CHAPTER 5

884 29 1
                                    

GABRIEL's POV

Nagising ako sa pagtama ng liwanag sa aking mata. Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Hindi nga ito panaginip, ang sabi ko sa aking sarili. Asul ang kisame, asul rin ang ding ding.

Dahan dahan akong bumangon at nilibot ng mata ang paligid. Ang ganda ng kwarto niya. Sinilip ko ang tao na ngayon ay mahimbing na natutulog sa tabi ko.

"Cute mo pag natutulog, matulog ka na lang lagi" pabulong ko habang nakatitig sa kaniyang maamong mukha.

Ang ganda ng kaniyang katawan. Maputi. kitang kita ang line ng mga muscle sa kaniyang likuran.

Pero bakit? Sino ka ba? Bakit mo ginugulo ang buhay ko? Sino ka ba sa nakaraan ko? Ano ba ang naging papel mo sa mundo ko?

Nagulat ako ng bumukas ang kaniyang mata at sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. Damn, he's too cute.

"Don't look at me like that before I devour you" napapitlag ako sa sinabi niya. Agad akong umusog papalayo konti sa kaniya.

"After you prepare yourself follow me downstair, and let's eat together okay?" tanging tango lamang ang nasagot ko sa sinabi niya.

SHEMAAAYY!!! Nagulat ako ng tumayo siya at lumabas ng kwarto. NAKAHUBAD SIYA? Natutulog siya ng nakahubad kahit na may katabi siya? Tila natulala ako sa kawalan dahil sa nakita ko.

Makalipas nag ilang minuto ay natigil ang aking pagkatulala at dali daling nag ayos ng sarili. Inayos ko na rin ang kamang pinagtulugan namin.

Naisipan ko munang sumilip sa terrace ng kwarto niya bago bumaba. Mukhang malayo nga na makatakas ako. Nandirito nga kami sa isang isla na pagmamay ari nila. Marahil dito sila nagbabakasyon ng pamilya niya. Ang ganda, ang sarap ng simoy ng hangin. Siguro nga'y sulitin ko muna itong bakasyon na ito at kalimutan muna ang lahat ng problema.

Nanginig ang katawan ko ng may yumakap sa akin mula sa aking likuran. Ang tigas ng katawan niya at ang sarap yakapin. Hindi ako nag pakita ng kung anumang pagtutol. Gusto ko muna magtagal sa ganitong posisyon.

"Mukhang malalim ang iniisip mo and you forgot what I've told you"

"Huh?"

"I told you that go with me and let's eat downstair but hindi ka dumating"

"Ah ganun ba? Ah sige tara na sa baba"

"Wait, let's stay first. I want to hug you"

"Ah okay"

-----------------------------------------

"OY DAI!! Sabi ko 5:30 ka papasok late ka na oh" Infairness lalong gumanda itong babaita na ito.

Well, siya si Trixie Antonio. Best Friends ko siya nung grade 5 and 6. Maganda, maputi, manipis ang labi, mas maliit ng konti sa akin at maganda ang kaniyang mga mata. Yan ang dahilan kaya niligawan ko siya nung grade 6 kaso na friendzone ako. pero okay na yun atleast best friend pa rin kami.

"Gumanda ka Gab" Ang ganda na rin niya infairness.

Ito naman si Kia Valerio, ang kaibigan ko since grade 2. Matangkad siya, dati maitim siya pero ngayon mas maputi na siya sa akin, kulot siya dati pero ngayon rebonded. In short ang laki ng pinagbago niya.

"Ay thank you, Sorry na late ako nmsa sobrang excitement napuyat ako kagabi hindi kasi ako makatulog hahaha"

Hindi pa rin maalis itong mata ko sa lalaking iyon. Ang gwapo niya maputi, mapula ang labi, makinis, mas maliot sa akin pero NAPAKAGWAPO.

Nagulat ako ng nakatitig na rin pala siya sa akin. Bigla bigla akong umalis at pumasok na sa room.

Matagal bago nag sinula ang klase kaya kami ni Trixie ay isa isang sinuri ang mga bago naming kaklase.

STAY WITH METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon