Janine POV...
"Ouch!!" Napadaing kong turan ng hawakan ko ang tray sa loob ng oven at nakalimutan ko palang mag suot ng gloves.. "Liam paki assist nga muna ako dito." Tawag ko sa isa kong baker at agad naman itong tumalima,napatingin naman ito sa kaliwang kamay kaya lang nahihiya sigurong magtanong. Nagmadali na akong tumungo sa may sink dito sa baking area at agad na binuksan ang faucet at tinapat ko yung kaliwang kamay ko sa tubig.. Hapdi grabe,sigurado first degree burn ito.
Nawawala kasi ako sa sarili ko magmula ng tumawag si Frank sa akin ilang araw na ang nakalipas. Pagkatapos umalis pa si Joseph dahil may seminar ito sa Baguio at sya ang inutusan ng company nila isang linggo sila doon. Si Jayde din hindi pa nagpapakita kahit anino man lang nya. Kaka stressed sa totoo lang..
"Anong nangyari?" Napapitlag pa ako sa bahagyang pagka gulat ng biglang magsalita si Jayde mula sa aking likuran. Salamat naman at nagpakita na ito.
"Katangahan.." Tugon ko naman. Mabilis nitong hinawakan ang kamay ko at namumula ang apat na daliri ko. Sobrang hapdi grabe.. Sinara na nito ang faucet.
"Hindi naman masyadong malala ito mga ilang araw lang mawawala din yan. Magpa hinga ka kasi muna. Boss ka rito huwag kang masyadong nagkikilos." Mataman ko lang itong tinitigan habang sinabi nya ang mga yun. Nurse din ba ito? Bigla tuloy akong napangiti kahit papaano gumaan yung pakiramdam ko dahil sa kanya. Hawak parin nito ang palad ko.
"Wait lang ibibili kita ng ointment." Hahakbang na sana ito ng hawakan ko ng mahigpit ang isang braso nito ag agad ko syang dinaluhan ng mahigpit na yakap. At hindi ko napigilang mapa iyak ng sandaling yun,pakiramdam ko kasi nagkaroon na ako ng kakampi ngayon andito na sya. Sobrang bigat kasi sa dibdib yung ginagawa ni Frank pagkatapos wala man lang akong mapag sabihan. Nagiguilty ako sa kanya sa ginagawa ng best friend ko. Kahit pa sabihin nitong para sa kanilang dalawa yun maling mali parin yung ginawa nya.
"Heay what's wrong?" Gustong gusto ko talagang naririnig yung boses nyang sobrang lambing. Habang marahang hinahagod nito ang likod ko. Hindi na lang ako kumibo gusto ko lang syang yakapin. Gusto ko lang ilabas tong bigat na nararamdaman ko. Pilit naman ako nitong pinapatahan.. Hindi ko alam kung ilang minuto kami sa ganung posisyon ng kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya. Mabilis naman nitong kinulong ang mukha ng dalawang palad niya. Nagulat na lang ako ng may mainit at malambot na bagay na lumapat sa labi ko. Hinahalikan ba nya ako?
Napamulat ako ng husto habang patuloy parin ang paggalaw ng labi nito sa labi ko. Banayad at masuyo ang paraan ng paghalik nito sa akin. Bakit niya to ginagawa! Itutulak ko sana sya kaya lang gusto ko pang damhin yung malambot nitong mga labi. Buti nalang at medyo tago dito banda,maliban na lang kung may mapangahas na pupunta dito. Mapangahas talaga!.
"Jayde.." Hinihingal kong turan ng binitawan na nito ang mga labi ko. Pero hawak hawak parin nya ang pisngi ko.
"Feeling better?" Napangiti pa nitong wika.. Mataman ko naman syang hinampas sa braso.
"Bakit mo ginawa yun!" Natatawa ko pang turan at tumawa na rin ito.
"Pinapatahan lang kita.. Tignan mo nga di okay ka na." Joke ba to. Pero tama naman sya dahil gumaan yung pakiramdam ko. Sa halik ba yun! O sa pag comfort nya sa akin. "Bakit ka ba kasi biglang umiyak? Dahil sa paso mo! Malayo pa yan sa bituka." Nagawa pa talaga nitong mang asar.
"Kainis ka talaga..!" Sabi ko naman sa kanya. Lumipat na ang mga braso nito sa baywang ko habang magka dikit parin ang aming katawan. Tatawa tawa lang naman ito. "Sobrang lungkot ko kasi.. Namimiss ko Frank,namimiss ko si Joseph tapos namimiss din kita wala kayong lahat eh!" Parang bata ko namang maktol. Totoo naman yung huling sinabi ko. Na kina kunot noo naman nya.
"Si Frank, considered yun dahil nasa malayo. Miss ko din sya.. Ako nag trabaho para sa ekonomiya." Nagbiro na naman. Mataman lang akong nakatitig sa kanyang mukha. "Si Joseph asan?""Hayun may seminar sa Baguio isang linggo sya doon." Tugon ko naman at napatango tango naman ito.
"Andito na ako okay.. Huwag ka nang malungkot.." Sabi nya at bumaba na naman ang mukha nito mukhang hahalikan na naman nya ako. Maloko talaga. Dahan dahan ko namang iniwas ang aking mukha at hinarang ang isang palad ko.
"Oopss.. Hindi na counted to,okay na ako!" Natatawa ko namang turan at tumama ang labi nito sa palad ko. Parang tanga kasi namihasa sa halik. Kinuha naman nito ang kamay ko at hinalikan na naman niya ang likod ng palad ko. Na kina singhap ko naman. "Jayde!" Bulong ko pa sa pangalan niya at nagtama ang aming mga mata.
"Bukas gagaling na yung mga paso mo." Seryosong sabi pa nito. Maniniwala na sana ako sa sinasabi niya kaso nga lang.
"Hindi naman yan yung may paso dito sa kabila." Natatawa na naman ako. Mabilis naman nitong kinuha iyon at isa isa nitong hinalikan ang bawat daliri kong namumula.. Napakagat tuloy ako ng pang ibabang labi habang pinag mamasdan ko sya.. Pagkatapos ay muli itong tumitig sa aking mukha.
"Bakit ka ba ganyan?" Hindi ko tuloy napigilang sabihin.. "Ang clingy mo." Dagdag ko pa at kumalas na ako sa kanya. Napatawa lang ito nang mahina. Tumalikod na ako dahil hindi ko din mapigilang mapangiti ng sandaling yun..
"Uy.. Kinikilig sya.." Pang aasar naman nito. Pinamulaan tuloy ako ng pisngi buti at hindi nya yun nakikita.
"Ewan ko sayo.." Sabi ko naman at humakbang na ako palayo kaso agad naman itong naka sunod sa akin.
"Gusto mong ipasyal kita sa bahay ko!" Sabi naman nito dahilan para muli akong humarap sa kanya. Bakit naman gusto nya akong dalhin sa bahay niya..
"Si Frank ba naka punta na doon?" Ewan ko ba at bigla ko naman itong naitanong. Na kinatawa na naman nito..
"Paano kong sabihin kong hindi pa.."