.
Ilang dangkal na lamang at maitatarak na ni Tremolo ang kanyang tadyang sa likod ni Dyosa Gracea.
"Hevas, presteyo grayte helrem ifisme das respoberto." Bulong ni Dyosa Gracea na nangingitngit na sa galit.
(Hevas, patawarin mo ang ako sa aking gagawin.)Umikot si Dyosa Gracea sa hangin kasabay ng pagpalibot sa kanya ng berdeng hangin. Sumipa sya at idineretso iyon sa mukha ng kapatid na tulala sa nangyari.
Tumalsik si Dyosa Gleondria kasabay ng pagkakaupo sa lupa ng mga buto ni Tremolo dahil sa lakas ng pwersa mula sa berdeng hangin.
Nakatayo rin sa wakas sina Aleisha at Kevin.
"Makinig mga maharlika." Pagkuha ni Dyosa Gracea sa atensyon ng utak ng mga maharlika.
Bagama't nakikipaglaban ay nakikinig pa din sila sa Dyosa.
"Ang buwan ang kanilang lakas. Nais kong magtungo kayo doon. Palibutan ang buwan at bumulong ng isang mahika na aking bibigkasin sa oras na makarating kayo sa palibot ng buwan"
Napakunot ang noo ng mga maharlika at mukhang naintindihan ng Dyosa ang ibig sabihin nito.
"Para makawala sa inyong mga kalaban ay aking patitigil ang oras sandali, kayo lamang ang may kakayahang gumalaw sa oras na gawin nyo iyon. Sana ay magawa nyo ito sa mabilis na oras dahil hindi na kakayanin ng mga dyamante ko ang bagay na iyon."
Bagama't nag-aalinlangan sa sinabi ni Dyosa Gracea ay tumango sila bilang pag-sang ayon.
Nag-ngingitngit ang mga ngipin ni Dyosa Gleondria ng ito'y makatayo.
"Lapastangan!" Sigaw nya sa kapatid at akmang susugod ngunit mabilis ang naging pag-kilos ni Dyosa Gracea.
Umikot siyang muli. Pinailaw lahat ng dyamante at lumutang sa ere. Sumungaw lahat ng sinag mula doon na pumalibot sa katawan ng Dyosa.
Tumigil ang oras.
Naiwan ang sibat at Ergum sa ere. Walang makagalaw kundi sina Aleisha, Kevin, Gail, Zuel, Haron, Zildian at Gwen.
Maging ang paghigop ng diwa ni Armies kay Lindsy ay natigil.
"Ngayon na!" Sigaw ni Dyosa Gracea sa mga maharlika.
Agad hinawakan ni Kevin ang kamay ni Aleisha at sabay-sabay silang lumipad papalapit sa umaapoy na buwan.
Ilang daang kilometro din ang layo nito ngunit dahil sa mahika ay makakarating sila sa loob lamang ng ilang minuto.
Isang kilometro na lamang at malapit na sila.
Ngunit bigla silang napabagsak dahil sa nangyari kay Dyosa Gracea.
Dahil tutok ito sa pagpapalipad sa mga maharlika ay hindi nya napagtuunan ng pansin si Dyosa Gleondria na sinamantala ang pagkakataon.
Nagpakawala ito ng itim na pwersa na direktang tumama sa dibdib ni Dyosa Gracea.
Tumalsik at bumulusok paatras si Dyosa Gracea at tumama sa isang malaking puno.
Unti-unting nagkaroon ng lamat ang mga dyamanteng nakabaon sa kanyang katawan.
Hindi!
Hindi ito maaari. Hindi pwedeng mabasag ang mga dyamante dahil kung hindi...
Katapusan na lahat ng lahi ng maharlika.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Spirit (PUBLISHED Under TBC PUBLICATIONS)
FantasyCOMPLETED (04/22/2019) BC by: Moon New BC by: @trshrn Aleisha is an adopted child. She never ask or no one ever told where she come from. Kevin is a prince of the kingdom of Cold Nature and Ice. AND one more thing he is not a HUMAN he is a SPIRIT. ...