🌹CRUSH🌹

25 3 2
                                    




Habang nag aabang ng tricycle ay kinuha ko ang cellphone ko na nasa bulsa ko at nag text kay kuya na pauwi na ako.At maya maya lang ay tumawag siya.


"Huy Gel!Bilisan mo!Baka mapatay na tong bisita mo dito."si kuya

"Huy rin!Wala naman akong bisita ahh!"sabi ko at umirap as if nakikita niya ako.

"Meron nga kasi!Si Ken."sabi niya

Pinatay ko ang tawag at gusto ko ng umiyak!Putcha naman kasiiiiii!Si Ken daw kasi nandun!Uwaaahhhh!!!Baka yung crush ko na Ken?
Tumunog ulit ang cellphone ko at sinagot ko ang tawag ni mama na naman.

"Anak!Malapit na talagang mapatay ang bisita mo!Umuwi ka na!"sabi ni mama

"Ma!Wag ka naman kasing magbiro!Sino ba yang Ken na yan?"tanong ko

"Ken Gozon"sabi ni mama

Pinatayan ko na naman ng tawag si mama.Yun na yun eh!Si Ken nga nandun!Di na ako mapakali.Kinikilig ako.Pero naalala ko,malapit na daw mapatay ng pamilya ko si crush.
Kailangan kong magmadali.
Naghintay pa ako ng ilang minuto bago nakasakay.At ng nasa labas na ako nga bahay ay huminga ako ng malalim.
Pumasok ako at dumiretso ako sa sala kung saan nagmula ang ingay.Sigawan ng pamilya ko.

"Anong nangyayari?"tanong ko at tumingin silang lahat sa akin

"Namatay na siyaaaaaa!!"rinig kong sigaw ng pinsan ko

"Sinong namatay??????"kinakabahang tanong ko

"Si Ken!"sabi ni mama

"Pooooooo???"natatarantang tanong ko

"Oa mo!"sabi naman ni kuya

"Shut up kuya!Nasan si Ken?Joke ba 'to ha!!??!"tanong ko

"I'm here."

Parang nanginig ang tuhod ko sa boses na yun.

"A-akala ko p-patay ka na."sabi ko at kinamot ko ang ulo ko

"Patay na nga.Patay na patay sayo."sabi niya at ako?heto kilig na kilig sa sinasabi niya.
Sasampalin ko sana ang sarili ko para malaman kong totoo ba ang nangyayari nang marinig ko ang boses ni papa

"Sapak gusto mo Ken?"tanong ni papa kaya natawa sila

Pero ako?Hindi ako natatawa!Seryosong usapan 'to.Si Ken na crush ko ay nandito sa bahay namin.

"Pa naman.Ken,ano nga palang ginagawa mo dito?"tanong ko at ngumiti ang gwapong lalaki na crush ko.yiehhh

"Manliligaw."sabi niya

"Manliligaw kay?"tanong ko
"Sa mama mo."sabi niya

"Ha?"tanong ko

Si mama pala gusto niya?No way!Magiging papa ko yung crush ko?!No No No!!!!
"Di ako papayag!May papa na ako."sabi ko at umirap

"Lah?Joke lang Gel.Kasi,liligawan ko muna yung magulang mo para boto sila sakin."sabi niya at narinig ko ang tawanan ng pamilya ko

"Ahhhhh?!Ha?Hahahahah!!Joke mo ba yan?Nakakatawa!"sabi ko

Ehhh wala eh,ang hirap paniwalaan.Tapos ang awkward kasi naman diba,nandito yung pamilya ko nakikinig.Mayghad naman diba.

"Di ako nag joke ahh.Tito ohh!"

Natawa na ako ng mag sumbong siya kay papa at inirapan lang siya ni papa.
Hahahaha.

Matapos kong mag imagine.OO IMAGINATION yun thank you sa krimstix.

Matapos kong maubos ang krimstix ko ay tumayo ako at lumabas ng classroom.

"Gelllllll!Aga mo ah?"sabi ni Ryle,bestfriend ko

"Ayy maaga talaga ako pumapasok.I'm not like you."sabi ko at umirap

"Ganyan ka na ah!At akala mo bibigyan pa kita nito?"nakangising sabi niya habang tinataas niya ang kamay niya na may hawak na KRIMSTIX.

"Uwaaahh!Ibigay mo na sakin yan!Iloveyoubestey mwahh!!"sabi ko

Lahat gagawin ko para sa krimstix.Ehh kasi alam niyo ba na krimstix helps you to imagine?Di niyo alam?Try niyo mga besh.

"Sige na nga."sabi niya at binigay niya sakin ang krimstix

"Pasok na tayo sa room.Maginaw dito sa labas eh."sabi niya at hinila ako

Umupo siya sa upuan niya at umupo rin ako.Di na ako nabigla ng kunin niya ang isang kamay ko at parang kinumot.

"Gel,giniginaw ako."sabi niya na nakapikit

Siguradong inaantok pa siya.Yan ang napapala sa mga nasobraan na maglaro ng ML.

"Halata naman."sabi ko habang kumakain ng krimstix

"Gel.Can you hug me please?"sabi niya

"Tumahimik ka na nga.Di ako nakakapag imagine dahil daldal ka ng daldal."sabi ko

At nagulat ako ng bitawan niya ang kamay ko at lumabas ng room.Okayyyy!Anong nangyari sa kanya?Susundan ko sana si Ryle nang nagsi datingan ang mga classmates ko.Pati na yung teacher namin sa first subject.

Tumingin ako sa relo ko at nagsimula na ang klase pero wala pa din si Ryle.
Bakit ba kasi umalis yun?

"Anyare kay Ryle?"tanong ng katabi ko,si Tine

"Ewan ko dun."sabi ko at nakinig nalang kay ma'am

Lumipas ang next subject at wala pa din si Ryle.
Kinuha ko ang bag ko at pumunta sa lugar kung saan ako nag iimagine at nagbabakasakaling nandun si Ryle.

"Ryleeeeee!!!"sabi ko ng makita ko siyang nakaupo at nakasandal sa puno habang kumakain ng krimstix.

Di siya tumingin sa akin kaya umupo ako sa tabi niya.

"Sabi mo,makakatulong ang krimstix sa pag iimagine ."sabi niya pero nakatingin pa rin sya sa kawalan

"Yah"maikling sagot ko

"You're right.Nakakatulong nga siya.Pero,sa huli.IMAGINATION lang din lahat."sabi niya and this time tumingin siya sakin diretso sa mata ko.

Kahit naiilang dahil parang di Ryle na bestfriend ko ang kaharap ko ngayon ay pilit kong tumingin din sa kanya.

"Yeah,pero atleast naka imagine ka diba."I said then I fake a laugh

"Pero still,imagination pa rin."sabi niya

Natahimik ako sandali tapos nagsalita naman siya.

"Ano ba yung ini-imagine mo?"tanong niya and then ngumiti ako

"Tutal,malapit din naman tayong maghiwalay ng school."

Kinuha ko ang krimstix at kumain.

"You know what Ryle?Krimstix can also boost your confidence."sabi ko at kumindat

Pagkatapos kong kumain ay huminga ako ng malalim.

"Ryle,I like you.Right from the start crush na kita.I know may mag iiba na pagkatapos nito.Ehh kasi naman eh.Kung sana di mo ako binigyan ng krimstix noon.Pagkatapos nun ay palagi na akong kumakain nito"turo ko sa balot ng krimstix

"And nagsisimula na akong mag imagine tungkol sa ating dalawa.Ini-imagine ko na crush mo ako tapos na try ko nga one time,you and me going out on a date like  real lovers.But yeah,I guess you are right.In the end,IMAGINATION pa rin lahat."sabi ko at umalis

I can't stay there and pretend na walang nangyari.Okay na din siguro 'to kasi pagod na akong itago ang nararamdaman ko ehh.





THE END

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 13, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ONE SHOTWhere stories live. Discover now