Chapter 1- The Greed's Aftermath

1.4K 34 3
                                    

Chapter 1- The Greed's Aftermath

I can see empty houses from the windows of my room. The place that was once lively with the beeps of different transportation and the noises of the vendors trying to promote their products is now suffering from the sick melody of silence. Nakaka-miss rin pala ang ganoong ingay. Di ko aakalaing dadating ang panahon na gusto kong makasalamuha ang mga tao.

It would have been peaceful to walk in those empty streets. But the streets are full of abandoned cars, the lots are filled with burning houses. There were people roaming around the place, but they don't have the capacity to think straight. Hindi ko alam kung matatawag ko pa ba silang tao o hindi.

Yes, those people are infected. Those people are the victims of that organization na walang ibang ginawa kundi sirain ang mga tao at ang lugar. They killed the hearts of those people. They killed this place. I'll kill them.

This is the aftermath of their greed. Can we still live and survive?

Months had passed since I got my freedom from the grasp of that sick organization. But seeing this empty place, is this really freedom? Sa mga buwang nagdaan, dito lang ako nanatili sa iisang bubong, kasama ang mga taong pinoprotektahan ako at poprotektahan ko rin hanggang sa huling hininga ko.

We've been hiding underground. May isang palapag na nasa itaas, at limang palapag pababa. It's never easy, kasi may mga oras na hindi kami nakakahinga ng maayos unless we stay on the first floor. Good thing we have Tito Grey controlling the air pressure using a device he built. Our food? Paminsan-minsan lumalabas sina Tito Renzo upang maghanap ng makakain. We are held prison by this misery. I don't know if we can survive any longer.

"Bakit ka nasa unang palapag? Can't breathe?" tanong sa akin ng bagong dating na si Natasha. I sighed saka hinarap siya.

"Yeah," sagot ko na lang. The first floor is burned, para bang abandonado na rin gaya ng ibang bahay. Tanging mga basura at mga hindi ginagamit na mga bagay ang inilagay dito. It seemed lifeless, ngunit walang nakakaalam na marami pa lang naninirahan sa ilalim.

"Hanggang kailan kaya tayo like this?" tanong niya. Dahil sa tanong na iyon, naalala ko ang dati kong buhay. When I was still struggling with my amnesia and the mystery of my life. Akala ko iyon na ang pinakamahirap na stage ng buhay ko, hindi pala.

Our subdivision has been guarded by Verzalias Organization. Alam kong hinihintay nila kami kung sakaling pumunta kami doon, at mas hinigpitan nila ang pagbabantay magmula nang makatakas kaming dalawa ni Stephanie.

"I'll just go downstairs," sabi ko na lang. Tumango lang siya at humarap sa bintana. Bumaba na ako at huminto ako nang makasalubong ko ang aking dalawang pamangkin.

"Where's my baby boo?" mahinang tanong sa akin ng batang si Blaze. Tumawa naman ako. Ang baby boo na tinutukoy niya ay ang duckling na kaniyang alaga.

"Hindi ko alam eh, saan mo ba huling nakita?" mahinahong tanong ko sa bata. Nakasimangot na tinuro niya ang kaniyang kambal.

"Don't blame me, stew-pid!" sagot ng batang si Glaze at mataray na umirap. Nakita kong napanguso si Blaze at umiyak.

"She's mean! Mean!" iyak ni Blaze. Napailing na lang ako sa kanilang dalawa.

"We'll find your baby boo, okay?" alo ko kay Blaze and he slowly nodded his head. I gently smiled and patted his head.

Blaze and Glaze Alberts are the children of Tita Blanche and Tito Renzo and yes, they are twins. Dalawang taong gulang pa lamang sila but they already showed intelligence. Glaze got her features from her dad while Blaze got his features from his mom. Soft-hearted si Blaze, madaling umiyak, he loves animals and mabait siya, a complete opposite of his parents. Si Glaze naman ay kuhang-kuha ang attitude ng kaniyang mga magulang, hindi ngumingiti, masungit, at brutal. Minsan lang magkasundo ang kambal, at madalas silang nagkakasundo sa isang bagay: ang Nursery Rhymes.

Verson University: School of DoctorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon