Vivoree's POV
Three months. It has been exactly three months mula nung pumunta ako dito sa Canada at magtrabaho. At isang buwan na din kaming hindi nag-uusap ng boyfriend ko. We have been both very busy to the point na kahit ilang minutong usap lang di na namin masingit sa schedule namin. No chats, no phone calls and not even video calls. At ito na yung kinakatakot ko. Ito na yung sinasabi ko sa kanya noon na maaari naming maging problema namin dahil tumuloy ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sakali mang lumala pa toh. :(
"Uy, ayos ka lang ba?"-Dana
Napalingon ako sa kanya. Nasa isang coffee shop kami ngayon. Night shift pa nga naman kasi kami kaya naisipan naming lumabas at magbonding na medyo madalas na din naming nagagawa sa loob ng tatlong buwan. Naging close na din kasi talaga kami sa isa't-isa at hindi ko naman maikakaila na mabuti siyang tao at kaibigan. Kaya din siguro kami nagkasundo agad.
"Sus, iniisip nanaman neto yung boyfriend niya oh."-Dana
Malungkot yung ngiting ibinigay ko sa kanya. Ni hindi nga umabot yung saya sa mga mata ko.
"Miss na miss ko na siya, Dan. Isang buwan na din kaming di nag-uusap. Ang layo na nga namin, wala pang communication? Ang hirap be."-Ako
"Hmm. Mahirap nga naman yan. Ibase mo nalang din sa experience ko. Pero kung pipilitin ninyong maging matatag para sa isa't-isa, kakayanin at malalagpasan ninyo yan. Hindi ang no communication o LDR ang tatapos sa relasyon ninyo. It's your choice to stay or to give-up, really."-Dana
"Paano ba maging matatag? Paano kakayanin toh?"-Ako
"Trust in him and in the love you have both founded in each other. Dun ka kumapit at isipin mo kung bakit mo ginagawa ang mga ginagawa mo ngayon."-Dana
I sighed and sipped from my latte. Pagkatapos ay napatingin ako sa labas ng bintana habang iniisip ang mga sinabi ni Dana ngayon lang.
Bakit ka nga naman matatakot Vivoree? Bakit ka malulungkot? Bakit ka bibitaw? Bakit ka susuko kung alam mong mahal na mahal ka ni CK? Mahal mo rin naman siya diba?
*beep
Napatingin ako sa cellphone ko nung tumunog yun. Kinuha ko at nakita kong galing kay Beatriz yung whatsapp message na natanggap ko.